Miss Congeniality. Iyan palagi ang unang award na nakukuha ko tuwing may pageant. I am always friendly and pleasant to my co-candidates. Kahit naman sa school ay marami akong kaibigan, hindi man masyadong close pero sinisiguro kong napapansin ko sila sa tuwing nadadaanan.
Most of my classmate since high school called me that too. Pero may mga kaklse pa rin akong ang tingin sa akin ay strikta at maldita. Siguro nga, kasi friendly lang naman ako sa mga taong nakikitaan ko ng interes maging kaibigan ako. At tsaka mabait din ako sa mga taong mababait sa akin.
Hindi kasi ako yung tipo ng tao na makikipag plastikan sa'yo. I am blunt and honest, kaya kung mao-offend ka sa pagiging prangka ko. Problema mo na iyon.
Ayaw ko rin na kinakaawaan ako ng iba, my brother didn't raised me like that. I never let myself look like a pity one too. Hindi naman talaga ako nakakaawa, at hindi ibig sabihin na wala na kaming mga magulang na kasama ay kawawa na kami. Mas kawawa yung kompleto nga ang pamilya pero hindi naman sila masaya.
"Hoy!?"
"Yawa!?" Sigaw ko,nagtinginan tuloy ang ibang estudyante sa akin. Kaya napayuko ako dahil sa hiya. "Bakit kaba nanggugulat!?" Kinurot ko si Ysa sa tagiliran niya.
"Sa cafeteria tayo kumain, hayaan mo muna ang mga engkanto mong jowa sa acacia." Natatawa niyang saad.
"Walang engkanto sa tambayan ko 'no." I rolled my eyes bago nagpatuloy sa paglalakad.
Sa cafeteria ko naman talaga balak kumain ngayon dahil wala akong baon.
"Wala kang baon?" Umiling ako.
Nang makarating kami sa cafeteria ay inilibot ko ang aking paningin. Magkalapit lang kasi ang BSED at BSBA dito kaya mahirap nang makasalubong ko ang mukong na 'yon.
"Order na tayo?" Tumango ako at sumunod na sa pila.
"Isang serve po ng pork adobo at tatlong kanin."
Narinig kong suminghap ang katabi ko, inirapan ko lang si Ysa. Akala mo naman unang pagkakataon na makasama ko siyang kumain.
"Gutom na gutom,bes?" Nang aasar niyang tanong.
"Oa mo, ganito naman ako kumain,ah." Sagot ko bago umusad para magbayad. "Isa din pong pepsi in can." Ngumiti ako sa cashier bago nagbigay ng bayad.
"Ang seba mong kumain pero di ka tumataba, unta tanan." Hinampas ko siya sa braso dahil sa sinabi niya. Anong maseba? Di ba pweding sanay lang kumain ng kanin? Tsk!
"Ikaw nga, nagdi-diet pero 'di naman napayat,nagreklamo ba ako?" Balik kong asar kaya napasimangot siya. Natawa ako doon. Edi sapol ka!
"Usad na, lintek ka!?"
Hanggang sa makabalik sa lamesang pinag iwanan namin ng bag ay tumatawa parin ako. Natigil lng nang may naglapag ng backpack sa harapan ko. Pag angat ko ng tingin ay agad akong napasimangot.
"Dito ako uupo." Hindi iyon tanong,desiyon lang talaga siya. Nakangisi pa.
Inirapan ko siya at inasikaso na ang pagkain ko. Wala akong pakialam kung diyan siya umupo,hindi ko naman pag mamay ari ang cafeteria. Basta tumahimik lang siya ay magiging mapayapa ang tanghalian ko.
Iniwan niya ang kanyang bag at umalis patungong counter. Panay naman ang ngisi ni Ysa ng madatnan ang bag sa harapan. Nang aasar siya. Akala mo naman talaga nakakatuwa.
"Hindi mo naman sinabi na may isa ka pang kasama mananghalian,Syneca." Inirapan ko siya at hindi na pinansin. Nagpatuloy ako sa pagkain ko dahil medyo gutom.
Nang makabalik si Montero ay tahimik lang din itong kumain. Ngunit napapansin ko ang minsan niyang pagbaling ng tingin sa akin. I don't mind him, basta kakain ako.
BINABASA MO ANG
Memories of Infinity and Beyond (Montero Series 1)
RomanceGrowing up being in a broken family,it is hard for Syneca Ferrer to believe in love. Her parents proved that happy ending doesn't exist. Sa murang edad pa lang ay nasaksihan na niya kung paano nasira ang pamilya niya dahil sa mababaw na pagmamahala...