Kabanata 5

40 5 1
                                    

AMELIA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

AMELIA

Kinabukasan, malungkot ang aming kuta, hindi parin tumitigil yung mga kababaihan na magdasal. Yung mga kalalakihan naman na naiwan, todo bantay sila sa paligid at may mga nakaabang kung sakaling dumating yung hukbo ng Hapones. May mga itak sila at may mga sibat bilang pangdepensa laban sa kaaway. Yung mga bata naman, kumakain na sila kasama yung mga kaedaran kong babae.

"Samuel!" tawag ko sa aking kapatid. Napalingon ito sa'kin at lumapit naman ako rito.

"Bakit po? kakain ka na rin ba?" iniabot nito sa'kin ang kinakain n'yang kamote. Ngunit, umiling lamang ako .

"Hindi, Samuel, tatanungin ko lamang kung nasaan ang ating ina" luminga-linga ito sa paligid at itinuro si nanay Juana na nakaupo sa bato habang nakatitig sa mga labahin na damit.

"Ina!" tawag ko rito at napalingon naman ito sa'kin at binati ako ng matamis na ngiti. Lumapit ako sa kanyang tabi at tinignan din ang mga damit.

"Iniisip ko kung saan ba ito maaaring labahan. Hindi kasi pwede sa malapit na ilog na pinagkukuhaan ng araw araw nating inumin dahil baka may mga hapon na nakabantay doon." Wika ni nanay Juana habang nakahawak sa kanyang baba. 

"Ina, ako na lamang ho ang maghahanap ng pwedeng paglabahan at ako narin ang maglalaba habang naghahanda ho kayo ng pananghalian" ngumiti ito sa'kin at tumango.

"Mabuti pa nga, O sige ikaw na ang bahala sa mga ito. Salamat, Amelia, isama mo na lang yung dalagitang anak nina Floresca." pagka alis ni nanay Juana, napakamot ako sa aking bunbunan. Bakit ba kasi ako nag presenta? lumapit ako kay Clarita at sinabi sakanya na isasama ko s'ya sa paglalaba ng mga damit.

"Sige, Almelia. Ngunit, saan naman tayo maglalaba?" nagkibit balikat ako.

"Maghanap nalang tayo" tumango naman ito at nagsimula na kaming maghanap kung saan pwede mag laba.

~~~-~~~

"Amelia, bakit hindi tayo maghiwalay sa paghahanap? wala tayong mahahanap kung di tayo maghihiwalay ng landas. Ako na ang maglalaba sa mga damit ng kababaihan at sa mga bata, ikaw na lamang ang maglaba sa mga kalalakihang damit." wika ni Clarita sabay turo sa paligid n'ya. Sabagay, tama nga naman ang ideya na sumagi sa isip n'ya. 

"Sige, magkita na lamang tayo sa kuta" ngumiti ito sa'kin at doon na kami nagkahiwalay ng landas. Kumaliwa ito, samantala, kumanan naman ako. 

Habang naghahanap ng maaaring paglabahan, nakarinig ako ng tunog na nanggagaling sa isang sasakyan. Nagpanik ako at hindi alam ang gagawin. Sa sobrang panik, tumakbo ako nang tumakbo. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at nagtago ako sa damuhan, kahit puro putik dito, tiniis ko na lamang kaysa mahuli ng mga hapones at gawing bihag. Dumapa ako sa sahig at nandidiring tumingin sa paligid. Paano na si Clarita? nahuli kaya s'ya?, sana huwag naman. 

Sincerely Yours, AmeliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon