A/N: Enjoy reading mga ka berries.
05/21/2020
Lovelovelove ♥️
_CJoyBerries_👑👑👑
Zinniana's POV
Habang ako'y nasa silid-aklatan. Ako ay nagbasa ng aming kasaysayan na pinamagatang
"The 8 Kingdoms" mahina kong usal.
Pag buklat ko sa unang pahina. Ito ang bumungad sa akin.
---
Lahat ng Kaharian ay may angking kapangyarihan na tinataglay, mula sa kanilang mga maharlika. May kanya kanya rin silang mga Panginoon na kung saan nabuo ang iba't iba nilang paniniwala at tradisyon. Iba-iba man ng paniniwala at tradisyon iisa parin ang kanilang adhikain at layunin. Ito ang pangalagaan ang kanilang lupaing kinagisnan. Ang kontinenteng Labia.
---
Masasabi kong magkakaiba nga ang aming mga patakaran, paniniwala at tradisyon. Ngunit iisa lamang ang aming nais, ito ang pangalagaan ang aming lupang sinilangan.
Nilipat ko na ulit ang pahina ng libro.
---
Nung unang panahon sumibol ang mga kaharian. Mula sa mga dakilang Maharlika na may angking kapangyarihan na ibinigay sa kanila ng kanilang mga Panginoon.
Hari man ang mga namumuno sa bawat kaharian, ngunit ang kanilang mga Reyna ang ginantimpalaan ng kapangyarihan dahil sa kanilang mga Panginoon na Goddesses.
Higit na mas mataas turingin ang mga kababaihan at responsibilidad ng mga kalalakihan naman ang mga digmaan at pangangalaga sa kanilang kapaligiran.
Walang sinuman ang umaapi at nang mamaliit sa mga babae. Dahil hindi maitatanggi ang kanilang angking kakayahang tinataglay.
Ang mga lalake ay nararapat sumunod sa patakaran na pagsapit ng ika labing-dalawang gulang nito ay magsasanay na sa kampo. Kung saan sasalain ang kanilang mga kakayahan kung saang larangan sila mas bihasa at mas mapapakinabangan.
Mula sa mga mananakop na mga dayuhan, na ninais angkinin ang Kontinenteng Labia ngunit nabigo ang mga ito at hindi na muling kinalaban ang Walong Kaharian na nangangalaga sa lupain.
---
Hanggang ngayon naman mataas parin ang pag galang sa babae ganoon rin ang pag respeto namin sa mga kalalakihan.
Payapa parin ang aming lupain, wala ninuman ang nangahas sumugod sa amin.
Nilipat ko ang pahina ng libro sa pang ikatlong.
---
Ang Walong Kaharian ay ang mga sumusunod:
*Garnet Kingdom
Ang kanilang mga tagapaglingkod at nasasakupan ay tinatawag na Libiranian mula sa unang angkan ng Maharlikang namuno sa kanila. Sila ay matatapang at kasing kulay ng apoy ang kanilang Kaharian na pinalilibutan ng mga bato at kristal na Garnet. Bihasa ang kanilang mga scouts sa pakikipag digma.
BINABASA MO ANG
Princess Of Ruby
Fantasy[Completed] [Unedited] The 8th Kingdom Series Book 1 Genre: Fantasy/Adventure Language: Filipino 👑👑👑 Mula sa nangungunang Kontinente ng mundo ang Lanria, na may payapa at nag kakaisang pinuno ng walong kaharian, ay biglaang winasak ng inggitan...