Chapter 11

30 3 0
                                    

THE PREVENTION

Reniel's Pov

"Stelle?" Tawag ng lalaking nakatayo sa gilid ni Amory. Batid kong magkakilala sila.

Nilingon iyon ni Amory at parang nagtaka pa kung sino ito.

Sino naman to?

Pero agad iyon napalitan ng ngiti at sabay tayo.

"Edward!" Nakangiting sabi ni Amory at sabay yakap, Nainis naman ako. Si Amory na mismo ang kumalas at tumingin ng diretsyo sa lalaki.

"Hindi ko alam dito karin pala nagaaral...Kamusta kana?" Nakangiting tanong ng lalaki. Nilingon naman kami ni Amory na parang natutuliro.

"Ah eh, Ayos lang ako..Mga kaibigan ko pala.." Turo samin ni Amory habang nakatingin sa lalaki.

Ako? kaibigan niya?

"Hello, Im Edward..." Nakangiting pakilala ni Edward samin syaka bumaling kay Amory.

"Si Jaynine kaibigan ko.." Turo ni Amory kay jaynine. "Si jericho classmate ko. " Turo niya kay jericho. "Si...Reniel...Schoolmate ko..." Turo niya sakin at humarap ng maayos samin. "Ah e, Siya si Edward classmate ko nung first year, Kaibigan ko din siya." Turo niya kay Edward. "Pwede kang sumabay samin!" Nakangiting sabi ni Amory sa lalaki. Pasiring naman akong nagiwas ng tingin at tinuon nalang sa pagkain.

Nakita ko pa kung paanong nilahad ni Amory ang upuan niya sa lalaki at kumuha ng bago, Nilayo niya ang upuan sakin at syaka bumaling kay Edward. Mas lalo akong nainis.

Nilingon ko ang dalawa na abala sa paguusap. Ako lang yata ang walang kausap dahil abala din si Amory sa pakikipagusap sa lalaki niya.

Bumuntong hininga nalang ako at walang ganang pinagpatuloy ang pagkain, Panay din ang lingon ko kay Amory na masayang nakikipagusap sa lalaki.

Nagbaba ako ng tingin at bumuntong hininga ulit. Hindi ko alam pero parang may kirot sa dibdib ko sa nakikita ko.

Nagsisimula palang naman akong gustuhin ka...Pero bakit ganto ang nararamdaman ko? Parang ayokong makitang masaya ka sa iba...

Wala sa sariling napatayo ako at tumingin sa mga kasama. Nilingon naman ako ni Amory at nung lalaki.

"May kaylangan pa kasi akong gawin, Mauuna na ako sa inyo." Tipid na ngiting sabi ko. Tumingin naman si Amory kay jaynine at Jericho.

"Sayang naman yung mga pagkain oh..." Turo ni Jaynine sa pagkain.

"Busog na kasi ako, Hmm Salamat sa treat Jericho.." Nakangiti kong sabi sa kanya. Tinanguhan lang ako nito at tumingin kay Amory. Nakita kopa na napabuntong hininga siya.

"Mauna na ako Amory..." Sabi ko kay Amory na walang emosyong nakatingin sakin.

"Sige..." Tugon niya at nagbaba ng tingin syaka muling bumaling kay Edward.

Bumuntong hininga ako at syaka naglakad. Hindi kona nagawang pang pansinin ang mga babaeng lumilingom at nagsisibulungan sakin.
Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad.

Nang makalabas na ako ay syaka lang ako nakahinga ng maluwag. Napalingon pa ako sa loob pero hindi kona sila makita at tumingin nalang kung saan.

Nagseselos ba ako? Hindi ko yon pwedeng maramdaman..Una sa lahat wala kaming relasyon ni Amory...Pangalawa magkaibigan lang sila...Pangatlo wala akong karapatang magselos... Masyado naman yata akong OA..

Bumuntong hininga ulit  ako at syaka muling naglakad, Binilisan ko pa ang paglalakad dahil sobrang init.

Totoong may gagawin talaga ako, May kaylangan akong basahin sa library. Nagkataon lang ang pag alis ko kanina, Inaasahan kong wala silang ibang iisipin kundi ang intindihin ako.

UNPRIDICTED LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon