Chapter 2

1 0 0
                                    

Nakaupo lang ako dito sa may bar counter nang may umupo sa tabi ko.

"Hi there Miss. Do you mind?" he asked me politely.

"I don't mind" sabi ko naman sa kaniya nang hindi tinitingnan man lang. Nag order siya ng kung anu-anong inumin sa bartender.

"Here" biglang sabi ng asungot sa tabi ko sabay abot ng isang baso na may laman.

"This is a lady's drink" tuloy pa niyang sabi.

"Sorry pero hindi ako tumatanggap ng galing sa isang estranghero" sabi ko sa kaniya ng hindi tinatapunan ng tingin.

Narinig ko pa siyang tumawa

"But at least look at me" pagpupumilit niya.

Nakakabwesit naman ito eh. Tumayo na lang ako nang hindi siya kinakausap. Dumiretso ako sa dance floor para hanapin si Athena. Nakita ko naman siya agad. Hindi naman siya mahirap hanapin kasi kitang kita ang kulay pulang dress niya.

Palabas na kami nang may biglang humatak sa akin.

"Ano ba! Bitawan mo nga ako!" sigaw ko pero anlakas niya. Tiningnan ko siya nang mabuti . Napasinghap na lang ako nang malaman ko kung sino. It's the guy from the counter!

"Matigas kang babae ka ah" he tightened his grip on my hand.

Guwapo sana pero bastos.

Athena on the other hand is pulling me away from the guy. Para na silang naglalaro ng thug of war sa ginagawa nila. Sakto naman na lumingon yung bouncer.

"Kuyaaa please help us!" Sigaw ni Athena kaya lumapiy yung bouncer.

"Don't you dare interfere us. Away mag-asawa ito!" sigaw niya sa papalapit na bouncer kaya hindi na siya lumapit.

Buong lakas akong nagpupumiglas sa mula sa lalaki pero malakas siya talaga. Ganun rin si Athena habang sumisigaw.

Hindi ko alam kung anong esperito ang sumanib sa akin para maisip kong tuhurin ang lalaki. Nabitawan naman niya ako kaya dali dali kaming tumakbo ni Athena papunta sa kotse niya.

Mabilis kong pinaharurot ang sasakyan papunta sa condo. Pinilit kong pakalmahin ang aking sarili kahit na nanginginig ang kalamnan ko dahil sa nangyari.

Nang mapansin kong nakalayo na kami sa club, binagalan ko na ang takbo ng sasakyan.
Wala ni isang umiimik sa amin hanggang marating namin ang condo. Dire diretso lang si Athena sa kwarto niya.

"Athena bihis ka na. Okay? Matulog ka na rin agad." sabi ko sa kaniya nang nasa pinto na siya ng kuwarto niya. Para kasi siyang balisa eh.

"Opo Ate"sabi niya nang hindi ako tinatapunan ng tingin.

Dumiretso naman ako sa banyo pagkapasok ko sa kwarto ko. Inalis ko lahat ng saplot ko at naligo.

Nagboblower ako ng buhok ko nang pumasok si Athena.

"Ate" sabi niya habang nakayuko.

"Bakit? Anong kailangan mo sa dis oras ng gabi" tanong ko sa kaniya ng may pagtataka.

"Ate pwede bang makitulog ako sa iyo" tanong naman niya sa akin.

Ayy oo nga pala hawak hawak niya yung paborito niyang unan pati na rin yung selpon at earphone niya.

"Pwede naman. Bakit" tanong ko ulit sa kaniya.

Dali dali siyang humiga sa tabi ko. Nabigla na lang ako nang yumakal siya sa bewang ko at siniksik yung ulo niya sa tagiliran ko.

"Ate" nagulat na lang ako nang humikbi siya kaya nilayo ko yung mukha niya sa akin.

" luhh bat ka umiiyak" tanong ko naman na may pag- aalala.

"Eh k- kasi ate ako ang d-dahilan kong bakit tayo napahamak. *sniff* Kung sana hindi tayo l-lumabas edi hindi sana tayo m-muntikan nang makuha nung nung lalaki." Mahabang litanya niya. Kaya naman pala tahimik kasi sinisisi niya ang sarili niya.

Hinarap ko naman siya at ngumiti.

"Hey Athena listen. Walang may gusto nung nangyari okay?? It's just an accident. Wag mong sisihin ang sarili mo. Hmm" i assured her and hugged her tight.

"Matulog na lang tayo. May klase ka pa bukas." sabi ko at pinikit ko na lang ang mga mata ko.

Hayy it's a long and tiring day indeed.

KIDNAPPED LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon