Pagpaplano.
May dumating dito babae girl friend mo daw mike at pinangakong papakasalan. Bakit ang anak ko ang papakasalan mo gayong ikaw pala ay ikakasal na nais ko marineg ang iyong panig bago kami lumisan ng iyong inay dito. Don muna kami mag lalagi sa bakante kubo namin sa bukid. Hindi ko matangap ang mga sinabi ng babae na pera lamang ang habol saiyo ng anak. Dian,, ngayon mo sabihin saamin ng iyong inay kong san kami nag kamali ng pagpapalaki saiyo bakit nagka ganun anak.hindi mahalaga ang pera madali mo ito kitain kapag masipag ka. Sabi ni tatay na halos hindi na kami makAsagot dahil derederetso ang salita niya. At hindi maipagkaila ang nangingilid na luha ni tatay na dumurog saaking pag katao.
Mike kaya ko tiisin lahat ng mga sinasabi nila. Dahil alam ko sa sarili ko na hindi totoo lahat ng bibentang nila. Ngunit ibang usapan na kapag magulang ko ang iadadamay nila hindi ko kaya mike hindi pa man tayo kasal nasasaktan na sila.. sabi ko kay mike na walang tigil ang aking pag luha.
Tay..nay,, hindi po lahat totoo ang mga sinanbi ni engr lyka.. narineg po lahat ni Dian ang mga pinag usapan namin kanina. Wala po aalis at ito po sainyo nakapangalan lang saamin ni Dian upang hindi mag habol ang mga kapatid ni Dian at kaya po binayaran ko ng tama ang inyong lupa.. pakiusap ni mike.
Ngunit pano mo maayos kong may babae kang nasasaktan. Hindi ko nais pumasok ang anak ko sa isang sitwasyon na magulo. Ulit ni tatay.
Wag po kayo mag alala aayusin ko po ang lahat ng ito. Kong aalis po kayo ako nalang po aalis at ito po ay sainyo..maganda po ang aking hangarin sainyo anak at mahal na mahal ko po si Dian siya lang po ang naging girlfriend ko at minahal ng ganito.Nais ko po na makasal kami sa lalong madaling panahon. Pakiusap ni mike.
Kong iyan nag iyong nais. Kayo ang bahala at naway wag ng mauulit ang pag sugod dito ng babae na sinasabi na ppakasalan mo. Sabi ni tatay.
Pumunta kami ng munsipyo upang lakarin ang aming lisensya ng kasal..ngunit di ko inaasahan na kilala pala si mike sa munisipyo..
O engr..kumusta na. Ano atin. Bati ni mayor.
Nais ko po sana mag ayos ng lisensya ng kasal namin.. tugon n mike.
Ah walang problema kelan mo ba nais makasal. Ang ibig bang sabihin dito kana maninirahan. Sabi ng mayor..
Opo..dito na. Sagot ni mike
Hindi kami nahirapan mag ayos ng mga dapat namin ayusin. Agad kami nakapag pa schedule ng kasal namin sa susunod na buwan.
Dba parang ang bilis nmn hindi pa ok sa mommy mo. Pano ang daddy mo tanong ko ki mike.
Nasa tamang edad na ako maiintindhan na nila kong bakit ganito ang naging desesyon ko. Ang mahalaga saakin ngaun ay makasama ka bumoo tau ng isang masayang pamilya.
Lahat ng mga kailangan ay kami dlawa ni mike ang nag asikaso sapagkat nais namin ang aming kasal ay maayos. Saamin bahay lang reception upang lahat ng mga kamag anak ko ay makapunta yong mga kamag anak ni mike mga ilang lang at hindi pa cigurado.