Kabanata 6

21 2 0
                                    

AMELIA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

AMELIA

Pagkamulat ng aking mata sa umaga, kaagad akong bumangon at lumabas ng silid. Nanlaki ang aking mga mata sa nakita, sapagkat, narito na ang aking ama at ang mga kasamahan nito. Ngunit, bago ako lumapit sa mga ito, nagmumog muna ako at naghilamos sa kalapit na sapa.

"Ama! Nagbalik ka!" tuwang tuwa kong sabi at niyakap ito. Napakasaya ko ngayong araw, sapagkat, muli kong nahagkan ang aking ama.

"Sa totoo n'yan, hindi kami napabilang sa mga Huk" tumaas naman ang kilay ko sa anunsyo nito. Ano bang sinasabi nito? malinaw sa'min na nakibaka sila sa mga membro ng Huk.

"Hindi kami natuloy sa aming paglalakbay ng malaman naming nagkaroon ng tinatawag na 'Death March sa Bataan'." Malungkot nitong kwento at pati ang mga kasamahan n'ya sa paglalakbay ay napayuko rin.

"Death March? Ano 'yon, ama?" tanong ko. Uminom muna ito ng tubig bago sagutin ang aking katanungan.

"Nabalitaan namin ito sa mga nakasalubong naming mga Filipino na lumilikas,  may higit 30,000 sundalong bihag kasama na ang mga mahihina, may sakit at sugatan. Pinalakad sila mula Bataan hanggang makarating sa Tarlac." Kailan ba matatapos ang paghihirap na ito? Labis-labis na paghihirap na ang dinaranas ng mga Filipino. Kailangan namin muling makakamit ang kalayaan? 

"Naikwento rin nila na ang mga Filipino na naglalakad ay walang kain, pahinga, at ang mga may sakit ay pinahihirapan ng husto o di kaya'y pinapatay para hindi na maging pabigat para sa mahabang paglalakbay. Ang mga nahuhuli naman daw na tumatakas, binabaril sila at hindi tinitigilan kahit patay na." Malungkot na kwento ng aking ama. Lahit kami na nakikinig ay napayuko na lamang, pinagmasdan ko ang iba at sila ay taimtim na nagdarasal.

"Kaya napag desisyunan namin na huwag na munang tumuloy, nag-aalala kami sa inyo na baka sinugod na kayo rito ng mga hapon." Tumango-tango ako at umalis na sa pwesto. Kumain nalang ako ng kamote at umupo. Maya-maya pupunta na naman ako kay Kichiro, ano na naman kaya ang ituturo ko rito?

~~~-~~~

Pagkatapos mag-almusal, tumulong ako sa kanila na maghanap ng makakain para iimbak  sa bodega. Gawa lang din ang bodega namin sa kugon at mga kawayan at binuo na mistulang maliit na bahay. Araw-araw din namin itong pinauusukan ng usok mula sa tila maliit na lampara upang hindi pamahayan ng mga insekto ang bahay imbakan. Kapag may nahuhuli naman kaming mga isda, hindi namin ito tinatambak at kinakain namin kaagad, mahirap na baka masira at mangamoy ang mga ito. Gayun din sa mga karne, masisira raw kasi ang mga ito kapag hindi kaagad niluto dahil hindi naman malamig dito. 

"Inay, maglalakbay lang ho ako sa kagubatan. Babalik din ako mamaya." nakangiti kong paalam at tumango naman ito. Mabuti nga, hindi na nila ako tinatanong-tanong ng paulit-ulit kung ano ang gagawin ko sa kagubatan, nakapagtataka. 

Sincerely Yours, AmeliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon