Tumakbo lang ako ng tumakbo. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Pero bahala na. Huminto ako nang maramdaman kong pagod na ako. Nilibot ko ang paningin ko at nakita kong nasa park ako.
Walang masyadong tao dahil linggo. I sat down on one of the swing and continue to cry my heart out.
Nasa gitna ako ng pagmumuni muni nang biglang may tumigil na van sa harap ko.
Laking gulat ko na lang lumabas sila at dali dali akong hinawakan.Ginamit ko ang buong lakas ko para makapalag pero walang nangyari. Anlalakas nila.
"Tulong!!!" malakas kong sigaw pero walang nangyari.
"Ay makukulong kami sa ginagawa mo miss. Hayy bat ba kasi ako sumang ayon sa plano ng taong yun" saad ng isa sa mga kidnappers.
Tumahimik na lang ako at tinigil ko ang pagsigaw nang maramdaman kong nasa loob na ako ng van.
"Ang gwapo kong ito? Maikukulong lang? Ha. Iiyak lahat ng girls pati bakla" saad naman ng isa sa kanila.
"Please po ibaba niyo na ako. Kung manghohold up po kayo maling tao ang napulot niyo" pagmamakaawa ko sa kanila.
"Cheap" bulong ng kung sino sa kanila.
"Look miss whoever-you-are hindi ka namin sasaktan. Okay?" pagpapatahan sa akin ng isa sa mga kidnappers.
"Kung kidnap for ransom naman, maling mali talaga kayo ng kinuha kasi 30K wala na kami nun" pagmamakaawa ko sa kanila.
Isang katahimikan ang naghari sa loob ng van kaya nangilabot ako.
Maya maya pa ay napuno na ng halakhakan.
Okay. Baka may nasabi nga akong nakakatawa.
Hindi ko na lang sila pinansin. Pero maya maya ay unti unting nagdilim ang paningin ko hanggang sa tuluyan na akong binalot ng dilim.
Casper POV
Sampung oras na ang nakalipas mula nang simulan naming hanapin si Alex. Mula kaninang 10 nang lumabas siya hindi na siya bumalik kaya nagstart na kaming maghanap. Hindi pa namin sinasabi kay Sir George kaya sobra kaming nag aalala.
Nandito ako sa sala na sinisisi ang aking sarili. By the way nailipat na namin ang mga gamit nila. Naayos na rin namin ang mga gamit ni Alex. Siya na lang talaga ang kulang.
Kakaumpisa pa lang namin sa mission namin pero may nangyari na agad. Lumabas ako ng bahay para sana magpahangin pero iba ang nakita ko.
Nakita ko si Athena na nakatayo sa terrace ng kwarto niya. Naaalala ko pa kung paano siya umiyak na parang bata sa harap ko kaninang umaga. Para siyang nawalan. Well, nawalan nga talaga siya. Sising sisi siya sa nangyari.
Nakita ko siyang yakap yakap ang sabi niyang favorite pillow of Alex. I know by that time that she is crying. Tumataas baba ang kaniyang mga balikat.
Naaawa talaga ako sa kaniya. This is all because of me. Kung hindi dahil sa akin, hindi sana nagsinungaling si Alex kay Athena. Kung hindi dagil sa akin, hindi sana sila nag away kaninang umaga. Kung hindi dahil sa akin, hindi nawala si Alex.
Ang lahat ng ito ay nangyari ng dahil sa akin kaya ako mismo ang tatapos nitong gulo.
ATHENA POV
It's been a couple of hours since umalis si ate. How immature am I for not even listening to her. She's been with me since I can remember when but I chose not to listen to her.
I am standing here in the balcony for now hugging her favorite pillow. It's the only way for me to feel her again.
I just keep on crying while hugging her pillow. I'm so tired. So tired of everything. Someone wants to kidnap me. Kaya nga napahamak kami ni ate eh. Ngayon naman si ate ang nawawala.

BINABASA MO ANG
KIDNAPPED LOVE
General FictionA story made by a first timer. Haha please bear with it.