P.S.: Sorry po pala sa mga nagsasabi na boring daw po yung story, hindi pa po kasi pwedeng ireveal kaagad yung plot twist. Sana po maintindihan n'yo. Salamat
AMELIA
Kinabukasan, isinama ko si Clarita sa kagubatan para mag lakbay. Kataka-taka talaga, noong una, ayaw na ayaw n'ya sumama sa'kin maliban nalang kung uutusan s'ya. Ngunit, ngayon, s'ya na mismo ang nagpupumilit sa'kin.
"Amelia, saan tayo pupunta ngayon?" luminga-linga ako sa paligid at nag iisip kung saan pwede pumunta, 'yong hindi malapit sa kweba ni Kichiro.
"Lagi ka narito sa gubat, panigurado kabisado mo na ito kaya di na tayo maliligaw" sa totoo n'yan hindi ko pa masyadong kabisado itong kagubatan, sapagkat, lagi lang naman akong dumidiretso sa kweba.
"May nakita akong sapa roon, halika, mag tungo tayo roon"tumango s'ya at sinundan ako. Alam ko sa sarili ko na tama itong desisyon ko na ilayo s'ya sa kweba. May tiwala naman ako kay Clarita, ngunit, mas mabuti nang sigurado, baka mamaya madulas pa s'ya at maikwento sa aking ama na may kaibigan akong Hapones.
"Amelia, malayo pa ba? napapagod na ako kalalakad" reklamo ni Clarita. Naku naman! palibhasa, anak mayaman kaya hindi sanay sa mahabang lakarin.
"Malapit na tayo Clarita" hinawi ko yung malaking dahon na nasa harapan namin at unti-unti na naming natatanaw yung sapa. Wala pa rin ipinagbago ang sapa na ito, naaalala ko tuloy yung panahon na kasama ko rito si Kichiro.
"AMELIA!!, ang linaw ng sapa, halika, maligo tayo" Kaagad na tumakbo si Clarita papalapit sa sapa at nagtampisaw. Tuwang tuwa s'ya na parang ngayon lang nakakita ng sapa.
"Amelia, ano pa bang itinatayo-tayo mo, halika na ang sarap maligo rito" lumapit ako sakanya at naligo rin sa sapa. Napaka lamig nito at tiyak na matutuwa ka kapag nasilayan mo ito.
"Wooossh~"
Nagulat ako nang wisikan ako ni Clarita ng tubig. Tumatawa-tawa pa ito at ngumingiti ng malawak. Teka, bakit parang nangyari na ito dati?
"Oh? ba't ka nakatulala? hindi ka ba gaganti" tumawa itong muli kaya winisikan ko s'ya ng tubig at nagbabad kami ng ilang oras.
~~~-~~~
"Amelia, masaya pala rito sa gubat, dapat pala, dati palang ay sumasama na ako sa'yo" Nakangiti nitong sabi habang pinipiga ang kanyang damit. Matapos kasi naming mag babad ng ilang oras, napag pasyahan namin na magpahinga muna.
"Ah oo" pilit akong ngumiti sa kanya. Pasensya na Clarita, alam kong gusto mo lang makipag kaibigan sa'kin. Ngunit, hindi pa rin ako dapat mag tiwala kaagad.
BINABASA MO ANG
Sincerely Yours, Amelia
Historical FictionIto ang istorya ng isang dalagang Filipina na nagngangalang Amelia Bolivar at ng isang sundalong Hapones na si Hideyoshi Kichiro. Nagkakilala sila noong sinakop ng mga Hapones sa Pilipinas. Sasang ayon kaya ang tadhana sa kanilang ninanais na makas...