I felt secured with my twin's promise. Kaya naman sa bawat pasko, bagong taon, at kaarawan ko ay hindi ko kinakalimutan na isama sa mga hiling ko ang mapakasalan si Chasty.
He's the man of my dreams. He's always been the one.
But things don't always go the way we like, the way we want. I always prayed for him. Siya ang taong pinapangarap ko. Siya ang taong dalangin ko. Pero mukhang malabo.
Nakikita ko siya lagi sa school kahit na malayo ang sa mga college. Lagi kong tinitignan kung may kasa-kasama ba siyang babae. Gladly, wala naman. Minsan ay naiirita na rin si Flores saakin dahil puro Chasty lang ang sinasabi ko.
Chasty here.
Chasty there.
Chasty is handsome.
Chasty is talented.
Chasty knows how to draw.
Chasty was elected as their Class President.
Chasty joined the photography club.
Chasty got multiple awards.
Chasty won.
Umikot ang mundo ko sakaniya. Alam ko rin na alam ng mga magulang ko na si Chasty ang gusto ko. Noon pa. Hindi ko rin binalak na itago ito. For what?
But that dinner ruined everything.
"If that's what you want, but please be aware that after you graduate college, we'll still push this through. This is for the company, afterall." his father said.
I agreed and that made him sit in his seat in this long table again. Nagpatuloy ang lahat sa pagkain but he's only staring at his food. I want to tell him to eat. Hindi na rin ako makakain kakatingin sakaniya. Dahil na rin sa bara sa lalamunan ko. Nag-angat siya ng tingin at nagtama ang aming mga mata. Umiwas nalang ako tingin at napayuko.
I can still feel his stare. Napa-inom ako ng tubig dahil sa kaba. Titig palang niya, kinakabahan na ako. Kabadong-kabado. Nagsitaasan rin ang balahibo ko.
Tumikhim ako at sinubukan na kumain ulit. Nag-angat ako ng tingin nang maramdaman na na kumakain na siya at tama nga ako. He's eating and he doesn't care about me. He's not even bothered with my stare. Walang epekto. Walang-wala.
That made my heart hurt pero ayos lang.
"Ingrid." ani Uranus. Napatingin ako sakaniya at nakita kong nakakunot ang noo nito saakin.
"Eat." he said plainly.
Natapos ang dinner na business ang pinag-usapan ng mga nakakatanda. Nanatiling tikom ang bibig ko at hindi na muling nagsalita hanggang sa makauwi kami.
"Ingrid, always remember my promise." Uranus said while were going upstairs. I just nod my head without looking at him.
I believe in him, in his promise. I just can't help but to feel lonely.
Madaling-araw na ngunit hindi pa rin ako makatulog kakaisip. Hindi ko alam kung kilala ba niya ako. Hindi ko alam kung nakita na ba niya ako. Hindi ko rin alam kung alam niya ba na labing-anim na taon na akong nabubuhay sa mundo.
Hindi niya ako binigyan ng pagkakataon na makilala siya.
Hindi niya binigyan ng pagkakataon ang sarili niya na makilala ako.
He refused. Immediately.
We both know that it will be a very long engagement. I'm just sixteen!
But he rejected the idea.
He rejected me.
Hindi pa kami nagsisimula pero tinapos na niya agad. We're just about to start. We're just about to know each other.
Ayos lang. Mahal ko parin naman siya. Maybe, I'll try to experience other things first. Maybe, I'll try to like other men first. Baka sakaling magbago ang nararamdaman ko. Because right now, it is only him.
BINABASA MO ANG
Only You (FLS#2)(ON-GOING)
General FictionVenus Ingrid Salvetrios. A very confident and intimidating girl. Whenever she does her signature move, crossed arms and rolled eyes, everybody would bow their heads. She's a very independent lady with overflowing confidence. Not even the prettiest o...