Kabanata 1

49 7 0
                                    

AMELIA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

AMELIA

Ika-26 ng Disyembre taong 1941

"BOOOMMM!!"    "BANG! BANG! BANG!"

"Paparating na ang mga hapon!"  isinara ng aking Tatay Thomas ang mga bintana upang maiwasan ang pagpasok ng usok sa aming tahanan. Ngayong araw kasi idineklara ang pagiging "Open City" ng Maynila.Narinig ko sa radyo na kaya ginawang open city ang Maynila, ay para maiwasan ang matinding gyera na gagawin ng mga hapon,pinili na lamang nilang buksan ang Maynila para mas maging mapayapa ang pagsuko at maiwasan ang pagbubuwis buhay ng sundalong Filipino. Nagmamadali kaming mag impake ng mga kagamitan dahil kami ay aakyat nang bundok para magtago sa mga Hapon.

"Amelia, bilisan mo ang iyong kilos maya-maya lang ay andito na ang mga Hapon"  wika ng aking nakatatandang kapatid na si Augustine. Siya ang pinakamatanda sa aming magkakapatid at ang sumunod naman sa kanya ay ako at ang pinakanakababatang kapatid namin ay si Samuel.

"Tapos na akong mag impake!" sigaw ko at nagmamadaling lumabas ng aking silid. Paglabas ko ng silid, nakahanda na rin silang lumikas. Kaagad kaming bumaba at nagtipon tipon sa harapan ng aming bahay. 

"Sandali! may naiwan ako sa aking silid, babalikan ko lamang ito" sabi ni kuya Agustine at agad na nagtungo pabalik sa aming bahay. Pagkalipas ng 3 minuto, bumalik ito sa kinatatayuan namin at ipinakita sa amin ang maliit na kahon na kulay itim. 

"Ano ang nilalaman ng kahon na iyan? Napaka-importante ba niyan sa'yo?" tanong ni tatay Thomas sabay turo sa kahon ni kuya.

"Narito ang mga tula na aking nilikha, kung hahayaan ko lamang ito sa aking silid masasayang lamang ang aking pinaghirapan" sagot naman ni kuya Agustine. Nagsimula na kaming maglakad nang maglakad hanggang makahanap ng pag tataguan.

~~~-~~~

Habang paakyat kami sa bundok, marami kaming nakasabay na mga kapwa Filipino. Hapong- hapo rin silang naglalakad kagaya namin. May mga bata, matatanda at mayroon ding mga kababaihan at kalalakihan na ang tantya ko ay  kasing edad ng aking mga magulang. Kagaya namin ay marami rin silang gamit na dala-dala. May mga nagdala ng kanilang manok, baboy at mga gulay. 

Matapos ang ilang oras na lakaran, napagdesisyunan namin na magpahinga. Kaninang umaga pa kami umalis sa bahay namin at ngayon ay maghahapon na. Dahil na rin siguro sa pagod,pati ang mga kasabayan namin ay nagpahinga rin sa paglalakad at ang iba naman ay namamahagi ng pagkain at inumin para sa bawat isa. 

"TAKBO MGA KABABAYAN! NANDITO NA ANG MGA HAPON!!" sigaw ng lalaking hingal na hingal pang tumatakbo. Matapos namin marinig ang sigaw, nakita namin ang hukbo ng mga hapon na may bitbit na mga baril at and sundalo na nangunguna sa kanilang hukbo ay may  iwinawagayway na bandilang puti na may bilog na pula sa gitna. 

Sincerely Yours, AmeliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon