Amory's PovPesteng babaeng yon! wala siyang karapatang sigawan ako, nauulol na siya!
Padabog akong umakyat sa hagdan dahil sa bwiset na babaeng 'yon, Hindi ko siya kilala pero nakikita ko siyang nilalapitan si Reniel at wala akong pakialam.
Muling sumagip sa isipan ko ang sinabi niya.
"Im always here by your side, but please focus on me when im around."
Halos di ako makagalaw sa kinauupuan ko nung sinabi niya yon. Hindi ako nga alam kung ano na pinagsasabi ko e.
Wala naman sigurong ibig sabihin yon...
Pagkarating ko sa room ay nakita kong nasa upuan ko si jericho na nakikipagusap kay jaynine.
Hindi nila ako nakita dahil abala sila sa pakikipagusap. Lumapit ako pero hindi parin nila ako nakita.
Nung pumagitna ako sa kanila ay syaka lang nila ako nilingon.
"San ka nanaman nagsuot!?" Bulalas sakin ni Nin. Tinignan ko naman siya ng masama.
"Basta." Maikling sagot ko. Tumingin ako kay jericho.
"Oh--Sorry." Sabi niya sabay tayo at nilahad sakin ang kamay niya pero di ko yon tinanggap. Umupo nalang ako.
Kumuha naman siya ng isang upuan at hinirap samin at doon umupo.
"Anong ginagawa mo?" Taka kong tanong sa kaniya.
"Im just sat here." Turo niya sa upuan niya.
"Ay oo nga pala Amory, Sabi niya gusto niya daw ikaw maging kaibigan." Baling sakin ni Jaynine.
Tinignan ko naman siya."At ikaw?" Tanong ko sa kaniya. Nanlaki naman ang mata niya at napalunok pa.
"Ah hehe, Syempre..Ano...ka-ibigan,
Nagulat naman ako sa sinabi niya, Tumingin ako kay jericho na nakangisi, at tumungin ulit kay jaynine. " Ibig kong sabihin ay kaibigan din hehehe.." Kumamot pa ng ulong sabi niya."Hmm girls, next Saturday ang birthday ko , Both of you are invited, Here." Sabi ni jericho na may inabot pa saming maliit na envelop.
"Birthday mo!? Bakit hindi mo sinabi sakin kanina!" Pasigaw na sabi ni jaynine kay jericho. Ngumisi naman ito.
Agad na kinuha ni jaynine ang invitation. Sya ang unang tumingin. Nanlaki pa ang mata niya at tinakpan pa ang bibig.
Anong bang nangyayari sa babaeng to?.
"July 24, Birthday mo!?." Tanong niya kay jericho at tumango tango naman ito.
"Anjan ang address, Pwede kayong magsama ng friends." Nakangiting sabi ni jericho.
"Kami lang naman dalawa ni Amory ang magkaibigan dito, Syempre kasama ka pati si Reniel." Sagot ni jaynine.
"Ah yeah i forgot, He also invited."
Nakangiti ulit sabi ni jericho.Tumango lang ako at hindi na nakinig sa pinaguusapan nila, Natahimik ako dahil sa katotohanang kasama doon si Reniel parang ayaw ko tuloy pumunta
May parte kasi sa loob kong gusto siyang iwasan, Dahil sa sinabi niya. Idagdag mopa nung umaga na ninakawan niya ako ng halik. Ay hinde aksidente lang pala yon.
Bumuntong hininga ako tumingin kung saan. Maya maya lang ay anjan na si Mr. Mith, Filipino teacher.
Pilit kong iniintindi lahat ng binabanggit niyang salita pero ang hirap dahil ang lalalim ng ibig sabihin, Alam kong hinde ako nagiisa dahil panigurado etong katabi ko kahit isa walang maintindihan.
BINABASA MO ANG
UNPRIDICTED LOVE
RomanceAng goal lamang ni Amory ay makapagtapos ng pag-aaral dahil sa kagustuhan nitong maging isang doctor, Hindi kaylan man pumasok sa isipan niyang magnobyo dahil sa sariling pamahiin ay sabagal lamang daw ito. Isa sa mga iniiwasan niya ay ang maalala a...