Ika-7 ng Disyembre taong 1941
"President Franklin Roosevelt declares war on Japan."
"We have witnessed this morning the distant view, a battle of Pearl Harbor and the severe bombing of Pearl Harbor by enemy planes undoubtedly Japanese."
"The city of Honolulu,Hawaii has also been attacked and considerable damage done."
Noong ika-7 ng Disyembre 1941, binomba ng mga Hapones ang Pearl Harbor sa Hawaii sa utos ng Hukbong Imperyal ng Hapon. Malaki ang idinulot na pinsala nito sa United States of America dahil ang hukbong pandagat nito ay nasa Pearl Harbor. Dahil sa pinsala nang pangbobomba ng mga Hapones, madaming sundalo ang nagbuwis ng buhay para sa bansa. Dahil ang Pilipinas ay nasa ilalim ng pamumuno ng United States noon, nasangkot ang mga Pilipino sa digmaan.
~~~
Ika-8 ng Disyembre taong 1941
"Magtago na kayo, Nandyan na ang mga Hapon!"
"Mga kababaihan magtago na kayo paparating na ang mga Hapon!"
Ilang oras lamang matapos pasabugin ng mga Hapones ang Pearl Harbor, nilusob naman nila gamit ang kanilang eroplanong pandigma ang Clark Air Field sa Pampanga at ang base ng mga Amerikano sa Davao, Cavite, Baguio at Zambales. Sa Ika-10 ng Disyembre taong 1941, narating na rin ng mga Hapones ang Cagayan, Vigan at Ilocos Sur. Unti-unti na nilang nasasakop ang Pilipinas. At sa ika-26 ng Disyembre 1941, idineklara ni Heneral Douglas MacArthur na Open City na ang Maynila.
Ano nga ba ang kalagayan ng mga Filipino noong panahon ng pananakop ng mga hapon? Paano nila naituwid muli ang kanilang pamumuhay sa kabila ng pagbagsak ng ekonomiya, kawalanan ng sapat na pagkain, kawalan ng trabaho, nauusong Black Market, at ang mga kababaihan na tinatawag na 'Comfort Women'. Tunghayan ang istorya ni Amelia Bolivar kung paano naitawid ng mga Filipino ang matinding hirap na kanilang idinanas noong panahon ng pananakop ng mga Hapones.
BINABASA MO ANG
Sincerely Yours, Amelia
Historical FictionIto ang istorya ng isang dalagang Filipina na nagngangalang Amelia Bolivar at ng isang sundalong Hapones na si Hideyoshi Kichiro. Nagkakilala sila noong sinakop ng mga Hapones sa Pilipinas. Sasang ayon kaya ang tadhana sa kanilang ninanais na makas...