THE PREVENTION 2
Reniel's Pov
"Where's elly?" Tanong ko sa katulong pag pasok ko sa bahay.
"Ah Sir, Dumating na po ang mommy't Daddy mo, Umalis po sila kasama si Mam elly, Sumunod nalang daw po kayo." Nakangiti niyang sabi at tumalikod na. Taka naman akong napaisip sa sinabi niya.
Andito na sila mommy? Bakit hindi nila sinasabi na ngayon sila uuwi? Hays....
Napaupo ako sa sofa at hinilig ang ulo at napatingala sa kisame, muling sumagip sa isipan ko ang nangyari kanina.
Nagseselos ako Amory... Hindi dahil sa kaibigan mo siya kundi dahil sa kung paano ka ngumiti sa harap niya na hindi mo manlang magawa sakin...
Totoong nasaktan ako sa sinabi niyang hindi niya ako manliligaw, Eh hindi naman kasi talaga Reniel!.. Ang inaasahan ko kasi ay sasakay siya sa sinabi kong iyon pero hinde, Sinigawan at tinanggihan pa ako.
Ligawan ko kaya siya?
Napatayo ako sa naisip na iyon at tumingin sa salaming nasa harap ko.
Pero paano? Hindi ko alam kung paano manligaw... patulong kaya ako kay Jericho? Pero hindi naman kasi kami ganon kaclose..
Napaupo nanaman ako sa naisip na yon at nahilamos ang parehong palad.
Ganun nalang ang gulat ko ng biglang mag ring ang cellphone ko. Hindi ko muna kinuha dahil baka..
Si Amory? No!No!No!Hindi yon gagawin ni Amory, Masyado siyang masungit..
Kinuha ko sa bulsa at sinagot iyon.
"Nasaan kaba!?" Inis kong sigaw kay elly sa kabilang linya.
"Kasama ko sila Daddy! Dito na daw tayo mag dinner! Dalian mo! we're waiting kaya sayo!"
"Oo na.." Walang gana kong sabi at binaba na ang linya. Napatingin pa ako sa text niya kung saan kami magdidinner.
Tumayo ako at pumunta sa taas, Nakita ko sa hallway ang tatlong maleta nila mommy na nasa tapat ng kwarto nila. Hindi na ako nagtaka kung bakit tatlo lang ang maleta nila samantalang nung umalis sila ay nasa limang maleta ang dala nila, Batid kong babalik ulit sila sa US.
Bumuntong hininga lang ako at walang ganang pumasok sa kwarto. Walang gana ko din tinanggal ang uniform ko hanggang sa natira nalang ay boxer at dumaretsyo sa banyo para maligo, Sumagip nanaman sa isipan ko ang nangyari.
Gusto ko sakin kalang ngingiti ng ganun kaganda, Gusto ko sakin kalang titingin, Gusto ko kasama ka lagi, Gusto ko nakikita kita lagi, Hays masyado naman yata akong demanding, Hindi niya ako gusto, Naiinis siya kapag nakikita ako, Ayaw niya ng presensya ko, Hays How lucky you are Edward...
Bumuntong hininga nalang ako at nagpatuloy sa pagligo.
After 15 minutes...
Pagkatapos kong maligo ay dumaretsyo ako sa walking closet at naghanap ng masusuot, Napansin ko naman ang cellphone ko na umilaw batid kong may nagtext, kinuha ko iyon at tinignan.
Elly:
Kuya!? Why so tagal mo ba? We're waiting!!
6:15pm
"Tsk!" Singhal ko, Napansin ko naman na may isa pang nag message. Binuksan ko iyon at tinignan.
Amory:
Sorry...
5:47pm
Napatitig ako sa mensahe niyang iyon. It's okay.. Sabi ko sa isip ko at bumuntong hininga syaka pabatong hinihagis sa sofa ang cellphone.
BINABASA MO ANG
UNPRIDICTED LOVE
RomansaAng goal lamang ni Amory ay makapagtapos ng pag-aaral dahil sa kagustuhan nitong maging isang doctor, Hindi kaylan man pumasok sa isipan niyang magnobyo dahil sa sariling pamahiin ay sabagal lamang daw ito. Isa sa mga iniiwasan niya ay ang maalala a...