👑 Kabanata XXII 👑

39 13 0
                                    

👑👑👑

Nang sumapit ang pagsikat ng araw kinabukasan hinanda na namin agad ang mga sasakayan naming hiyopang kabayo papunta sa isla.

Pagkagising ko kanina agad sumalubong sa akin si Steven upang yakapin ako. Mas lalo niya lang akong pinahihirapan na umalis. Pasaway...

Sa ngayon sumakay na kami sa aming mga hiyopang kabayo ng makapaghanda na ang lahat. Hinintay na lamang namin ang hudyat at pinatakbo na namin ang aming hiyopang kabayo. Pinangunahan kami ni Commander Alexandra para ihatid sa isla na aming pupuntahan. Hinanda narin ng mga Maharlika ang aming daraang tuloy para hindi na kami sumakay pa ng hiyopang pang tubig patawid sa isla.

Hindi na ako nakapag paalam sa aking mga magulang kanina sapagkat nakatalaga sila sa pag aayos sa mga duelo ng mga kalalakihan sa kampo.

Buong umaga hanggang hapon nangangalap kami sa kakahuyan ng mga gagamitin sa pagbuo ng kampo kada pangakat. Hindi ko man lang nasilayan si Acacia kahit na hinalikan niya si Steven kaibigan ko parin siya at kakambal niya ang matalik kong kaibigan. Napakasukal ng kakahuyan napakadulas pa ng daanan dahil sa mga malalapot na putik na naroon. Hindi naman basa ang isla ngunit bakit napakaputik rito samantalang sa dalampasigan ay pino lamang ang mga buhangin at tuyo.

"Costa Linda... Buwi sa aking nagawa kahapon hindi ko naman kasi alam."Mahinang wika sakin ni Acacia.

Ambilis niya ... Hinahanap ko palang siya ay nasa likuran ko na agad.

"Costa Acacia... Buwi dapat ay inintindi ko na lamang ang iyong sinabi kahapon hindi pa tuloy kita nakausap... Greto." Mahinahong wika ko na may kahalong pag ka dismaya sa aking sarili.

Niyakap niya ako ng mahigpit at niyakap ko rin siya pabalik. At matapos nun ay magkasabay na kaming nangalap ng mga kahoy na panghaligi sa aming kampo at pang gatong para mamayang gabi.

Base sa sinabi samin kanina ng aming commander Alexandra nilagyan narin ng mga Maharlika ang paligid ng isla para sa dagdag seguridad namin laban sa pirata na dayuhan. Hindi pa sapat ang aming mga lakas upang labanan ang mga lalake.

Sumapit ang gabi at lumikha kami ng malaking apoy upang mahimasmasan ang napaka lamig naming paligid. Habang kami ay nakatingin sa apoy bigla na lamang nagpakita ang repleka ni Reyna Camellia sa apoy upang kwentuhan kami ukol sa ...

Pulang Kuweba...

Teka-- nandoon ang ika-apat kong misyon ang pag kuha sa pulang purselas mula sa higanteng hiyopang Pugita.

Nagpatuloy siya sa pag kwento habang ako nama'y nag hihintay ng pag kakataong makaalis sa aking kinauupuan upang puntahan ang pulang kuweba ngayong gabi.

Nararamdaman ko rin na sinesenyasan na ako ng aking tanda sa noo na gawin ko na amg ika-apat na misyon.

Nagpaalam lamang ako sa aking mga kapangkat upang pumunta sa palikuran.

Agad naman nila akong pinayagan. Pag pasok ko sa aming kampo agad kong kinuha ang isang punyal upang kasama ko sa paglalakbay ko patungong pulang kuweba.

Agad akong pumasok sa masukal na kakahuyan at pakiramdam ko may sumusunod sa akin ngunit pag lingon ko wala namang nakasunod sa akin.

'Baka guni guni ko lamang iyon. ' wika ko sa aking sarili.

Binilisan ko ang aking pag lakad at bigla akong may nakitang pulang liwanag. Pag tingala ko ...

Princess Of RubyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon