👑 Kabanata XXVIII 👑

39 14 0
                                    

👑👑👑

Pagsapit ng gabi, tumigil muna kami sa aming pag lalakbay agad gumawa ng kampo ang mga scouts at ako naman ay naglagay ng proteksyon sa paligid namin, upang hindi kami mabigla sa biglaang pagsalakay ninuman.

Gumawa na sila ng malaking apoy sa gitna ng mga kampo. Bilang pang painit namin sa ilalim ng maliwanag na buwan.

'Nasaan na kaya ang aking mga kaibigan.' wika ko sa aking isipan.

Habang nakatingala ako sa buwan may tatlong lumapit sa akin. At pinakita ang kanilang mga braso suot ang mga purselas na ako ang nagbigay.

Iniisip ko pa lamang sila ngunit narito na agad. Nag scout rin pala sila. Yayakapin ko na sana sila ng sinenyasan nila akong huwag.

"Kamusta na aming Prinsesa? Kay tagal mo rin nawalay samin." Mahinang wika ni Rosa

"Heto mabuti na lamang nakabalik narin dito. Akala ko hindi ko na kayo makikita." Mahinang tugon ko.

" Nag pursige talaga kami aming Prinsesa makasama lamang dito. Gusto naming makatulong sa Ruby Kingdom kahit sa ganitong paraan man lang. Alam naman natin kulang sa mga Scouts ang Asianian-Talibian kahit pagsamahin pa ang dalawang Kaharian tanging ang pag gawa ng armas eksperto ang inyong nasasakupan. Hindi natin maikakaila na kung pag babasehan ang lakas sa pakikidigma ang Amethyst-Garnet Kingdom ang mas malakas at bihasa. " Mahinang wika ni Santan.

Tama siya doon...

Tanging armas lamang ang nakasanayang gawin ng aming mga kalahi. At tanging ang Amethyst at Aquamarine Kingdom ang may natatanging lakas at pag kabihasa sa pakikidigma. Pati Peridot Kingdom sa kanila naman ay ang pagbibigay ng makakain ng bawat nilalang dito sa Lanria kaya't wala rin silang sapat na lakas sa pakikipag digma.

Nag kantahan at nag sayawan ang mga Scouts pati ang mga commander at ang aming heneral.

Napakasayang tignan ng kanilang mga ngiti. Sana ganito nalang kapayapa ang aming lupain kung bakit nila naisipang wasakin ang payapang Lanria para lang sa kapangyarian?

Kapag kami ang manalo sisiguraduhin ko na mababalik ang kapayapaan ng Walong Kaharian at hindi ko na hahayaang mawasak itong muli.

Pag sikat na araw agad pinatunog ang tambuli bilang pag gising sa lahat upang mag almusal muna bago ipagpatuloy ang pag lalakbay.

Habang kumakain napansin ko ang kanilang mga awra na tila ba natatakot. Hindi ko sila masisisi kung napilitan man silang maging scout pag dating namin sa Crista titiyakin kong mawawala ang mga takot nila. Mas lalo na kung magiging kakampi namin ang mga Arano. Isa sila sa may magagaling at malalakas na mandirigma na nakalaban ng Kontinenteng Lanria.

Kagaya na lamang ng nangyari sa nakaraan. Sila ang nakalaban namin. Makikita sa kanila ang pagkabihasa nila sa mga digmaan pati na sa pag gawa ng mga pasabog. Maraming matutunan ang aking mga mandirigma.

Lumipas ang isang oras agad ng niligpit ng mga Scouts ang ginawang mga kampo at inilagay muli sa bagon.

Pinakain narin at pinainom ang mga hiyopang kabayo saka sinimulan muli ang paglalakbay. Nasa paligid ko ngayon ang aking mga kaibigan.

Teka-- ibig sabihin kahapon pa nila ako binabantayan ngunit hindi ko man sila namukhaan.

Nasa pagitan ako ng ika-lima ,ika-anim at ika-pitong hanay. At mayroon kaming labing isang hanay mula narin sa labing isang pangkat. Hindi namin pwedeng paunahin ang unang limang pangkat namin sapagkat maaring malupig lamang sila ng mga Arano mas lalo na galit sila saming mga taga-Lanria.

Princess Of RubyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon