10

178 7 0
                                    


"Goodluck bukas sa talent's night,Syn. Manonood din kami sa pageant na."

Ngumiti ako at nagpasalamat sa mga kaklase bago lumabas ng classrom.

Bukas na ang talent's night at sa resort ito gaganapin. Naexcite ako at medyo kabado. Alam ko naman makakaya kong mag-perform, ang ayaw ko lang ay okupado parin ang pag-iisip ko ng isang tao.

My week became hectic, ang dami kong ginagawang school works at pagdating sa bahay ay nag-eensayo pa ako sa talent ko. Gumawa rin ako ng isa ko pang research dahil sa susunod na linggo na ang pasahan nito.

Gusto kong maiyak na naman dahil sumasakit na ang ulo ko sa mga gawain ko. Pero ginusto ko ito at kailangan kong kayanin para sa sarili ko.

Bukas ang talent's night at sa susunod na araw naman ang mismong pageant. Maaga ang uwian namin ngayon at ngayon ko rin gagawin ang final rehearsal ko. Manonood rin sila ate Bethany,kuya at Ysa sa akin. Hindi na kami papasok ni Ysa bukas dahil hapon magsisimula ang program. She will help me with my props and clothes. Siya din ang mag-aayos ng music ko sa operator kaya mas pinili niyang lumiban narin sa klase.

At dahil sa bahay matutulog si Ysa ay kailangan ko pa muna siyang samahan sa gym upang suportahan ang kasintahan niya. Ayaw ko naman sana ngunit may kung ano sa loob ko ang nagtulak sa akin na samahan siya.

May iba pa akong schoolmates na kilala ang nagbigay ng 'goodluck' nila sa akin ng madaanan ko sila. Marami rin ang nasgsasabi na susuportahan ako bukas at sa susunod na araw dahil gusto nila akong manalo. Nakakatuwa lang isipin at nakakadagdag confidence na maraming nag-aabang at sumusuporta. Kaya naman panay ang tukso ni Ysa sa akin na sure na raw na ako ang mananalo.

"Tumigil ka nga! Baka ma jinx,hoy." Natatawa kong saway sa kanya.

"Sus! Kung mga Josephine lang naman ang kalaban mo, sure win na yan mare. Hindi nga makasagot sa 'why did you chose this course?' Hanggang because lang,e. Iyon pa kayang pang beauty queen na tanong?" Natatawa rin siya sa pinagsasabi niya.

Napailing nalang ako at hinila nalang siya papasok ng gym. Number one basher siya ni Josephine kaya hinayaan ko nalang. Rinig na rinig namin ang ingay ng mga  sapatos at bola sa court. Tumingin ako doon at hinanap kaagad ang lalaking isang linggo ko nang hindi nasisilayan.

He is the one who's holding the ball,he half run near the ring and shoot it. Walang mintis 'yon kaya naman sumigaw ang katabi ko. Mabuti nalang at madami rin ang kasabayan niyang sumigaw kaya mas napabaling ang atensyon ni Hymier doon.

He just gave the crowd a salute and and bow his head a little,he even give a flying kiss with his beautiful smile.

The other team called for time out, kaya naman umupo na sila sa bench. I saw how the girls near the team giggled. May nag-abot rin ng bottled water at towel sa kanyang babae kaya agad akong napaiwas ng tingin doon. May nagbabara sa aking lalamunan na siyang nagpatigil ng paghinga.

I saw how Josephine's piercing eyes looking to the girl.

"Hindi na sumasabay si Hymier sa atin,nag-away kayo?"

I cleared my throat. Nakalimutan ko palang sabihin sa kanya ang kumprontasyon ko kay Hymier noong nakaraang linggo. Kung sa ibang pagkakataon lang kami ay hindi ako makakaramdam ng ganito. Sigurado akong masasagot ko siya kaagad. Pero hindi ko kayang magkwento sa kanya,gusto ko nalang sarilinin muna.

Natapos ang laro nila na wala ako sa isip ko, I never bother to cheer them up eveytime they shoot the ball. Tumayo na ako at nauna ng bumaba at lumabas ng gym na pagkatapos ng laro.

Kinabukasan ay late na kaming nagising dahil sa ilang ulit na ensayo ang ginawa ko. I did my dress rehearsal last night and I am happy because  I saw how satisfied they are with my performance.

Memories of Infinity and Beyond (Montero Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon