Chapter 2

34 4 0
                                    


RENIEL'S POV

~ZzZz..zZzzZ---z-Z---------

"HOY KUYA!"

Zzz..zZz---

"GUMISING KANA! 7:00 NA OH?!

ZzZ----

"HOY KUYA!!!!!!!!!"

'Lintek ang ingay!'

Nagising ako sa kalampog ng pinto kaya inis akong bumangon at binuksan iyon.

"What!? ang ingay mo alam mo yun!? alis ka jan!" Sigaw ko sa kanya at natigilan naman siya.

"Hoy kuya, may pasok ka ano pang tinutunganga mo jan?" pilit siyang naging mahinahon dahil batid nito ay galit talaga ako.

"Eh ano naman? maaga pa naman tsk, alis!"

"okay!"

Agad itong bumaba at padabog kong isinara ang pinto, Dumaretsyo ako sa cr para maligo, at biglang sumagip sa isipan ko ang nangyari kahapon.

Dwarf na nga ang ingay pa! You're pathetic..

Natatawa talaga ako sa itsura niya,
Ang cute niya sa itsurang iyon pero sadyang wala akong pakialam, nakakatawa lang talaga. Tsk

Matapos kong maligo ay mabilis akong nagbihis at nag ayos. Pagkatapos non ay mabilis akong bumaba dahil nagugutom na ako. Naabutan ko si elly na abala sa paghahanda ng mga pagkain.

Kaming dalawa lang ni elly ang nakatira sa kinuha kong paupahan, humiwalay kami ng bahay dahil nasa ibang bansa ang parents namin. Ayaw namin pareho sa dati naming bahay dahil lagi kaming pinagsisilbihan ng mga katulong doon. Ang gusto namin pareho ng kapatid ko ay malayang gawin lahat ng gusto namin, maliban sa mga masasamang gawain. May iniwan sa aming pera ang parents namin panggastos sa pang araw araw. Hindi lingid sa kaalaman nilang nakabukod kami ng bahay. Wala na din silang nagawa dahil parehong gusto naming magkapatid ito.

17 years old na si elly kaya may alam niya siya sa gawaing bahay. Marunong siyang magluto dahil tinuruan siya ni mommy at panay din ang basa nito ng cooking book. habang ako naman ay tumutulong lang sa kanyang maglinis ng bahay pag may time ako.

"Oh? hindi kana ba bad mood?" Tanong sakin ni elly habang naghahanda ng pagkain.

"Sino naman may sabi sayong bad mood ako?"

"Iyang mata mo... Iyang mata mo ang nagsasabing wala ka sa mood, kitang kita kona nanlilisik nanaman yang mga mata mo, ansarap kamong tusukin." Turo niya sa mata ko gamit ang tinidor agad naman akong umiwas.

"Wag ka ngang maingay"

Tumawa lang siya at nagpatuloy sa pagkain. Habang kumakain kami ay napatingin ako sa relos. 7:45am na, Maaga pa naman e.. 9:00am ang simula ng klase. Binilisan kong kumain dahil may kaylangan pa akong puntahan. Dumaretsyo ako sa cr upang mag toothbrush at agad na lumabas doon, kaylangan kong pumunta sa library dahil may kaylangan akong basahin.

"Hoy alis nako, Anong oras ba alis mo?" Tanong ko kay elly habang abala siya sa pagaayos ng gamit.

"Mamaya pa ako, Mauna kana hehe"

"Okay... ilock mo yung pinto bago ka umalis ha? sige na alis nako."

"Sige kuya! ingat."

Yun lang at umalis na ako. Nagantay pa muna ako ng masasakyan, Sinanay ko ang sarili kona mag commute at sumakay sa jeep, lingid ito sa kaalaman nila mommy't daddy lalo na si elly hindi ko pinapalaam sa kanila dahil alam kong hindi sila papayag, may sariling kotse si elly. Bata palang ito ay tiniruan na ni daddy at sa ganitong edad niya may sarili na ring siyang license. Maya maya lang ay anjan na ang jeep. Tinaas ko ang kaliwang kamay ko upang huminto ito. Pagpasok ko ay hindi kona nagawang lingunin ang mga pasahero, agad akong umupo sa bandang dulo, Kumuha ako ng barya sa wallet ko at nagbayad, Umayos ako ng pagkakaupo at tumingin kung saan, Ganon nalang ang gulat ko ng magtama ang paningin namin ni Amory, Ganon nalang din ang gulat niya batid kong hindi ako nito nakita dahil abala ito sa cellphone niya. Agad siyang nag iwas ng tingin at ako naman ay tumungo.

UNPRIDICTED LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon