Hestia's P.O.V.
8 years ago...
"Mama lumaban po kayo, wag nyo po kong iwan." Pagmamakaawa ko sa mama ko na nagaagaw buhay dahil sa malubhang sakit na kahit sinong magaling na doctor ay hindi sya mapagaling.
"Wag ka ng umiyak, palagi lang akong nasa tabi mo." Sabi ni mama pero patuloy pa rin ako sa pagiyak. Lumaki akong walang kinilalang ama. Palagi kong tinatanong si mama kung nasan ang papa ko pero palagi nya ring sinasabi na hindi ko na kailangan pang malaman kung sino ang ama ko o di kaya sa tamang panahon makikilala ko rin sya.
"Di ba gustong gusto mong makilala ang papa mo?." Nakangiting saad ni mama kahit hirap na hirap na sya pinipilit pa rin nyang magsalita.
"O-opo para mabuo na po tayo." Nauutal kong sagot. Matagal ko ng pinapangarap ang magkasama kaming tatlo pero mukhang malabo na ang lahat ng yon.
"Puntahan mo ang tito Fred mo at matutulungan ka nyang hanapin ang papa mo, kapag nakita mo na ang papa mo ipakita mo ang kwintas na ito para makilala ka nya." Inalis ni mama ang kwintas na nakasuot sa leeg nya at ibinigay sa akin. Isang kwintas na may pendant na kulay pulang paru-paro.
"O-Opo Ma pero-" Napatigil ako sa pagsasalita ng makita ko ang mukha ni mama na sobrang putla.
Pinakinggan ko rin ang tibok ng puso nya pero wala na akong naririnig. Nagsimula na namang pumatak ang mga luha ko at sigaw ng sigaw ng mama.
Nagsimula ding sumakit ng sobra ang balikat ko na lalong nagpaiyak sakin. Napnsin kong nagliliwanag din ang kwintas na hawak ko, agad ding dumating si tito Fred at tinulungan ako.
●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●
"Tito nasa tamang edad na po ako kaya pwede po bang hanapin na natin si papa?. Gurang na yon bago ko pa makita." Reklamo ko kay tito Fred habang umiinom sya ng kape. Ilang taon akong naghintay sa pagkakataon na to' tapos hindi na naman ako papayagan ni tito na umalis magisa.
"Sabi nyo kase kapag 18 na ko pwede na natin syang hanapin." Dagdag ko pa pero parang hindi nya ako naririnig.
"Aalis na-" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng biglang magsalita si tito.
"Hindi na kita masasamahan dahil matanda na ako at hindi ko alam kung kakayanin ko pang pumunta sa lugar na iyon." Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi ni tito.
"Niloloko nyo ba ko tito?, sabi nyo-"
"Sasamahan ka ng anak kong si Felix sa paghahanap sa papa mo." Mahinahong sabi ni tito. Nakahinga naman ako ng maluwag. Akala ko kasi mauuwi sa wala ang paghihintay ko.
"Pwede na kayong umalis mamayang gabi." Wahhh.... mamayang gabi na agad?. Can't wait.
"Talaga po?!. Malapit lang po ba ang bahay na tinutuluyan ni papa?." Excited na tanong ko.
"Edi sana pinapunta na kita dati pa kung malapit lang ang bahay nya." Napakamot naman ako sa ulo dahil sa pagkapahiya.
"Sige tito, magaayos lang ako ng mga gamit na dadalhin ko, mukhang malayo yung pupuntahan namin e." Nagmadali na akong pumunta sa kwarto ko at nagayos ng mga gamit.
Ilang oras na lang kasi at maggagabi na. Nang matapos ay lumabas muna ako ng kwarto para magpahangin sa labas. Napansin kong nakaawang ang pinto ng library at nakita ko si Felix na parang tangang kumukumpas sa hangin. Hindi ko na sya pinansin at nagpatuloy na ko sa paglabas.
Si tito na ang kumopkop sakin simula ng maiwan akong magisa. Si Felix lang din ang naging kaibigan ko simula noon, palagi syang nandyan para makipaglaro sakin at pasayahin ako sa tuwing naaalala ko ang pagkawala ng mahal kong mama.
Bigla namang kumati ang balikat ko kung nasan ang birthmark ko daw. Palagi na lang tong nangangati kapag lumalabas ang buwan at lalong makati tuwing fullmoon pero naalala ko nung bata ako sumakit to' ng sobrang sakit na hindi ko kinaya.
"Hestia..."
Napalingon naman ako sa likudan ko dahil narinig ko ang boses ni Felix.
"Bakit?, may problema ba?." Tanong ko. Pinsan ko si Felix pero aaminin ko na may crush ako sa kanya, alam kong bawal kaya hindi ko sinasabi sa kanya ang tungkol dito.
"Aalis na tayo. Medyo napaaga dahil natapos ko na ang kailangan kong tapusin kaya maaari na tayong umalis." Nauna ng maglakad si Felix kaya sumunod na ako sa kanya. Kinuha ko rin ang mga gamit na dadalhin ko, hindi naman yon karamihan.
"Aalis na po kami." Pagpapaalam ni Felix kay Tito Fred, nagbeso naman ako bago kami sumakay sa kotse.
"Halatang excited na excited ka ng makita si tito ah." Kumunot naman ang noo ko sa sinabi ni Felix.
"Nakita mo na ang papa ko?. Takang tanong ko pero nginitian lang ako ng loko.
"Oo naman kaso medyo matagal na rin yun kaya hindi ko na alam ang itsura nya, siguro wala pa ring nagbabago sa itsura nya."
"Anong wala?, ilang taon na ang nakakalipas imposible namang walang nagbago sa itsura nya." Kotra ko sa sinabi ni Felix tungkol sa itsura ni papa. Imposible naman talaga na walang magbago sa itsura ni papa no'..
"Basta malalaman mo rin kung bakit ganito ang mga pinagsasasabi ko sayo Hestia." Hindi na ako sumagot dahil alam kong wala rin namang patutunguhan ang usapang ito, malalaman ko rin naman yon kapag nakita ko na si papa.
"Sumasakit pa rin ba yang balikat mo?." Tanong naman ni Felix na nakatingin pa rin sa daan. Huminga ako ng malalin bago sumagot.
"Kagaya pa rin ng dati." Matipid na sagot ko.
"Yung papa mo-" hindi ko na pinatapos sa pagsasalita si Felix.
"Wag ka munang maingay, inaantok ako kaya tutulog muna ako sandali." Nakapikit na sabi ko kay Felix. Hindi ko na sya narinig na nagsalita kaya natulog na ako, sana paggising ko nandon na kami.
Napapaidlip na ako ng biglang buhayin ni Felix ang radio.
"Ano ka ba!." Hinapas ko ang kamag nyang nasa radio.
"Yan nawala na tuloy yung antok ko." Inis na sabi ko at inirapan sya.
"Akala ko bawal lang magsalita hindi magsound trip..." baluktot na dahilan ng loko.
"Hayysttt bahala ka.." hindi na ako inantok kaya ako na lang ang pumili ng music. Kainis naman e.
BINABASA MO ANG
The Vampire's Daughter
Fantasy"It was an accident, i didn't mean it and now i'll pay the prize."