Chapter 18

18 1 0
                                    

THE LETTERS

Amory's Pov

"What the hell? Shit!"

"Bakit!?" Taranta kong tanong.

Tumingin sa'kin si Reniel. Nag aalala na ewan. Hindi ko maintindihan pero parang may hindi magandang nangyari.

"Amory.." Tawag niya at niyakap bigla ako.

Mukha akong tanga nakatingin kung saan. Hindi ko maintindihan talaga! Kumalas siya at tumingin sa'kin.

"Kahit anong mangyari, Don't leave me please." Malungkot niyang sabi.

"Promise.." Wala sa sariling sambit ko.

Pumitik siya sa bandang tenga ko. Sign iyon na naniniwala siya sa pangako ko.

Gusto ko siyang tanungin kung bakit, Hindi ko maintindihan lahat ng sinabi niya. Ano namang dahilan bakit ko siya iiwan?

"Let's go." Yaya niya at sumukay sa motor. Sumangkas naman ako.

Nang makarating kami sa bahay ay natulala ako. Hindi ko padin kasi maintindihan lahat ng sinabi niya.

Ano ba kasi yon? Anong problema?

Hanggang sa hindi ko'na mapigilan ang sarili ko. Hinawakan ko siya sa braso at hinarap sakin. Napanganga ako dahil kalmado siya at parang walang nangyari kanina.

"Ano yung kanina?"

"What about earlier?" Inosente niyang tanong.

"Wow ah? Amnesia lang? Ano yung kanina? Bakit galit na galit ka nung tumingin ka sa cellphone mo! Tapos niyakap mo ako at sinabing mong wag kitang iiwan" Habol na hiningang sabi ko.

Bumuntong hininga siya at tumingin kung saan syaka siya muling tumingin ulit sa'kin.

"Dumating na ang lola ko galing London."

"Oh e ano namang masama 'don?"

Hindi siya sumagot. Nakita ko pang bumagsak ang balikat niya. Tumingin siya sa'kin ng seryoso, pero agad iyon napalitan ng lungkot.

"Amory, I can't tell you what is going on, I love you. That's all." Sabay hawak ng pisnge ko. "Just don't leave me, I can't."

Ako naman ang hindi nakasagot. Kahit pilitin ko siya kung ano ba 'yon ay alam kong hindi pa din niya sasabihin. Masasabi ko bang lihim to? O sadyang ayaw niya lang ipalaam sa'kin.

Nang makapasok kami sa bahay ay naabutan namin si Jaynine at Jericho na magkayakap. Ano pa bang aasahan ko? Mag kasintahan sila kaya normal lang 'yon. Horror movie din ang pinapanood nila. Umupo ako sa sofa at ganun din si Reniel.

Hindi ako makampante, May gusto akong alamin pero hindi ko alam kung paano. Panay ang tingin ko kay Reniel habang siya ay abala sa panonood. Hindi ko tuloy maiwasan ang mag-isip.

Dumating ang lola niya galing london? Anong masama 'don? Dapat nga matuwa pa siya e..

Bumuntong hininga ako sa naisip.
Lumipas ang isang oras ay natapos na din ang movie.

"Grabe! Nakakatakot!" Sambit ni Jaynine.

"Yeah.." Sabi naman ni Jericho.

"Omg! Nag text sa'kin si Mommy!" Sigaw ni Jaynine habang hawak ang cellphone. "Hala Amory.. Gusto ko pa sanang magtagal kaso aalis kami e.." Baling niya sa'kin.

"Okay lang, Sa susunod nalang ulit." Sabi ko.

"Talaga?!"

"Oo naman."

UNPRIDICTED LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon