👑👑👑
Pagkarating ng karwahe sa harap ng tarangkahan ng palasyo ay agad kaming bumaba upang maglakad papasok.
Ang mga mamamayan ng Ruby Kingdom ay nasa labas na ng palasyo at ang mga napiling mga inimbita at mga Maharlika ng iba't ibang Kaharian lamang ang maaring pumasok sa palasyo at pumunta sa bulwagan para sa piging. Mula sa labas ng palasyo ay may mga nakahanda naring mga pagkain para sa lahat ng mamamayan ng Ruby Kingdom ito'y sobra sobra pa nga.
Naunang lumakad sa pulang alpombra sina Ishna at Ishta habang hinayag ni Mensahero Cleofa ang kanilang mga ngalan.
Mapapansin kay Mensahero Cleofa na mula sa Ruby Kingdom ang napaka gandang tindig at matipunong katawan na tila ba isa siyang tunay Maharlika. Mapula ang kanyang mga labi, may kaunting kulot ang kanyang maitim na buhok, kulay kayumanggi ang kanyang balat at napakaamong mukha.
Sunod namang hinayag niya ang aming mga pangalan at marahan narin kaming pumasok palasyo sa dumirestyo sa bulwagan. Matapos makapasok ng mga inimbita nag datingan narin ang mga magagarang karwahe ng mga Maharlika kasama narin ang kanilang mga tagapagmana.
Naunang pumasok sa bulwagan sina Haring Forsy at Reyna Ixora kasama ang kanilang anak na si Prinsesa Ryllis mula sa Garnet Kingdom. Suot nila ay yari sa bato ng Garnet na napaka pupula.
Sumunod naman ang mga Maharlika mula sa Amethyst Kingdom sina Haring Amur at Reyna Aster kasama ang napaka gwapong si Prinsepe Raffe at nakasuot sila ng yari sa bato ng Amethyst . Si Prinsepe Raffe ay nakatalagang maging kabiyak ni Prinsesa Ryllis kaya't nag magkita ang dalawa'y nag hawak kamay ang mga ito.
'Nakita ko rin sila nung miyerkules sa lihim na puntahan ng mga tagapagmana.' sabi ko sa isip ko.
Sabay namang dumating Aquamarine at Emerald Kingdom na pinamumunuan nina Haring Robin at Reyna Peri kasama ang kanilang anak na si Prinsepe Lionel sila'y nakasuot ng yari sa bato ng Aquamarine. Sina Haring Beech at Reyna Lily kasama ang kanilang anak na si Prinsesa Vardia na nakasuot naman ng yari sa bato ng Emerald.
'Si Prinsepe Lionel at Prinsesa Vardia sila rin ay nakita ko nung miyerkules sila yung makayakap doon.' sabi ko nanaman sa isip ko.
Pumasok narin kaagad ang mga Maharlika ng dalawa pang Kaharian na mula sa Sapphire at Peridot Kingdom. Sina Haring Heron at Reyna Iris kasama si Prinsepe Alli habang sila'y nakasuot ng yari sa kumikinang na bato ng Sapphire. Sa kanilang tabi ay sina Haring Raven at Reyna Dahlia at anak na si Prinsesa Tilbera
' Sigurado ako pinaglihian siguro ako ni Inang Reyna kay Reyna Dahlia kasi nakuha ko rin ang pustura niya pati narin ang kulay ng buhok pati hugis ng labi. Mabuting hindi nag selos ang aming mga ninuno.' bulong ko nalang sa aking sarili mamaya narinig pa nila Ina at Ama na katabi ko.
At ang pinaka huling pumasok sa bulwagan ang nagmula sa Alexandrite Kingdom. Sina Haring Finch at Reyna Mimosa na nakasuot ng yari sa bato ng Alexandrite.
Teka lang nasaan si Prinsepe Leopardio?
Palingon lingon ako sa buong bulwagan ngunit wala siya. Narinig nalang namin ang mga Asianian sa labas na nagpapalakpakan habang pinabati si Prinsesa Emeri Lisa siguro lumabas na siya sa balkonahe sa itaas upang magpakita sa Asianian. Ang mga betiranong mga Heneral ng bawat Kaharian ah nagpasukan narin.
Pati narin ang mga nakatokang mga betiranong Bantay ng Ruby Kingdom ay nagsipunta narin sa magkabilang gilid ng pulang alpombra upang gumawa ng arko tiyak akong parating na sila.
Sumarado ng panandalian ang pinto ng bulwagan at pagkabukas nito'y nag lakad na si Reyna Camellia na nakakapit kay Haring Ibis suot ang kanilang mga kasuotan na yari sa bato at kristal na Ruby.
