Hestia's POV
Napatingin na lang ako sa lapastangang gumawa noon sa akin. Nakasuot sya ng kulay lilang bistida at may itim na cloak. Pati ang kanyang mata ay kulay lila rin. Matapos nya akong sabuyan ng tubig yata yon ay kaagad syang lumapit kay Felix at ipinulupot ang kanyang mga kamay sa braso ni Felix. Hindi naman magkaintindihan si Felix dahil sa ginawa ng malanding mangkukulam.
"Ano 'to Felix?, sino yang mangkukulam na yan?." Tanong ko habang nakataas ang isa kong kilay. Magsasalita na sana si Felix ng unahan sya nito.
"Sya ang iniirog ko at iniirog nya rin ako. Ikaw sino ka ba?." Hindi na ako sumagot bagkus ay sinamaan ko na lamang sya ng tingin. Napakakapal naman ng mukha nya.
"Sandali Hestia, hayaan mo kong magpaliwanag." Hindi ko na hinayaan pang magpaliwanag si Felix at kaagad kong nilisan ang lugar na iyon. Hindi ko na nais pang magpasama sa kanya papunta sa kanluran dahil sigurado akong kaya kong talunin ang kung sino mang nagbabantay roon.
Nagtungo nga ako sa kanluran ng mag-isa lamang. Hindi ko inalintana ang pagod na aking nararamdaman at nagpatuloy lang sa pagtahak ng daanan.
Sa di kalayuan ay natanaw ko na ang kwebang tinutukoy ni mitèra. Agad akong bumaba at pinagmasdan ang kalakhan ng lugar. May isang malaking bato ang nakaharang dito at mukhang kailangan ko pa itong buksan.
Inilabas ko ang aking espada at hinati sa gitna ang batong nakaharang. Agad din naman itong nahati sa dalawa kaya makakadaan na ako papasok. Sa aking pagpasok ay napakatahimik ng lugar at masyado ring madilim kaya kinailangan ko pang gamitin ang aking espada upang gawing ilaw sa madilim na kweba.
Kailangan kong maging alerto sakaling atakihin ako ng leon.
Sa aking paglalakad ay natagpuan ko na ang dulo ng kweba kung saan mas lumawak pa ang espasyo. Nakita ko rin kaagad ang libro na aking hinahanap ngunit hindi ko pa rin nakikita ang leon na sinasabing tagapagbantay nito.
Palinga-linga akong lumapit sa kinalalagyan ng libro. Napapalibutan ng lava ang buong lugar at ang tanging batong tulay lamang ang nagsisilbing daan upang makalapit ako sa libro.
Nakahinga ako ng maluwag ng tuluyan ko ng malapitan ang kinalalagyan ng nito. Madali lang naman pala basta huwag lang magiingay. Aktong hahawakan ko na ang libro ng makarinig ako ng malakas na unggol na sigurado akong nanggaling sa leon. Tumingin ako sa paligid ngunit hindi ko pa rin ito mahanap. Bigla na lamang itong lumabas mula sa kung saan at inataki ako. Nasugatan ang kabilang braso ko dahil sa ginawa nitong pag-ataki.
Masyadong malalim ang natamo kong sugat kaya hindi ito maghilom kaagad. Bwisit!. Hindi ko na rin maigalaw pa ang braso kong nasugatan kaya isa lang ang magagamit ko. Hindi ko na rin kaagad magagamit ang aking palaso na sana ay mas magandang gamitin.
Napahigpit na lang ang hawak ko sa espada ko ng aktong aatakihin na ulit ako nito. Susugatan na naman sana nya ang isa ko pang braso pero agad akong nakaiwas. Magka-cast na sana ako ng spell ngunit agad nya akong inataki kaya hindi ko na ito naituloy. May kaunting dugo ang lumabas sa bibig ko dahil sa pag-ataki nya sa tyan ko. Masyado syang mabilis kaya mukhang matatalo ako. Kailangan kong makatakas mula rito dala dala ang libro.
Dahil sa nanghihina na ako hindi ko na magawa pang magteleport kaya binilisan ko na ang pagtakbo papunta sa libro. Agad ko itong kinuha at tinungo ang daan palabas pero agad na humarang sa daan ang bagang leon kaya wala na akong madadaanan palabas.
May kung ano naman pumulupot sakin at iniangat ako nito sa himpapawid. Nagpumiglas ako pero hindi ko kayang kumawala mula rito.
"Ang kulit mo talaga. Dito lang pala kita mahuhuli." Hindi pamilyar sakin ang boses na yon. Pilit kong iminulat ang aking nga mata at tiningnan kung sino ang may pakana noon. Isa syang lalaki at nakaitim.
BINABASA MO ANG
The Vampire's Daughter
Fantasy"It was an accident, i didn't mean it and now i'll pay the prize."