👑 Kabanata XXXIV 👑

48 11 0
                                    

👑👑👑

Maligaya akong tumungo sa bulwagan. Pumayag na kaya sila para sa amin?

Pagkabukas ng pintuan ng bulwagan. Bumungad sa akin ang mukha ng isang lalakeng hindi pamilyar sa akin. Ngunit may pag kakahawig kay ama.

"Sino ka?" Iritang tanong ko.

Tumayo siya ng maayos at nakita ko ang suot niyang pang prinsepeng kasuotan na yari na matingkad na pulang seda at may mga bato ng Ruby sa bandang dibdib nito.

"Ashta Prinsesa Zinniana.... Ako si Lizardio Taliba ang iyong mapapangasawa." Masayang wika niya.

Naestatwa na lamang ako sa aking kinatatayuan. At lumapit siya ng marahan sa akin. Upang yakapin ako ngunit agad akong umilag at munktikan na siyang mapasubsub sa alpombra ng bulwagan.

"Buwi Lizardio ... Huwag ka sanang basta bastang yayakapin ako ng wala ang aking pahintulot." Mahinang wika ko.

Tumango na lamang siya at nilahad ang kanyang kanang kamay. Bahagyang humawak ako at dinala niya ako sa isang karwahe. Saan naman kami pupunta?

Teka-- bakit lumabas na kami ng Ruby Kingdom.

Agad ko siyang tinignan..

"Ang iyong mga magulang ay gusto kang makasama ako na mamasyal panandalian sa labas ng Kaharian." Masayang wika niya.


Masayahing tao tung si Lizardio ngunit bakit hindi ako magawang mapangiti nito.

Sana ay makita ko na si Prinsepe Hadario.

Tumigil ang karwahe at dinala kami sa isang malaking nisoa.

'Higit na mas maganda Ang pinuntahan kong nisoa kasama si Prinsepe Hadario. ' usal ko sa aking isipan.

Bigla na lamang akong nakarinig ng pag tatalo.

"Bakit kasi tayo narito Marinela?" Iritang wika ng lalake

" Prinsepe Hadario dito nga tayo pinapunta ng iyong mga magulang este ang magiging magulang ko rin. "Masayang wika ng babae.

Teka-- ang aking Prinsepe ay narito..

Agad akong nag eskapo kay Lizardio at sumipol ng malakas. Katulad ng pag sipol ko nang ako pa si Linda Bonwar.

'Sana marinig niya.' Usal ko


May narinig akong papalapit na yabag ng isang bota na papalapit sa aking direksyon. Agad akong nag tago sa halamanan at ng makarating na ang pumunta sa akin. Sinilip ko mula sa halaman kung sino ito.

Nagtama ang aming paningin at niyakap ko siyang mahigpit. Kasabay ng bilis ng pagtibok ng aking puso.

"Ubinara aking Prinsepe..." Masayang wika ko.

"Ubinara mahal kong Prinsesa..." Masaya ring wika niya.

Agad siyang nag mahika. Napadpad kami sa pribadong nisoa.

Muli kaming nag yakapan.

"Ang buong akala ko ay nakalimutan mo na ako aking Prinsepe." Bulong ko sa kanan niyang tenga.


" Ilang beses kong sinubukan na magmahika papunta sa inyong Kaharian ngunit hindi ako makapasok aking Prinsesa. "Bulong niya rin sa kanan kong tenga.


'Siguro ay hinarangan na ang kanyang mahika ng aking Inang Reyna' wika ko sa aking isipan.

Nagtinginan kami ni Prinsepe Hadario at tumama ang aming mga paningin sa mapupula naming labi. Nakita ko ang pag ngiti niya at napangiti rin ako. Unti-unting nag lapit ang aming mga mukha hanggang sa naramdaman kong muli ang kanyang mga labi sa nakadampi sa aking mga labi.

Princess Of RubyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon