part 4

4 1 0
                                    

Requirment.

Binigyan kami ng gaurd ng req na kakailanganin at laking manghan ko wala nga pala akong pasport. Kaya di rin ako nakapag apply.

Ano ginawa nyo don sa agency. Tanong ng mga kasamahan ko.

Nagtanong lang ng requirment kaso hindi pala ako maari dahil wala akong pasport. Tugon ko

Madali lang kumuha ng pasport mag patulong ka kay sir mike mukha naman malakas ka don biro ni gie saakin.

Naicip ko kong ako makakapunta ng ibang bansa malaki na ang maipapadla ko saking mga magulang at makakapag aral ang aking kapatid na bunso.

Nagtanong ako kay gie kong san ang DFA upang makakuha ng passport..at agad akong pumunta ng rest day ko..

Ang haba ng pila sa DFA inabot na ako ng trafik bago nakauwi sa bahay ng aking tiya sa caloocan.

Malaki ang bahay aking tiya dahil nakapangasaw siya ng foriegner. sinaunang bahay yari sa mamahaling kahoy at may mga kagamitan silang mamahalin at mga painting ng aking mga pinsan. tapos na din lahat sa kolihiyo ang mga anak ni tiya ana.

Dian saan ka galing gabi ka ng nakauwi tanong ni tiya ana. Halos kakarating lang galing opisina.

Galing po tiya sa dfa kumuha ng passport nais ko po sanang mag apply ng DH sa ibang bansa upang makatulong kina inay sa pag papaaral sa kapatid kong bunso.

Bakit di mo nalang muna ipag patuloy ang pag aaral mo. Tanong ng aking tiys.

Wala po akong pambayad sa matrikula at nais ko po makatulong kina inay at tatay..

Ako na ang magpapa aral sayo at mag resign ka na diyan sa trabaho mo. Sa darating na pasukan mag eenrol ka tumawag si precy tutulungan ka daw niya na makapag aral. Sabi ni tiya ana.

Tiya nais ko po talaga mag aral ngunit paano po sina inay kong titigil po ako saaking trabaho. Tugon ko.

Pumasok ako ng wala sa sarili at iniicip ko pa rin ang alok saakin ni tiya ana. Dahilan upang lagi akong tulala.

Dian ano ba kanina ka pa wala sa sarili mo. Kakain ka ba o hindi. Parang naiinis n sabi ni kiven..

Sabay kami lagi mag breaktime ni kiven. Naging malapit kami sa isat isa. Hanggang sa dumating si sir mike saamin kinakainan canteen. May kasamang babae.

Hi sir bati ni kiven.. ngunit ako ay hindi makatingen sapagkat may naramdaman akong galit o pagkakainis don sa babae na nakapulupot sa kanyang braso.

O andiyan pala kayo breaktime nyo. Tugon n sir mike.

Opo sir. Tugon ni kiven.

Oo nga pala ito ang pala ang ate ko. Si atty prenses jamaica mendoza.. pakilala ni sir mike.

Magandang hapon po. Bati namin pareho ni kiven..

Ngumiti lang siya at niyaya na agad si sir mike na umalis at parang nag mamadali na halos kakarating lang.

Ate kakain pa tayo akala ko ba gutom kana.

Okey bilisan mo at may apointment pa ako.. tugon ng ate nya..

Nakakamangha ang kagandahan ni atty ano. Biruin mo isa yan sa may ari ng pinakamalking constraction firm dito sa manila. Sabi ni kevin.

Bakit mendoza ang apelyido niya at hindi hedalgo katulad ni sir mike. Tugon ko.

Sige maya kwento ko sayo kong bakit bilisan natin kumain at baka malate pa tayo.

Petals.. (Series #2)Where stories live. Discover now