👑👑👑
Lumabas kami ng palasyo.
Agad pinalabas ni Goddess Athena ang walong misyon kong nakuha sa nakaraan.
"Yonta ...." Wika ko at agad naglabasan ang walong mga armas na aking nakalap pati si Rougen.
May winika si Goddess Athena sa akin at isa-isang nag dikitan ang walong nakuha kong misyon.
Nag simula sa Gintong Kuwintas kasama ang diyamanteng Ruby mula kay Esnograndang Rougen.
Sumunod ang gintong baluti na mas pinalakas ng handog na binigay sakin ni Esnograndang Rougen.
Sumuot narin sakin ang pulang purselas sa kanan kong braso kasama ang gintong purselas na handog sa akin ni Goddess Athena. Mas humigpit pa ito at hindi na matanggal.
Sumunod naman napunta sa aking kanang kamay ang gintong espada na may dagdag na pulang talim mula sa handog sa akin ni Esnograndang Rougen.
Nagkaroon naman ng sabitan ang aking gintong latigo na mula sa mga hiyopang kabayo na may sungay.
Nagkaroon ng pulang kapa sa likuran ng aking baluti at sumabit ang mahiwagang pana kasama ang mga palaso nito.
Sumuot ang dagdag kong baluti na palda para sa aking pang ibaba. Nagkaroon narin ng sabitan ng aking espada kaya agad kong sinilid ito doon.
Sumunod ang salakot kong piniks mula sa aking Ishna Reyna Freesia.
Pag titig ko sa mahaba kong buhok agad itong natirintas ng isa kasama ang dagdag ng pulang hibla nito at mga bato ng Ruby.
Sumuot narin sa akin ang sandalyas na dinagdagan rin ni Esnogranda Rougen ng kapangyarian.
At pinaikot ako sa ere ni Goddess Athena. At hinandog na sakin ni Goddess Athena ang Kalasag ng Pag-ibig sa aking kaliwang braso.
Matapos ang aking transpormasyon agad kong pinikit ang aking mata habang umiikot parin sa ere. Sumariwa sa akin ang lahat ng alaala. Napaluha na lamang ako.
Andami ko palang napagdaanan.
Si Steven kaya? May masisilayan ba akong Steven sa aming mundo?
Pag kababa ko mula sa ere. Agad akong sinalubong ni Linda Bonwar.
Tumingin ako kay Goddess Athena.
"Mag usap muna kayo ng panandalian sa aking hardin bago ka bumalik sa iyong mundo. "Wika ni Goddess Athena.
" Banwa aming Goddess Athena..." Masaya kong wika at yumuko kaming sabay- sabay at nilagay ang aming kanang kamao sa tapat ng aming puso.
Nagpaiwan muna si Rougen sa harap ng tarangkahan ng palasyo ni Goddess Athena at mukhang mag uusap sila.
Tumungo na kami sa Hardin ni Goddess Athena.
"Matapos ang pag kamatay ng aking mga magulang. Hindi ko na kayang mabuhay pa. Noong una inisip kong tumalon sa isang bangin. Ngunit hindi kinaya. Sumunod naman ay ang pagpapatiwakal ngunit biglang napatid ang lubid at huli ay ang pagkakapalunod ngunit hindi ko rin nagawa. Kaya nagdasal ako kay Goddess Athena na kunin niya nalang ako. At iyon nga ang nangyari. " Mahinahong wika ni Linda Bonwar.
" Sinubukan akong hanapin ni Prinsesa Emeri Lisa pati ang kanyang mga magulang ngunit hindi ako nilabas ni Goddess Athena dahil ayokong bumalik sa mundo. Pinahanap rin ako ni Steven upang ako ay kanyang pakasalan ngunit hindi parin ako bumalik. Gusto kong makalimutan ang lahat ng sakit na naranasan ko. Ngunit naririnig ko ang kanilang mga hinaing at paghahanap sa akin hanggang sa dulo ng kanilang mga buhay ngunit nagmatigas parin akong hindi bumalik. Dahil kahit ilang dekada mang nakalipas. Ramdam ko parin ang sakit at pag sisisi sa aking sarili na ako ang dahilan ng pagkamatay ng aking mga magulang na walang inalala kundi ang aking kapakanan. Dahil sa pagmamahal nila sa akin. Ngunit muli itong nasariwa ng ikaw ay gumanap bilang ako. At tinulungan kita habang ikaw ay nasa iyong misyon ako mismo ang nasa katawan ko. Nasilayan kong muli ang buhay kong mga magulang muli ko silang nakasama at nayakap. Banwa Prinsesa Zinniana... Sa ngayon payapa na ang aking puso at isipan. Banwa mahal na Prinsesa. "Lumuluhang wika niya.
Agad ko siyang niyakap ng mahigpit.
"Banwa Linda Bonwar... Kung hindi mo ko hinayaan na gampanan ang iyong buhay hindi ko makakamtan ang mga ito... Banwa aking kaibigan. " Wika ko at napaluha narin ako.
" Bumalik ka na sa iyong mundo Prinsesa... Hinihintay ka na ng iyong hukbo... Balna. "Huling wika ni Linda bago nagmahika paalis.
" Balna Linda.... " Wika ko rin bago ko pinuntahan si Rougen bago bumalik sa aming mundo.
Nagpaalam rin ako kay Goddess Athena. Bago binuksan ang lagusan.
"Adelente..." Wika ko at bumukas na ang lagusan agad kaming pumasok ni Esnograndang Rougen.
"Adolente.." Pagsarado ko rito.
Tumingin ako sa aking paligid na nagsasanay ang aking hukbo kasama ang mga Arano. Natigil na lamang sila at natulala ng makita nila ako kasama si Esnograndang Rougen na nanlilisik ang mata sa kanila.
Agad kong siniko si Rougen at biglang tumawa sa harapan nila.
Sinamaan ko na lamang siya ng tingin at nagsalita siya.
"Ashta mga mandirigma... Huwag kayong mag alala hindi ko kayo kakainin basta huwag lang kayong magtaksil sa aking Prinsesa. " Wika niya at nginisian pa niya sila.
Mas nabalot ng katahimikan ang buong Kontinenteng Crista at napasapo na lamang ako sa aking noo.
Biglang nagluhuran sa amin ang lahat ng mandirigma pati ang mga Hiyopang Kabayo ay pinaluhod nila.
Agad tumayo si Heneral Macario at may inabot sa aking isang pulang redulata. Tiyak akong para ito sa digmaan.
Agad ko itong binasa...
"Ashta mga natatanging tagapagmana ,
Magkakaroon ng pagpupulong sa bulwagan ng Labia upang pag usapan ang unang digmaan na gaganapin.
Maaring mag punta na kayong mga tagapagmana sa ika-limang araw ng ikalawang buwan ng taon." Binasa kong malakas ang redulata upang maabisuhan ang aking mga mandirigma.
" Anong araw na ngayon?" Tanong ko kay Heneral Macario.
"Ika - dalawamput walong araw ng unang buwan ng taon mahal na Prinsesa." Tugon niya
Ibig sabihin isang linggo nalang ang pagitan bago ang pag pupulong.
Agad akong tumingin kay Esnogranda Rougen. Nag bahagyang napalunok ng malalim.
"A-apat na araw ang ating lalakbayin mahal na Prinsesa." Wika niya at tumango na lamang ako.
"Lenta aking mga mandirigma. Ipagpatuloy niyo nang muli ang inyong pag sasanay. Nalalapit na ang unang digmaan. Ang digmaan ng pag pana sa isang hiyopang Halimaw. Kailangan natin ang inyong lakas at paniniwalang kakayanin niyo ang misyong ito. Humayo kayo at magsanay na sa pag papana. "Wika ko at lahat at kumuha na ng pana mapa babae man o lalake. Mapa Arano man o aking mga kalahi ay sabay sabay na nag ensayo.
Nalalapit na ang digmaan ng Walong Kaharian.
👑👑👑
BINABASA MO ANG
Princess Of Ruby
خيال (فانتازيا)[Completed] [Unedited] The 8th Kingdom Series Book 1 Genre: Fantasy/Adventure Language: Filipino 👑👑👑 Mula sa nangungunang Kontinente ng mundo ang Lanria, na may payapa at nag kakaisang pinuno ng walong kaharian, ay biglaang winasak ng inggitan...