Dumaan na sila sa naka arkong espada ng mga betiranong Bantay ng Ruby Kingdom sa ilalim ng pulang alpombra at agad nilang pinuntahan ang mga Maharlika.
At nag tinginan ang lahat ng biglang hinayag ni Mensahero Cleofa na parating na sina Prinsesa Emeri Lisa at Prinsipe Leopardio.
Napaka maginoo talaga ni Prinsepe Leopardio sana balang araw may ganyan rin sa hinaharap. Teka ano bang iniisip ko?
Pinatunog na ng malakas ang isang gintong tambuli sinabayan narin ng plauta at alpa na gumawa ng napakagandang musika.
Dumilim bigla ang paligid ngunit patuloy parin ang pagtugtog nila. Biglang itinapat sa may hagdan ang ilaw. At napagmasdan namin ang napakagandang kasuotan ni Prinsesa Emeri Lisa. Ito'y yari sa pulang seda na napalibutan ng nakahugis rosas na bato ng Ruby at may mahabang buntot pa ng kanyang mala bolang toga na binubuo ng manipis na gintong seda at nakatatak ang simbolo ng Ruby Kingdom gamit at mga kristal ng Ruby dito.
Bawat hakbang pababa ng hagdan ni Prinsesa Emeri Lisa ay tila ba mas bumabagal ang oras. Kahit ang mga maharlika'y nakatingin lang sa kanya na para bang napipigil paghinga namin.
Bukod tangi ang kanyang ganda na para bang dyosa ng kagandahan bumaba mula sa kalangitan. Nang makarating na siya sa baba ng hagdan agad inilahad ni Prinsepe Leopardio ang kanyang kanang kamay at yumuko.
Nang naramdaman niya na ang paglapat ng kamay ni Prinsesa Emeri Lisa sa kanyang palad ay agad itong tumayo ng tuwid. Yari sa Alexandrite Stones ang kanyang terno ng titigan ko ang kanyang sinturon at yari sa ginto na may bato ng Ruby .
Habang naglalakad sila papalapit sa bulwagan nakatapat parin sa kanila ang nag iisang liwanag namin. Sila ang pinaka tanyag na unang tagapagmana dahil sa angking pagmamahal nila sa Kontinenteng Labia kaya't naging mas masagana ang mga lupain.
Dumaan na sila sa mga arko ng mga pinagdikit na mga espada habang nilakaran ang pulang alpombra. Pagkapasok nila'y inabutan na ng pulang rosas si Prinsepe Leopardio at umiba narin ang melodiya ng orkestra na tumutugtog. Naging malumanay na masaya ang musika at pinasimulan ng isayaw ni Prinsepe Leopardio si Prinsesa Emeri Lisa.
Bilang tradisyon na ang unang sayaw ng babaeng nagdiriwang ng ika-18 na kaarawan ay ang lalakeng kanyang papakasalan. At ang pang labing walong rosas ay ang kanyang Ama.
Nang matapos isayaw ni Prinsepe Leopardio si Prinsesa Emeri Lisa hinalikan niya ang kanang may nito bago inilahad ang kamay ng Prinsesa sa sumunod naman ng prinsipe .. Si Prinsepe Alli.
Isa pang tradisyon dapat hindi iwanan ang babaeng may ika-18 kaarawan habang sinasayaw ang 18 na rosas. Dapat hintayin ng naunang nagsayaw dito ang kasunod.
Sumunod kay Prinsepe Alli ay si Prinsepe Lionel at sunod si Prinsepe Raffe...
Pagkatapos ng mga Prinsepe sumunod ang pitong mga Hari syempre hindi kasama si Haring Ibis dahil siya ang pang huling sayaw.
Sumunod ang Heneral ng Ruby Kingdom at ang limang Itisha ni Prinsesa Emeri Lisa ..
At ang panghuling sayaw ay si Haring Ibis.
Napaluha na lamang ako bigla. Siguro'y naalala ko lang si Amang Hari o ang katawan ni Linda Bonwar ay talagang napaluha dahil hindi niya maisasayaw ang kanyang ama sa ika-18 niyang kaarawan dahil sa mangyayari.
👑👑👑
P.S. Don't forget to press the orange star down there also leave your feedbacks thank you my dearest readers...
Lovelovelove ♥️
_CJoyBerries_
BINABASA MO ANG
Princess Of Ruby
Fantasía[Completed] [Unedited] The 8th Kingdom Series Book 1 Genre: Fantasy/Adventure Language: Filipino 👑👑👑 Mula sa nangungunang Kontinente ng mundo ang Lanria, na may payapa at nag kakaisang pinuno ng walong kaharian, ay biglaang winasak ng inggitan...