Hindi ako pumasok sa school ng dalawang araw. Nakakatakot ako na bigla niya akong kausapin at pagsabihan para kahit kailan ay hindi matuloy ang kasal.
As much as I want to talk to him, hindi pa handa ang bata kong puso. I'm just sixteen for fuck's sake!
Pumasok rin naman ako sa paaralan dahil kailangan. Wala naman magagawa kung patutuloy akong matatakot. And maybe I'm just overthinking. Hindi naman niya ako kakausapin.
Pagdating sa parking lot ay nabigla ako dahil yung anak ulit ng personal driver namin ni Venus ang naroon.
"Wala ulit si Mang Elios?" I asked him while sitting inside our car at the backseat, waiting for Uranus.
Saan kaya ulit nagpunta si Uranus? Ang tagal, magkaklase lang naman kami.
"Ako na po ang magiging personal driver niyo." sagot nito na hindi ko na pinagtuonan ng pansin.
"Ahh okay."
Dumating rin si Uranus at pauwi na kami when I suddenly craved for cheesecake.
"Uranus, may alam ka bang malapit na coffee shop or bakery? I want cheese cake."
Tinawanan ako ni Uranus at sinabing "Oh period mo ata. Cravings ka na naman."
"May alam po ako na coffee shop, kaso hindi madadaanan pauwi." the driver said.
"Hm okay na 'yon. Please don't say 'po' or 'opo'. You're obviously older than us." mataray na sabi ko. Nakakailang na sabihan ako ng po o opo dahil mas matanda siya saamin.
"S-sige." he said.
Tumigil kami sa isang coffee shop na ngayon ko lang nakita. Mukhang may multo pa banda rito. Ang tahimik.
On my side, I saw a very beautiful garden. Ang peaceful.
On Uranus' side is the coffee shop. Akmang bubuksan ko na ang pinto ng sasakyan nang pigilan ako ni Uranus.
"Why?" I asked him.
"Ako nalang ang bibili. Blueberry cheesecake?" he asked.
"Oo." I said shortly.
"Okay. Kuya pakideretso na po, pupuntahan ko nalang kayo mamaya." sabi ni Uranus sa driver at bumaba na.
Nagtataka man ay sinunod parin ng driver ang sinabi ni Uranus. Bakit ipapaderetso pa kung pwede naman na hintayin namin siya sa harap ng coffee shop?
Nang natanaw na nakapasok na si Uranus sa coffee shop ay bumaba rin ako para sundan ito. Alam kong may something. Kambal ko siya at kilalang-kilala ko ito. He doesn't act that way for nothing.
"Miss-"
"Wait here." ani ko sa driver at bumaba na. Hindi na ito nakaangal dahil patuloy ang paglalakad ko papuntang coffee shop.
Hindi pa man nakakapasok ay alam ko na ang dahilan kung bakit ganoon ang inakto ni Uranus.
Andito pala ang crush niya. I saw a picture of this girl in his phone one time. She's wearing a uniform. Oh? She works here?
Papasok na sana ako para tuksuhin si Uranus ngunit napatigil ako ng may lalaking umupo sa harap ng crush ni Uranus. Pwede palang idate muna bago magtrabaho? O baka naman break time? Nakita ko si Uranus mula sa loob dahil salamin naman ang pinto, he's staring at them seriously.
Selos panigurado si Uranus.
Tumingin ulit ako sa crush ni Venus at sa lalaking kasama nito. His back looks familiar. Tumayo ito at lumipat sa upuan na katabi sa crush ni Uranus.
He's smiling genuinely. Ang ganda ng ngiti niya.
Hindi lang pala si Uranus ang selos at nasaktan. Ako rin. She's with Chasty.
And Chasty... looks happy with her. Very opposite to what he feels when I'm around.
BINABASA MO ANG
Only You (FLS#2)(ON-GOING)
General FictionVenus Ingrid Salvetrios. A very confident and intimidating girl. Whenever she does her signature move, crossed arms and rolled eyes, everybody would bow their heads. She's a very independent lady with overflowing confidence. Not even the prettiest o...