THE TRUTH
Amory's Pov
Nang makaupo na kami ni Reniel ay talagang hindi ko maitago ang nararamdaman ko, Napakasaya ko lang dahil kasama ko siya.
"Cr lang ako ah.." Paalam ko sa kaniya at tumayo.
"Bilisan mo.."
"Anong bilisan ko?" Inis kong tanong.
"Babe, Ayaw kitang mawala." Nakasimangot niyang sabi.
"Sobrang OA mo!" Inis akong naglakad kung saan.
Hindi naman ako nahirapan sa paghahanap ng cr dahil may nagturo saaking babae. Nang makapunta na ako doon ay may biglang humarang saakin. Taka naman akong tinignan ang kabuuan niya.
Lucie!?
"What a small world, Amory.." Sarkastikong sabi niya. Ngumisi naman ako.
Siya si Lucie ang dating nambubully saakin, Ang dati ding dead na dead kay Edward. Tsk
"Tumabi ka." Akma ko siyang lalagpasan ng pigilan niya ang braso ko, Nagtiim ang bagang ko at inis na binawi iyon. "Ano nanaman ba?"
"Lahat nalang talaga inaagaw mo noh?" Nakangisi niyang tanong. Humarap ako sa kaniya. At kunwaring natawa.
"Pinagsasabi mo?"
"Nung una ay si Edward, Ngayon si Reniel." Natigilan naman ako sa sinabi niya. "Talagang walang pinipiling lugar 'yang kalandian mo."
Napakamot ako sa kilay dahil sa inis. At ngumiti sa kaniya.
"Sinasabi mo bang Gusto mo ang lalaking pagmamay-ari na ng iba?" Sarkastiko kong tanong.
"Bakit sayo na ba talaga siya?"
"Hmm, Parang ganun na nga."
"Oh, C'mon wag mong sabihin na makikipag-compete ka sakin?" Pinagkrus niya ang dalawang braso at tinignan ang kabuuan ko.
"Hindi rin, dahil sa una palang ay panalo na ako." Nakangisi kong sabi. Natigilan naman siya.
"Ano nga bang nagustuhan sayo ng lalaking gusto ko? Well maganda ka, Pero mas maganda ako."
"Kung mas maganda ka, Bakit hindi ikaw ang nagustuhan?"
"Dahil naunahan mo ako!"Sigaw niya. Bahagya akong lumayo dahil naamoy ko ang hininga niyang hindi maganda.
Sininghalan ko siya ng tingin.
"Tabi!" Tinabig ko sa ng malakas."U-ugh! Hindi mo ako matatalo! Magiging akin siya Amory! Tandaan mo yan!" Sigaw niya. Lumingon ako sa kanya at ngumisi.
"Noted." Sabi ko at pumasok sa cr.
Agawin mo na lahat, Wag lang si Reniel..
Tumingin ako sa salamin at tumitig doon.
Si Reniel ang naging instrumento para makalimut sa nakaraan, Siya ngayon ang iniisip ko, Siya ngayon ang iniintindi ko, Hindi ako papayag maangkin siya ng iba dahil simula ngayon ang akin ay akin, Wag mokong subukan Lucie...
Naiyukom ko ang parehong kamao sa galit at inis. Isa si Reniel sa pinakamagandang dumating sa buhay ko, At ayokong pati siya ay mawala. Hindi ko kaya.
Lucie..
"Walang sayo, Masyado kang malandi." Talagang nagtiim ang bagang ko sa inis.
BINABASA MO ANG
UNPRIDICTED LOVE
RomanceAng goal lamang ni Amory ay makapagtapos ng pag-aaral dahil sa kagustuhan nitong maging isang doctor, Hindi kaylan man pumasok sa isipan niyang magnobyo dahil sa sariling pamahiin ay sabagal lamang daw ito. Isa sa mga iniiwasan niya ay ang maalala a...