Chapter 3

40 4 0
                                    

RENIEL'S POV

Nagpauna akong maglakad kay Amory dahil ang bagal niyang maglakad, gabi na kaya kaylangan ko ng makauwi at biglang nag-ring ang cellphone ko, kaya mas binilisan ko pa ang paglalakad.

Pagkalabas ko sa gate ay kapansin-pansin na kakaunti nalang ang mga estudyanteng nag-aantay ng masasakyan, nakita ko pang si Amory na lumabas muli sa gate at muling nag-antay ng jeep, tumalikod ako sa gawi niya at inis na sinagot ang tawag.

"Hello?!" Sagot ko sa kabilang linya.

"Hoy kuya! it's getting late! Umuwi kana!" Sigaw ni elly at bahagya kong nilayo ang cellphone sa tenga ko.

"Oo na pauwi na."

"Bilisan mo!"

"Ang ingay mo elly!"

"Hehehe sorry... sige na kuya, ingat sa pagmo-motor." Malambing niyang ani. At binaba ang linya.

Hindi alam ni elly na nagco-commute ako, ang alam niya ay ginagamit ko ang motor na bili saakin ni daddy, tinago ko iyon sa likod ng bahay para hindi niya makita. Bata palang ako ay gusto ko ng makasakay sa jeep, pero ayaw na ayaw ng parents ko.

Pagkatapos ibaba ni elly ang linya ay binulsa kong muli ang cellphone ko at nilingon ang kinatatayuan ni Amory kanina. Wala na ito ngayon.

Nasaan naman kaya ang isang yon? wala pang dumadating na jeep mula pa kanina... impossibleng naglakad yon dahil panigurado malayo ang bahay niya...

Naglakad-lakad muna ako at pumaroon sa kinatatayuan ni Amory kanina, at saka ako nag-antay ng jeep.

Habang palinga-linga sa paligid ay may napansin akong I.D batid kong nahulog ito ng may ari. Pinulot ko ito at tinignan. Tumaas ang kilay ko dahil pag-mamay ari pala ito ni Amory. Binasa kong muli ang pangalan niya.

Amory Estelle E. Froilan...

Napangiti ako sa ganda ng pangalan niya, Napagdesisyon kong bukas nalang iabot sa kaniya dahil hindi ko alam kung saan siya nakatira. Habang nilalagay sa bag ko ang I.D niya ay may biglang sumigaw.

"B-BITAWAN NIYO KO PLEASE!! IBIBIGAY KONA SA INYO LAHAT NG PERA KO! PAKAWALAN NIYO LANG AKO!"

Nilingon ko ang pinagmulang tinig na iyon. Bumilis ang kalabog ng dibdib ko. Batid kong may nangyayaring hindi maganda. Agad kong sinundan ang pamilyar na sigaw na iyon. Nasisiguro kong siya iyon dahil ilang beses ko ng narinig ang boses niya.

Habang tinatahak ang daan ay napakatakip ako sa ilong dahil sa masangsang na amoy na iyon. Madilim, at mukhang abandonado na ang lugar na yon. Napatigil ako sa paglalakad ng may nakita akong tatlong lalaki na nakataliod sa gawi ko.

"Boss!Ibibigay niya daw lahat ng pera niya" Sabi ng isang lalaki.

"TANGA!BONUS YAN!BONUS!"
Sigaw ng boss nila at napatingin naman ako sa itinuro niya.

Amory...

Nakaupo ito at yakap-yakap ang tuhod, batid kong iyak ng iyak ito dahil sa takot. Lumapit ang dalawang lalaki sa kanya at doon kona hindi napigilan ang sarili ko.

"HOY!" Matapang ko sigaw sa kanila dahilan para lingunin ako ng tatlo. Ngumisi ang boss nila at sumenyas, hudyat iyon na susugurin ako ng dalawa niyang bata, mga payat ito kumpara saakin kaya handa ko silang
harapin.

Lumapit ang isa saakin at akmang sasalubungin ako ng suntok pero agad akong nakaiwas, sa sobrang bagal niyang kumilos ay naunahan ko siya. Malakas kong sinipa ang tiyan nya dahilan para tumilapon ito kung saan, pero agad din itong tumayo at muling sumugod saakin. Sumama ang tingin ko sa kanya at sinalubong siya ng isang napakalakas na sipa sa muka, Nakita kopa kung paanong tumalsik ang dugo mula sa kaniyang bibig, Napahiga siya sa sahig at hindi na muling tumayo. Habang habol ang hininga ay muli akong tumingin sa isang lalaki. Napaatras ito ng bahagya.

UNPRIDICTED LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon