AMELIA
"Takbo Amelia! Takbo!"
"Bang! Bang!Bang!"
Napabalikwas ako sa aking kinahihigaan at tila hingal na hingal ng muli kong mapanaginipan ang mga huling salita ni kuya. Makalipas ang ilang buwan ng pagka wala n'ya, walang araw na nagdaan na hindi ko s'ya iniisip.
"Amelia, gising ka na pala, samahan mo ang iyong ama sa bukid at maghahanap daw kayo ng makakain." tuluyan akong bumangon at sinalat ang aking noo. Malalamig na pawis ang nasalat ko.
"Napanaginipan mo na naman ba ang kuya mo?" tumango ako at nagpalit na ng damit para sa paglalakbay namin ng aking ama at pagtapos magbihis lumabas na ako ng silid at nadatnan ang aking ama na nakagayak narin.
"Mag iingat kayo" hinalikan ni nanay Juana ang aking pisnge.
"Ano po ba ang ginagawa ninyo, ginoo" napalingon kami sa nagmamakaawang tono ng ale.
Nilapitan namin ang ale at nakita ang mga hapones na naghahalungkat sa maliit nilang ginawa na bahay. Sumilip din ako para makita ang kanilang ginagawa. Isa isang hinalughog ang aming mga bahay na gawa lamang sa dahon ng saging.
"Sir, what are you doing?" magalang na tanong ng aking ama, nakabantay ang kanyang paningin sa samurai ng hapon na kaharap n'ya, may kasama rin itong Filipino na tiga salin ng kanyang sinasabi. Inobserbahan ko ang hapones na aming kaharap, Mukhang kaedad ito ng aking ama at seryoso ang kanyang emosyon. Mayroon itong suot na salamin at makapal ang kanyang kilay at bigote, kapansin pansin din ang kanyang nunal malapit sa kanyang kilay.
"One of my japanese soldier is missing, his father is a General"Dahil matangkad ito kagaya ng aking ama, kinakailangan ko pang tumingala, napansin ko rin na kahit hindi tuwid mag bigkas ng ingles ang hapones na ito, sinusubukan n'yang mag ingles kaysa mag salita ng hapon.
"We wanna know if he's dead or he's hiding somwwhere" tumango na lamang ang aking ama at maya-maya ay dumating na ang kanyang mga tauhan. Tintigan ako ng isa n'yang sundalo at ngumiti ng pilyo. Sasalitin na sana n'ya ako ng bigla s'yang pinigilan ng kanilang pinuno.
"Yameru!" suway ng hapones na kausap ng aking ama kanina at napatigil naman ito at tumayo ng tuwid.
"Nani ka mitsuketa?" tanong ng kanilang pinuno at sabay sabay naman itong umiling. Kaya napabuntong hininga ang kanilang pinuno at tuluyan ng sumakay sa kanilang sasakyan at umalis. Sumunod din sakanya ang mga tauhan n'ya pati narin ang kanyang tiga salin.
"Halika na at tahakin na natin ang kagubatan" sabi ng aking ama pagkalabas ng mga hapones, tumango na lamang ako at lumabas na kami ng aming silid.
BINABASA MO ANG
Sincerely Yours, Amelia
Historical FictionIto ang istorya ng isang dalagang Filipina na nagngangalang Amelia Bolivar at ng isang sundalong Hapones na si Hideyoshi Kichiro. Nagkakilala sila noong sinakop ng mga Hapones sa Pilipinas. Sasang ayon kaya ang tadhana sa kanilang ninanais na makas...