👑 Kabanata XXIII 👑

41 13 2
                                    

👑👑👑

Nang makarating kami sa harap ng buhawi agad kong tinanong si Rougen.

"Kaya mo ba aking Esnogranda? Sabihin mo sakin kung hindi." Wika ko kay Rougen

" Buwi aking Prinsesa ngunit ako'y natatakot..." Nangangambang tugon niya.

Kung gayun mapanganib nga ang buhawing ito, kahit ang isang Esnogranda ay natatakot.

"Kung gayun aking Esnogranda ako na lamang ang bababa... Banwa aking hiyopang Dragon..." Wika ko

"Ngunit Prinsesa itutuloy mo parin kahit wala ako?" Nangangambang tanong niya

" Tisha aking Esnogranda... Sa ngayon ... Zinoya ..." Wika ko at pumasok na nga si Rougen sa loob ng aking singsing at tuluyan na akong hinigop ng buhawi sa ilalim ng dagat lulan ng bolang kristal na aking kinapasukan.

Unti-unti akong nawalan ng malay at hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari ....

'Mahal naming Goddess Athena... Gabayan niyo ako huwag niyo ako hahayaang mapahamak...' huli kong wika bago mawalan ng malay.

***

"Aking hesta gumising ka..."

Agad kong minulat ang aking mga mata..

At nakita ang aking mga Ishna...

Teka-- nasaan ako?

"Narito ka sa Esteria aming hesta..." Wika ni Ishna Reyna Camellia

Napaganda parin niya kahit na isang siglo ng nakaraan ang kanyang gulang..

"Ginagabayan ka namin sa iyong pag lalakbay aming hesta..." Wika ni Ishna Reyna Emeri Lisa

" Kaya isa lang ang mapapayo namin sa iyo... Mag iingat ka sa higanteng balyena dahil taglay niya ang sakit at poot sa mga Maharlika... Dahil ang iyong ika-limang misyon ang mahiwagang espada ay mula sayong Ishta na si Haring Leopardio... Itinusok niya ang kanyang mahiwagang espada malapit sa puso ng Hiyopang Balyena upang ito'y kumalma at tigilan na ang paninira at ating karagatan. Bago mo ito makuha kailangan mo munang mapaamo ang hiyopang Balyena upang hindi ka nito mapatay. Hindi tumatalab sa kanya ang kahit anumang mahika tanging ang lakas ng loob , tibay ng isipan at kabusilakan ng puso ang kayang labanan siya. Kaya't humayo ka na... Lagi mo akong kasama..." Bilin ni Ishna Reyna Freesia..

At minahika na nga nila akong pabalik sa aking kinaroroonan.

Naging salakot kong muli ang hiyopang piniks ni Ishta Reyna Freesia.. At hawak kong muli ang aking sanggala at espada.

Napakaganda pala ng Esteria at napakapayapa doon... Hindi katulad sa henerasyon namin ngayon na tiyak akong kanya kanyang pag hahanda para sa nalalapit na digmaan. Hindi katulad sa nakaraan na sama samang nag sasanay upang makidigma sa ibang kontinente.

Naglakad na ako sa lugar na aking kinaroroonan. Tila iisa lang ang daanang ito, napakalamig at madilim.

Naririnig ko ang paglangoy ng mga hiyopang dagat.

Princess Of RubyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon