Ako ang na sorpresa.
Mike maari ba tayong mag usap. Tanong ko.
Agad akong tumayo at pumunta ng kwarto upang don ko kauspin si mike
Okey hon.. excuse muna tin. Sabi ni mike sa mga kaharap.
Bakit mo. Ginagawa ang lahat ng ito. Diba sabi mo punta ka ng US at bigla ka nalang na walang paramdam.tapos ngayon narito ka lang pala. At itong bahay sayo na pala ito ng hindi ko manlang nalalaman. Pag tatanong ko na halos matunaw ako sa kahihiyan sa kaharap ko.
Hon diba sabi ko. Hihintayin kita at nangako ka na pakakasalan mo ako pagkatapos mo ng koliheyo. Kaya pinabayaan muna kita at pinanghawakan. Ko ang lahat ng sinabi mo. Nagkataon na wala ng magagawa paraan sina tatay at maiilit ito ng bangko kaya mas. Minabuti kong bilhin kesa mapunta pa sa iba. Hindi ito akin.. saatin ito. Nakalagay din ang pangalan mo sa titulo ng lupang ito. Paliwanag ni mike.
Hindi ako halos makapaniwala saaking mga narineg. Ako pa pala ang nasorpresa ang boong akala ko ay barong barong pa din ang aking dadatnan ngunit ang dating barong barong ay isang malaki at malawak na bahay na at may mga kagamitan na yari sa narra. Nakakamangha sapagkat wala kaming kakayahan na bumili ng ganun. Ang aking kwarto ay isang master bedroon kong saan may malawak na kama at mga kagamitan na mamahalin..
Lumapit saakin si mike. At akmang hahalikan ako bigla akong napaurong sapagkat natatakot ako sa koryente niya na dumadaloy sa katawan ko habang hinahawakan niya ako..ngunit. huli na ng umatras ako ay napahiga ako sa kama na dahan dahan naman siyang lumapit saakin.at hinalikan niya ako. Ngunit naalala ko na nasa labas ng salas nag hihintay sila tatay at inay kaya naitulak ko agad si mike.
Tayo na sa labas nag hihintay na sila.. pakasalan mo muna ako bago ang lahat ng nais mo magagawa mo. Pabiro kong sinabi sa kanya.
Tin..sory sa inasal ko kaya halos iyak ako ng iyak dahil sa kuya mo halos anim na buwan hindi nag paramdam yon pala ay narito lang saamin sabay kurit ko sa baywang ni mike.
O pano ang usapan kelan ang kasal.
Tanong ni itay.Nagkatingenan kami ni mike.
Mag uusap pa po kami ni mike tay. Tugon ko.Namasyal kami ni mike sa bayan halos 5 taon din ako na hindi nakapamasyal sa bayan kaya nais ko muli makapasyal sa park si tin naman ay pumunta na sa kabilang bayan upang asikasuhin ang trabaho ni mike.
Hon nagustuhan mo ba ang ginawa ko. Tanong ni mike saakin
Oo. Sobra lang ako nagulat at hindi ko akalain na magagawa mo ito saakin. Sagot ko.
Nais ko sanang makasal tayo sa lalong madaling panahon. Pakiusap ni mike.
Hindi mo pa nga ako pinapakilala sa iba mong mga kapatid at tunay mong magulang tapos kasal agad. Nais ko muna silang makilala tugon ko.
May kong anong dilim sa mukha ni mike na halos naiintindhan ko kong bakit ganun ang reaksyon nito.
Mike. Tinangap mo ang pamilya ko ng boong boo kong kaya nais ko silang tanggapin kahit ano mangyari at kahit umayaw pa sila saakin ang mahalaga nag mamahalan tayo tugon ko kay mke.
![](https://img.wattpad.com/cover/227471265-288-k291911.jpg)