05

202 5 0
                                    

Nang sumunod na mga araw sa tuwing nakakasalubong ko ang grupo ni Josephine ay iniirapan nila ako. Ang sarap sanang tusukin ng mga mata nila at sarap lukumusin ang mapupula nilang labi. Pero pinigilan ko nalang ang aking sarili.

Binabalewala ko nalang iyon dahil hindi rin naman nakakadagdag sa ganda nila. Mas lalo lang silang nagmumukhang desperada.

Kumalat kaagad sa SVC ang mga pinagsisigaw ni Jesse sa gym noong nakaraan. Kaya ang lagay tuloy, tingin ng iba may gusto ako kay Montero. Our school is not that big, at dahil nasa probinsya nga kami ay halos magkakakilala ang mga tao.

Ayaw ko man ng ganoon ay wala na akong magagawa pa. Minsan ko na rin naririnig ang ibang estudyante na nagbubulungan tungkol sa akin.

But their opinions really doesn't matter to me.

May naririnig pa akong baka sakaling siya ang sasagutin ko dahil mayaman. May nagsasabi pa na kung sakaling maging kami nga raw ni Montero ay tataas pa ang posisyon ng kuya ko sa resort.

Well, if ever my brother will be promoted,deserve niya naman 'yon. Ayaw ko lang kasi na pati siya ay nadadamay sa kung ano man ang iniisip ng ibang tao sa akin.

I don't want to explain myself . I really hate it .

Hindi rin ako iyong tipo na kailangan magpaliwanag sa iba kung ano man ang nararamdaman ko. Lumaki akong hindi sanay na sinasabi ang ano mang nararamdaman sa ibang tao. I am not shy, I know how to mingle with other people, but my trust and attention is hard to achieve. Ang hirap din kasing paniwalaan ng mga bagay na sa una lang totoo,mabibigo ka lang sa huli dahil hindi naman pala.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating sa room. Buong klase ay occupied ang pag-iisip ko sa mga narinig sa paligid. Dahil kahit ibang kaklase ko ay iba ang pinupukol na tingin sa akin. Noon pa man wala talaga akong pakialam pero ngayon kasi dinadamay nila ang inosente kong kapatid.

People and their useless judgement.

"Anong nangyari?"nag-aalalang tanong ni Ysa habang nakaupo kami sa kiosk. Umiling ako dahil wala akong balak na pag-usapan pa.

Pinagpatuloy ko nalang ang pagsusulat sa manila paper para sa report ko bukas. Natahimik na rin naman siya at nagbasa na rin. Kailangan kong ibaling sa iba ang pag-iisip ko.

"Hindi ko maintindihan itong isang topic sa Oral recitation,Syn. Paano 'to?" Tinignan ko naman ang tinutukoy niya at pinaliwanag sa kanya kung paano iyon.

"May visual aid kana para sa presentation natin?" Tanong ko sa kanya dahil mas mukhang abala pa siya kakasuporta sa boyfriend niya.

"Hindi ko pa tapos pero may naumpisahan naman na." Nakangiti niyang sabi.

"Wow! Sana all marunong mag balance ng time sa school at lovelife, 'no?" Pang aasar ko pero akala ko maasar pero mas lalo lang lumapad ang ngiti niya kaya naman napa irap ako.

Natapos ang buong araw ko na produktibo naman kahit papaano. Sabay kaming lumabas ni Ysa sa gate ng school, pero dahil hindi parehas ang daanan namin ay naghiwalay din kami. Nauna siyang nakasakay ng tricycle,samantalang ako ay hirap pa dahil mas dumami ang estudyante.

Kaya napagpasyahan ko nalang na maghintay nalang muna sa isang waiting shed katabi ng guardhouse. Ayaw ko naman makipagsiksikan kaya mamaya nalang ako uuwi.

I decided to scroll on my social media accounts, minsan lang ako active dito lalo pa't medyo abala nga sa klase. Agad ko namang binisita ang account ng natatangi kong idolo. A small smile crept on my lips when I saw his latest post on instagram. Ganito lang palagi ang ginagawa ko, tinitingnan ko ang mga posts niya sabay screenshot at save sa gallery ko.

Memories of Infinity and Beyond (Montero Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon