AMELIA
Habang naglalakad ako sa kagubatan, hindi ko maiwasang isipin kung tama ba ang aking ginagawa. Kaaway ng mga kababayan ko ang mga hapones, bakit ko ba tutulungan ang lalaking 'yon?, sabagay, may mapapala rin naman ako rito. Nangako rin s'ya na tutulungan n'ya akong maghiganti. Pero paano? at kailan? naku! hindi ko na lamang ito iisipin.
Napalinga ako sa paligid at inaalala ang kanyang pangalan. Ano nga ba ang pangalan n'ya? Chi? Hiro? Kachi? anu ba 'yan!
"Japanese man, where are you?!" Sigaw ko, nakatayo ako ngayon sa tapat ng puno ng saging na pinagkuhaan namin kanina ng aking ama. Nakatitiyak akong ito 'yon, dahil ito lamang ang nagiisang puno ng saging dahil ang iba ay puro puno na ng mangga at kung ano ano pa. Isa pa, naglagay din ako ng palatandaan, iniukit ko sa puno ang aking pangalan.
"HEY! JAPANESE MAN!!" sigaw kong muli. Ngunit wala parin akong naririnig na sagot galing sakanya. Umalis na kaya s'ya o nasagip na kaya s'ya ng mga kapwa n'ya hapones? babalik na sana ako nang makarinig ako ng tunog na nanggagaling sa harmonica. Walang duda, s'ya parin 'yon dahil ito rin ang kanta na ginamit n'ya.
"I'm coming!" sinundan ko ang tunog nito at naroon pa nga rin s'ya sa kweba. Nakangiti pa ito at tila may masamang balak. Hinigpitan ko ang hawak sa aking itak, oo, sinadya ko itong dalhin para kung sakaling may gawin s'yang hindi maganda iitakin ko s'ya sa mukha.
" Finally, you're here" nakangiti parin nitong sabi.
"Ano?" tanong ko, hindi ko kasi maintindihan ang kanyang sinabi. Kumunot naman ang noo n'ya at tinitigan ako.
"I can't understand you, what does 'ano' means?" may pag iling pa n'yang sabi at tila litong-lito kung ano ang aking sinabi.
"Nothing" umupo ako sa tabi n'ya at inilabas ang dala dala kong lunas para sa namamaga n'yang sugat, nagsimula narin akong gamutin ito.
"What's your name?" iniangat ko ang aking tingin at nagtagpo ang aming mga mata.
"Amelia. Amelia Bolivar" ani ko at nagpatuloy na sa ginagawa
"Why did you cut your hair? it doesn't suit you well" hinayaan ko lang s'yang magsalita ng magsalita at pinagpatuloy lang ang pag bebenda sa kanyang sugat.
"Done." wika ko at tumayo ng tuwid, ang tagal ko rin na nakaupo at ginagamot yung sugat n'ya.
"Thank you...Emily?" Emily? sino naman si Emily? kaming dalawa lang naman ang narito sa kweba saan n'ya nakuha ang Emily?
"Amelia." Sagot ko habang inaayos ang aking mga gamit. Inabutan ko rin s'ya ng makakaing prutas at kaagad n'ya itong nilantakan.
"Where are you from? I'm from Japan. College student and a musician" Eh? hindi ko naman tinatanong. Pero sige mukhang gusto lang naman n'yang magsimula nang paguusapan lalo na't naiinip narin ako kaaantay.
BINABASA MO ANG
Sincerely Yours, Amelia
Historical FictionIto ang istorya ng isang dalagang Filipina na nagngangalang Amelia Bolivar at ng isang sundalong Hapones na si Hideyoshi Kichiro. Nagkakilala sila noong sinakop ng mga Hapones sa Pilipinas. Sasang ayon kaya ang tadhana sa kanilang ninanais na makas...