01

422 14 0
                                    

Flawed.

We used to have imperfectly flawed but a happy family. My Fater is a hardworking and a responsible and my mother is a good wife,caring and a loving mother. Kahit abala sila parehas sa kani-kanilang trabaho ay naglalaan pa rin ng oras para sa aming magkakapatid.

Noon iyon. Noong mga panahon na kontento pa sila sa simple at masaya. Noong panahon na mahal pa nila ang isa't isa.

I always thought when I was a child that I will grow up with my parents. That I will look up to them and make their relationship as my standard. I thought that our family is the best example,that we symbolizes a simple,contented and happy family.

But everything happened unexpectedly.

The family I used to admire got broken,that the couple I used to look up made mistake that cause my first heartbreak.

It's all started when my mother decided to leave for work, everything has changed. Ang paalam niya lang noon ay magta-trabaho sa ibang bansa bilang caregiver. But years had passed and she didn't come back.

Kahit pasko at ano mang espesyal na okasyon sa buhay namin ay hindi na siya umuuwi kahit isang beses. I was just seven when she left us,wala akong ideya kung ano ang nangyayari sa amin. Hindi ko pa naiintindihan iyon noon.

Dahil sa murang isipan, palagi akong nagtatanong kung nasaan si Mama. I always longed for her presence and care. Palagi akong naghahanap at nangungulila sa kalinga ng isang ina. But kuya keep on telling me na dapat hindi ko hinahanap ang mga taong umaalis na sa buhay namin.

Hindi ko 'yon naintindihan noong una dahil ang paniniwala ko dapat kapiling ng mga anak ang mga magulang lalo na ang mga ina. Pero dahil ayaw kong nagagalit o naiinis si kuya,simula noong napag-sabihan niya ako ay hindi na ako nagtatanong.

Hanggang sa nasanay nalang ako na wala siya. Hanggang sa hindi ko na hinahanap ang presensya niya. Naging kuntento na ako na si Papa at kuya nalang ang kasama.

I was in my last year in elementary,when I got home and welcomed by my brother and father fighting. I never heard them fight, it was the first time at alam kong seryoso nga ang pinag-aawayan.

Pumasok ako ng bahay at nagmano kay Papa kahit pa nalilito ako sa nangyayari. Nanlilisik na ang mata ni kuya sa kanya.

"Papa!?" Nagtatanong kong saad. Nakita kong kinuha niya ang itim na maleta na hindi ko man lang napansin kanina.

"Saan ka pupunta,Pa?"nanginginig kong tanong.

"Syn,magta-trabaho lang si Papa." He said carefully.

Kumunot ang noo ko dahil may trabaho naman siya dito sa munsipyo. And it was a dejavu for me,same words and same excuses my mother told us.

It was like a bomb to hear that word.Nagsimula na akong kabahan dahil doon.

"Ayaw mo na po ba sa trabaho mo? Pagod kana magtrabaho doon,papa?" Umiling siya at ngumiti ng tipid.

May lungkot sa kanyang mga mata, dahil na rin siguro aalis nga siya.

"I'm sorry,anak." Niyakap niya ako at bumulong.

"Saan ka po magta-trabaho? Pwede naman kami dumalaw ni kuya doon,hindi ba po?

Parang umulit  lang iyong nangyari na ito noon.

Hindi ko alam kung bakit pero may tumulong luha sa mga mata ko. It feels like he is saying goodbye to me. Babalik naman siya,'di ba? Babalikan niya kami. Hindi siya gagaya kay mama,hindi niya kami iiwan.

"Sa malayo,anak." Ngumiti lang siya ng mapait sa akin. Ako naman ay mas nangibabaw ang kaba dahil pakiiramdam ko may mali sa pag-alis ni Papa.

Binalingan niya ng tingin ang kapatid ko na ngayon ay nanlilisik parin ang mga mata sa galit.

Memories of Infinity and Beyond (Montero Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon