👑👑👑
Hadario's POV
Paano ko ba sisimulan ito?
Paano ko rin ba tatapusin?
Lumaki ako sa angkan ng Burga-Sagarta ang pinagpalang Kaharian sa agrikultura. Lulan narin ng aming sinasambang Panginoon na si Goddess Demeter.
Ang Goddess of Agriculture.
Simple lamang akong Prinsepe lumaki sa payapa, masagana at nagkakaisang Kontinente ...
Ang Lanria...
Magsimula ng maideklara ng Virgata ang gaganaping digmaan sa paglipas ng siyam na taon. Agad ng tumatak sa aking isipan na kailangan kong mapigil ito.
Kailangan kong maging matatag para sa aking Kaharian para sa lupaing aking kinagisnan.
Ang Lanria...
Mula sa aking murang edad naranasan ko ang mamuhay sa nakaraan maraming pagsubok ang aking tinahak makamtan lamang ang aking mithiin hanggang sa nakilala ko si Linda Bonwar...
Ang magiging kasintahan ng katawan na aking hiniram na si Steven Mortez...
Noong makita siya unang pagpupulong ng mga unang tagapagmana sa isang pribadong nisoa. Hindi maalis ang tingin ko sa kanya.
Parang pamilyar ang kanyang mukha ngunit hindi ko mawari kung sino siya.
Nang mag kalkal ako ng mga kagamitan ni Steven Mortez. Bumungad sa akin ang mga redulata na palitan nila ni Linda Bonwar.
Binasa ko ang mga ito...
Tila ba ako'y nag babasa ng isang libro sa haba ng mga tugon na redulata ni Linda Bonwar. Lihim silang nag susulatan ni Steven noon.
Nang muli ko siyang nakita at nakasama sa isang duelo iniisip ko anong nagustuhan sa kanya ni Steven Mortez. Napakasungit niya.
"Nakapag tataka sa isang babae na papasok sa scout. Alam mo ba talaga papasukin mo Linda?" Wika ko.
Tinignan niya lamang ako , hindi inimik at tinuon ang kanyang mata sa kanyang pangangabayo.
"Alam mo maganda ka sana suplada ka lang. Greto.." Usal kong muli.
Aba napaparami na ata ito ah.
Binigyan niya ako ng masamang tingin at tinutok sa akin yung x-bow.
Biglang nanlaki ang aking mata hindi dahil sa ginawa niya kung hindi sa lugar na pinasok namin at muntik na siyang mabunggo ng sanga.
"Ano bang-- Nasan na tayo?" Pasigaw niyang tanong.
Hala nasaan na kami bakit andaming mga elemento rito akala ko ba puno ang aming papanain ,bakit mga higante ang narito. Itinigil na muna namin ang pag patakbo ng kabayo at bumaba kami.
"BUMALIK KAYO DITOOOOOO!!!" Panghahabol niya sa aming kabayo.
Lumapit siya sa akin dahil kinakabahan siya. Hindi naman siya gagalawin ng elemento kung hindi lang siya mag iingay.
"Steven paano na ito ayoko pang mamatay marami pa kong misyon at pangarap sa buhay. Paano na tayo makakaalis dito napapalibutan na tayo. " Wika niya. Kinagat ko na lamang ang aking pisngi upang tumigil sa pagtawa.
Nung titigan ko siya iba ang awra niya yung takot talaga. Agad kong tinitignan ang mga elemento. Dahil isa akong tagapagmana na Maharlika kahit lalake ako ay biniyayaan parin ako ng kaunting kapangyarian.
BINABASA MO ANG
Princess Of Ruby
Fantasia[Completed] [Unedited] The 8th Kingdom Series Book 1 Genre: Fantasy/Adventure Language: Filipino 👑👑👑 Mula sa nangungunang Kontinente ng mundo ang Lanria, na may payapa at nag kakaisang pinuno ng walong kaharian, ay biglaang winasak ng inggitan...