Hayys panibagong araw panibagong problema na naman.
Alas tres pa pero gising na ako. Usually 5 ako nagigising kasi 8 ang start ng class ni Athena and 8 din ang pasok ko.
Sa Hans Corp. ako nagtatrabaho as a programmer. Kasama ko si Drew. Originally nag apply ako as a secretary pero nang makita nila ang natapos ko they accepted me pero sa ibang position. Well atleast magagamit ko utak ko dito.
Inopen ko ang wifi and started to scroll down through my newsfeed. Andami kong nakikitang kung anu ano pero a picture nang biglang may nagchat. Binuksan ko ang message at nakitang si Jenna. Ito yung secretary sa Hans.
Jenna: Gray ilagay mo ito sa DaHans.
"DaHans will reveal the one behind it's success "
Me: Okay. Consider it done.
Jenna: You still awake?
Sigurado nagtataka na ito kung bakit ako gising. Usually kasi basta na lang siya magsesend ng gagawin ko at makikita ko at 5 or 4.
Me: Obviously yes. Nagising ako kanina lang.
Jenna: Okay. Do that right now.
Me: okay gtg.
Ako rin pala ang nakahawak sa lahat ng mga accounts nila online. Ginawa ko na ang sinabi ni Jenna. After few minutes and done.
Alas kwatro na pero gising pa ako. Napagpasyahan kong magjogging muna para magising ang aking sarili.
30 minutes jog is enough para magpalipas ng oras. Another minutes jog papuntang condo. 4:50 na nang marating ko ang condo.
Nagcheck ako sa mga comments about sa pinost ko kanina at talagang nagulantang ako sa nakita ko. Andaming nagsasabing matandang bansot ang may-ari ng DaHans.
Walang maykilala kung sino talaga ang may-ari ng DaHans. Pati nga kaming mga empleyado sa company hindi namin kilala.
Hindi ko na lang pinakialaman ang mga comments. Pagkakita ko ng oras ilang minuto na pala ang lumipas o kaya mas mabuting oras kasi 6:45 na.
Naghanda na ako ng almusal namin ni Athena. Sasabihin ko na talaga kay tito na kukuha ng maid.
Nakahanda na ako at lahat lahat pero hindi pa rin lumalabas si Athena kaya umakyat na ako sa kwarto. Nakita ko pa siyang kagigising kaya pinuntahan ko na.
"Morning ate" bati niya sa akin nang makita niya akong papalapit sa kaniya.
"Morning din. Halika ka na kain na tayo. Nakahanda ang almusal" sabi ko naman sa kaniya na ikinaningning ng mga mata niya. Bumaba na kami na magkahawak kamay.
Kung titingnan talaga sa mukha parang 20 na siya. Pero kung galaw at ugali ang basehan, parang 15 pa lang niya.
Kumain kami na masaya. Wala nang bumanggit tungkol sa nangyari kagabi. Kinalimutan na niya yata talaga. Niligpit ko naman ang pinagkainan at pinauna nang maligo si Athena. Sumunod naman akong umakyat sa kwarto ko nang mailigpit ko ang pinagkainan namin.
Gaya ng dati. Isang white long sleeve blouse at bluish white skirt ang gamit ko.
BINABASA MO ANG
KIDNAPPED LOVE
General FictionA story made by a first timer. Haha please bear with it.