Kabanata 4

31 5 0
                                    

AMELIA

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

AMELIA

Mamayang gabi, makikibaka na ang aking ama at ang kanyang mga kasamahang lalaki. Habang nagpaplano sila sa isang silid, walang tigil naman na nagdarasal ang mga kababaihan na kasing edaran ni Ina. Ang mga bata naman at ang mga kababaihan na kasing edaran ko naman ay naghahanda ng kanilang makakain at kami rin ang naghahanda ng kanilang mga gamit na gagamitin nila habang tinatahak ang daan patungo sa mga membro ng mga gerilya.

"Amelia, nabalitaan mo ba ang bahay na pula sa San Ildefonso Bulacan?" Napa iling naman ako sa tanong ng kapwa ko dalaga.Tinignan din n'ya yung mga kasamahan namin, ngunit, kagaya ko umiling din ang mga ito.

"Nabalitaan ko na doon daw nagpupulong ang mga sundalong hapones, doon din daw idinadala ang mga Pilipinong gerilya na nahuhuli at pinaparusahan o marahas na pinapatay" grabe, napalingon ako sa mga kasamahan naming makikibaka sa mga tinatawag na Huk, kung mahuhuli sila ng mga sundalong hapones, baka dalhin din ang mga ito sa tinatawag na bahay na pula. Maaari ring hindi na namin sila muling masilayan, at maari ring hindi na namin sila muling makapiling.Habang naghahanda ng pagkain, nagpuslit ako ng ilang saging at manga para dadalhin ko ito kay Kichiro.

"Alam n'yo rin ba, sa bahay na pula rin daw idinadala ang mga kababaihan na tinatawag na 'comfort women'" muli akong lumingon sa babae na nagkukwento tungkol sa bahay na pula. Nangilabot din ako ng marinig ko ang kanyang sinabi. 

"Comfort women? ano ang mga 'yon?" tanong ng isa naming kasamahan, napa tigil ito at namutla sa narinig n'yang kwento.

"Ayun daw yung mga kababaihan na pinagsasamantalahan ng mga sundalong hapones. Karamihan daw sa mga kababaihan na kanilang idinadakip ay nasa murang edad, ginagamit sila hanggang sa makuntento ang mga ito." Nanlaki ang aking mata matapos marinig ang kanyang sinabi. Nakakaawa ang mga kababaihan na nakaranas ng ganong pangyayari. Nilapitan ko ang aking ama para kausapin s'ya na itigil na lamang ang pakikibaka sa mga membro ng "Huk".

"Ama, huwag mo na lamang ituloy ang iyong ninanais. Mahirap na't baka mapahamak kapa pati ang mga kasamahan nating lalaki, hindi ka ba natatakot sa mga hapones?" Lumingon sa'kin ang aking ama at tinignan ako ng diretso sa mata.

"Amelia, kung patuloy lamang tayo na matatakot sa mga dayuhan na nananakop sa ating bayan, patuloy lamang tayong aabusuhin ng mga ito. Pinatay nila ang kuya Gustine mo, aantayin pa ba natin na maubos ang mga kasamahan natin bago tayo kumilos?" kumunot naman ang noo ko, sabagay, tama nga naman ito. Hindi na namin dapat hayaan na maubos ang mga kasama namin.

"Ngunit, buhay mo ang kapalit" ngumiti ito at umupo sa bato. Tumabi rin ako dito at naupo sa bato.

"Minsan na akong naging bahagi ng politika, nasaksihan ko kung paano nila inaapi ang mga mahihirap nating kababayan. Nasaksihan ko kung paano nila minamanipula ang mga kababayan natin, kaya mas minabuti ko na lamang maging guro, kaysa maging sunud-sunuran" paliwanag nito habang umiinom sa baso na gawa sa kawayan."Amelia, kung buhay man ang iaalay mo sa bayan, 'wag kang matatakot, sapagkat, ginagawa mo lamang ang ikabubuti para sa lahat." patuloy nito.

Sincerely Yours, AmeliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon