Hestia’s POV
Agad akong niyakap ni papa nang makabalik kami ni Felix. Labis ang tuwa na kanyang naramdaman ng muli nya akong makita at ganoon din ako. Ilang buwan akong wala sa sarili pero hindi ako nagsisisi dahil naibalik ko sa dati ang Haleria ngunit hindi ang mga buhay ng naninirahan doon. Muli kong pinatubo ang mga halaman pati na ang pagpaparami ng hayop at yon lang ang kaya kong kontrolin.
Habang nakaupo ako sa sala at naghihintay kay Felix pati na rin kay papa ay biglang sumikip ang dibdib ko. Mariin akong napapikit at bumungad sakin ang isang napakagandang lugar ngunit nagmulat ako kaagad ng mga mata dahil tinawag ako ni Felix, ilang sandali lang yon at muli akong napapikit dahil sa sakit na aking nararamdaman.
“Hestia ayos ka lang ba?.” Tanong ni Felix na hindi ko magawang sagutin.
“Hestia..” Isang malamig na tinig ang naririnig ko, hindi iyon galing kay Felix kundi kay mitera?. Agad ko syang hinanap sa magandang lugar at natagpuan ko syang nakahiga sa damuhan at namamahinga.
“Mitera?” patanong na tawag ko sa kanya at agad naman nya akong nilingon. Mabilis akong tumakbo at agad syang niyakap ng mahigpit.
“Sa wakas nayakap na ulit kita.. Hestia.”
Ilang minuto pang nagtagal ang yakapan naming dalawa. Kumalas na ako ng makuntento na sa yakap nya.“Mitera tayo na, umalis na tayo rito. Pumunta na tayo sa mansion.. sumama ka na sa amin ni papa.” Saad ko. Hinawakan ni mitera ang magkabilang pisngi ko at marahang hinimas himas iyon.
“Hindi ko maaaring iwan ang kapatid mo dito Hestia.. sigurado akong malulungkot sya.” Naguluhan naman ako sa sinabi ni mitera. Wala akong kapatid at nag-iisa lamang akong anak ni papa. Hindi kaya..
Nanlaki ang mga mata ko sa aking napagtanto. Isang batang lalaki ang nagpakita sa amin. Agad akong tumayo at lumapit sa kanya, malapit na ako sa kanya ng biglang maglaho ang lahat sa paningin ko.Naging madilim ang paligid. Ipinikit ko ang aking mga mata at agad ding iminulat iyon, bumungad sakin ang mukha ni papa pati na rin ni Felix.
“Mitera?!” Agad akong napaupo ng bumalik sa isip ko si mitera at ang sinasabi nyang kapatid ko.
“Ayos na ba ang pakiramdam mo anak? at bakit mo tinatawag si Mitis?.” Saad ni papa ngunit umiling lang ako.“Nasawi na ang iyong mitera noong nasa Haleria tayo, nakipaglaban sya sa DL para mailigtas ang papa mo pati na rin ikaw mismo.” Dagdag pa ni Felix at mas mabilis akong umiling.
“Hindi... Hindi, nakita ko sila kanina lang e’.”
“Sinong sila?.” takang tanong ni papa.
“Si mitera at yung kapatid ko po.” sagot ko.
“Kapatid? ngunit nag-iisa ka lang at wala kang kapatid.” Inilapit ko ang mukha ko kay papa.
“Sigurado po ba kayo?” Paninigurado ko.
“O-Oo.” bigla naman syang lumayo at tinalikudan ako.
Bumangon ako at nagsuot ng sapin sa paa. Agad akong lumipad, tutungo ako sa Haleria upang hanapin si mitera at ang kapatid ko. Alam kong malapit lang sila at madali ko lang sila mahahanap.
Sa lagusan na ako dumaan dahil magtatagal ako kung maglalakbay pa ako patungo sa Haleria.
Pagpasok ko sa lagusan ay nakarinig ako ng boses ng isang batang parang naipit kaya agad kong nilingon sa aking likudan nguniit wala naman akong nakitang kahit ano. Nagpatuloy na ako sa aking paghahanap.●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○
Inabot na ako ng gabi kakahanap sa dalawa ngunit kahit anino nila ay hindi ko matagpuan. Saan ko ba matatagpuan ang lugar na iyon?. Napakalawak ng Haleria at hindi pa ako gaanong pamilyar dito.
Dahil sa pagod na akong maghanap ay nagtungo muna ako sa dati naming tinutuluyan. May ilang mga gamit pa akong naiwan roon at baka makahanap ako ng palatandaan kung saan ko matatagpuan ang dalawa.
Nang makarating ako sa aming dating tirahan ay agad kong tinungo ang silid ni mitera ngunit wala akong ibang nakita doon. Nagtungo ako sa silid aklatan kung saan sya namamalagi, baka doon ay may matagpuan ako.
Nanginginig ang mga kamay ko sa pagbubukas ng pinto dahil kinakabahan ako at natatakot na baka wala din akong matagpuang kahit ano pero kahit na, kailangan kong subukan.
Binuksan ko ang silid at isang libro ang bumungad sa akin. Nakalutang ito sa hangin at ipinapahiwatig na basahin ko ang nilalaman noon. Kinuha ko ang libro at sinimulang basahin iyon. Nakasulat dito ang mga nakaraang nangyari sa akin simula ng isilang ako hanggang ngayon.
Ito ba ang pinagkakaabalahan ni mitera?, ang bantayan ako?.
Matapos kong basahin ang mga nakaraan ay bumungad sakin ang salitang hinaharap. Ililipat ko na sana sa kabilang pahina ang libro ng biglang sumakit ang balikat ko, nabitawan ko ang libro at nang bumagsak ito sa sahig ay naglaho ito na parang abo.
“Malas naman..makikita ko na sana kung nasaan si mitera at ang kapatid ko.”
Agad akong lumabas at pinagmasdan ang bilog na bilog na buwan. Hindi ko man gustuhing umuwi ay kailangan dahil magkadugtong ang marka ko pati na ang kay papa. Upang maibsan ang sakit ay kailangan ko ng dugo... maraming marami.
Mabilis ako nagbalik sa mansion at naabutan ko si papa na nakahimlay sa kanyang ataul at may kung anong ginagawa si Felix.
“Anong nangyare sa kanya?.” Nag-aalalang tanong ko ngunit imbis na sagutin ako ni Felix ay itinapat nya sakin ang kaliwang kamay nya. Mabilis nya akong nailagay sa isa pang ataul katabi ng kay papa at kagaya nya ay wala na rin akong malay.
“Pasensya na dahil hindi ko hahayaang manakit pa kayo ng iba. Kailangan ko itong gawin hanggang sa mawala ang kabilugan ng buwan.”
Miuna's POV
Hindi ko alam kung paano ako makakaalis sa lugar na ito. Alam kong pangarap ko ang makapasok sa lagusan ngunit hindi ko akalain na nakakatakot palang mag-isa rito kapag gabi. Mabuti na lamang at maliwanag ang buwan kaya ito ang nagsilbing tanglaw ko sa madilim na daan. Kanina pa akong walang tigil sa paglalakad ngunit wala akong nakikitang sino man.
Gusto ko ng umuwi.. Napayakap na lang ako sa sarili ko dahil sa lamig ng gabi. Wala akong kadala dalang pagkain kaya kumakalam na rin ang sikmura ko. Tuyong tuyo na rin ang lalamunan ko dahil sa uhaw.
Nang may matagpuan akong puno ay nagpasya akong mamahinga na muna sa ilalim nito. Hindi ko na rin kayang maglakad pa. Kung hindi na lang sana ako lumayo sa lagusan at hinintay ko na lamang na magbukas ulit iyon ay wala sana ako sa sitwasyon na ito..
“Inay... Itay..” Nagsimula na akong humikbi dahil hindi ko na alam kung papaano ako mabubuhay sa lugar na ito. Niyakap ko na lang ang mga tuhod ko at nagsimulang lumuha.
“G-Gusto k-ko ng u-umuwi...” nauutal na sambit ko kahit na alam kong wala namang makakarinig sakin.
“Halika ihahatid kita tagalabas.”
Nagulat ako ng may marinig na boses ng lalaki kaya napaangat na lang ako bigla ng tingin at isa rin syang bata kagaya ko. Nang dahil sa tuwa ay napaiyak ako lalo at kaagad niyakap ang batang lalaki.“Bitawan mo nga ako!.” Sigaw nya kaya agad akong napabitiw.
“Sumunod ka na lang sakin kung gusto mong umuwi. Bawal dito ang panget na kagaya mo.” Natigilan naman ako sa sinabi nya tungkol sa akin. Biglang nawala sa isip ko ang pag-uwi kung sya lang din naman ang maghahatid saakin.
Mabilis akong tumakbo palayo sa kanya habang umiiyak ako. Hindi ko naman ginustong mangyari ito saakin. Gusto ko lang naman tumulong pero..Bigla akong natalapid sa ugat ng puno at malakas akong bumagsak sa lupa. Sa sobrang lakas non hindi ko na nagawang bumangon.
“Inay... Itay...” Nagsimula na naman akong humagulhol sa pag-iyak dahil sa kaartihan ko. Bakit ba ako nainis ng tawagin nya akong panget e’ totoo naman edi sana nakauwi na ako ngayon at nagpapahinga.
TO TÉLOS
Story of Miuna
Coming Soon!
BINABASA MO ANG
The Vampire's Daughter
Fantasy"It was an accident, i didn't mean it and now i'll pay the prize."