Gray POV
Kinabukasan ay Sabado kaya lumabas kami para tingnan ang bagong condo. Ay hindi pala condo kundi bahay ang binili ni tito na titirhan namin. 10 minutes drive from here. Kaya obviously mas malayo ang bagong bahay namin sa trabaho ko and sa school ni Athena.
Pagkatapos ng ilang oras na pagmumuni muni at paglibot namin sa bagong bahay namin, umuwi na rin kami. Gulat na naman ang bumungad sa amin pagdating namin sa condo.
Parang deja vu. Parang nangyari na naman ang nangyari noon. Limang naggagandahang kotse ang nakaparada sa tapat ng condo. Nagtataka man ay pumasok kami sa loob. Isa pang pinagtataka namin ay parang excited na lumabas si tito para tingnan kung sino ang mga tao sa loob.
Limang naggagwapuhang mga kalalakihan ang nasa loob. Nakaupo sila sa sala na para bang sa kanila ang bahay. Pinaakyat na muna kami ni tito para kausapin yata niya ang mga bisita.
"Gray. Take Athena upstairs. Tatawagin ko na lang kayo mamaya" pagpapaalis ni tito sa amin sa sala.
Sinunod naman namin si tito.
"Sige po dad" Athena said and kissed her dad's left cheek. Ganun din ang ginawa ko at tuluyan na kaming pumanhik paitaas. Dumiretso kami sa kaniya kaniyang kwarto at nagbihis. Maya maya ay may kumatok sa pintuan ko.
"Bukas yan" sigaw ko sa kumakatok.
Nakita kong si Athena ang pumasok kaya tinuloy ko nang magblower ng buhok.
"Naligo ka na naman Ate. That's bad daw sabi nung doctor" pagalit sa sabi ni Athena.
"Ang init eh" pagpapalusot ko pero isang irap lang ang ginawad niya.
"Anlakas ng aircon ate. Palusot mo bulok" pagalit niyang sabi at umupo sa tabi ko.
"Gutom ako ate. Gusto ko ng waffles" pacute niyang sabi sa akin.
"Okay halika ka na. Gawa tayo kahit gabi na hahah" sabi ko naman sa kaniya.
Nakaangkla siya sa braso ko habang pababa kami sa kusina. Nasa kalagitnaan na kami ng hagdan nang marinig namin ang usapan nila tito sa baba.
"So Casper, I'm hoping for the safety of my daughter and my cousin" si tito yata yun. Napantig naman ang mga tenga ko sa narinig kong pangalan.
"Consider it done, Sir" saad naman nung Casper.
Nagulat na lang ako nang tumakbo na lang bigla si Athena. Halla! Naka shorts lang yun at sando! Kaya nga kami nagdahan dahan bumaba para hindi makita dahil sa mga suot namin eh. Hayy.. bahala na nga. Agad ko naman siyang sinundan pero mukang nahuli yata ang fez ko.
"Dad! Don't you dare!" sigaw ni Athena kay tito na may papadyak padyak pa. Kahit nahihiya ako ay nilapitan ko siya na nagmamakaawa kay tito.
"Athena it's for your own safety. And besides your ate can't look at you all the time because she have to go to work" pagpapaliwanag ni tito sa nagwawalang anak niya.
"By the way Gray, they are your bodyguards. You can call any of them anytime you need something" pagpapakilala ni tito sa kanila.
Ngumiti na lang ako kay tito bago ko tinayo si Athena. Nakasalampak na kasi siya sa sahig eh. Kahiya sa mga bwiseta. Ayy este bisita nga pala. Tumayo naman siya at inirapan si tito.
Parang nagslow mo na tumingin kami sa mga bodyguards namin na sinasabi ni tito. Hahah joke lang. Tiningnan namin yhng mga bodyguards namin kuno. At nagulat na lang ako sa nakita ko.
Lagi na lang ba akong nagugulat? Hahha
Ang guguwapo hahha. Apat sila eh.
"Hi I'm Ethan Hanamishi" pagpapakilala nung lalaking mukhang good boy. "Siya naman si Jake Watsons" turo niya sa lalaking mukang badboy. Kumaway naman sa amin yung lalaking tinuro niya. "Sila naman sina Jack and Jail Monniere" turo niya sa mga lalaking parang kalog. They are twins. You can tell it by their names and their face.
"And lastly siya si-" naputol na lang ang sasabihin niya nang makitang wala na ang ituturo sana niya.
BINABASA MO ANG
KIDNAPPED LOVE
General FictionA story made by a first timer. Haha please bear with it.