Chapter 5

1 0 0
                                    

Kinaumagahan ay tumawag si tito para kamustahin kami.

"Gray iaalis ko na talaga kayo diyan. Ililipat ko na kayo sa iba"pagalit na saad ni tito George.

"Pero tito malapit po ito sa trabaho ko at sa school ni Athena" pagpupumilit ko sa kaniya.

"No more buts Gray. Aalis kayo diyan sa ayaw at sa gusto niyo. Understood?" saad niya sa akin.

"Yes po tito" nanghihinayang na sagit ko sa kaniya.

Pagkababa niya ng tawag ay pinuntahan ko sa kwarto niya si Athena. Umuwi kasi kami sa condo pero may security na.

Nakita kong nakaupo na si Athena sa kama niya pero yakap yakap niya ang mga tuhod niya. Mukang malalim ang iniisip. Nagulqt nalang ako nang tumataas baba ang mga balikat niya. Humihikbi pala siya. Agad ko naman siyang nilapitan para aluhin

"Athena" pagpukaw ko sa kaniya.

Dali siyang yumakap sa akin nang makita niyang ako ang pinsan niya.

"Natatakot ako ate" pag amin niya sa akin. Para siyang bata na nawalan ng candy.

"Wag ka nang mag alala Athena kasi lilipat na raw tayo sabi ni Tito" pagpapatahan ko sa kaniya

"Totoo? Paano na ang work mo? Ang school ko?" nanghihinayang na tanong niya sa akin.

"Wag kang mag alala Athena. Hindi naman yata maghahanap si Tito ng Condo na 1 hour drive ang layo dba?" sagot ko sa tanong niya.

Nagtawanan na lang kami at maya maya pa ay bumaba kami para magluto ng pagkain namin.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain namin nang biglang bumukas ang pinto. Dahil sa gulat sabay pa kaming napatingin. Nagkatinginan na lang kami baho dahan dahan na tumayo.

"ATHENA! GRAY!" sigaw ng kung sino.

Mabilis kaming tumakbo papuntang living room ng makilala namin kung sino ang walanghiyang pumasok hahah

"DAD!!" sigaw ni Athena

Yeah it's Tito George. May pabigla bigla pang pagbukas ang bwesit. Haha pero joke lang. Malaki ang utang na loob ng pqmilya ko kay Tito George. Siya ang tumutulong kay mama sa pag aaral ko. Mula nang mamatay si papa siya na ang tumayong guardian kk dahil kinailangan ni mama na pumuntang Korea para magturo.

"How's my princess?" tanong niya kay Athena sabay halik sa ulo niya.

How I wish I could have him as my dad.
Namimiss ko na si papa. Kahit na may pagkaistrikto siya.

Dahan dahan akong umatras para bigyan sila ng time. Inayos ko na lang ang pinagkainan namin dahil alam ko namang hindi na kakain si Athena. Hinugasan ko lahat ng mga nagamit bago ako pumasok sa kwarto ko.

Pinicture ko muna ang kabuuan ng kwarto ko bago ko tinitigan. Maya maya ay inumpisahan ko nang iligpit ang mga gamit ko. Aalis na rin naman kami rito. Might as well uumpisahan ko nang mag empake.

Nilalagay ko sa boxes ang mga gamit ko nang may dahan dahang nag open ng pintuan.

"Gray" patanong na saad ni Tito. Malamang hinahanap ako.

"Bakit po tito" magalang kong tanong sa kaniya.

Ngumiti siya sa akin at magsasalita na sana pero nahulog ko yung mga gamit sa kamay ko.

"Sorry po. Nagliligpit na po kasi ako eh. Sabi mo po kasi aalis na kami 3 days from now" paliwanang ko naman sa kaniya.

"Okay lang. Sige ituloy mo lang baka mapaaga ang alis niyo" saad niya bago lumabas ng kwarto ko.

KIDNAPPED LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon