Hestia's P.O.V.
"Kamusta na... ang mama mo?" Bigla akong nakaramdam ng lungkot dahil sa tanong ni papa. Hindi ko alam kung pano ko sasabihin sa kanya ang nangyare kay mama. Nagipon muna ako ng lakas ng loob bago sumagot sa tanong.
"W-Wala na po si mama, papa." Pilit akong ngumiti habang sinasabi ang mga salitang yon. Alam kong matagal na ang pangyayareng yon pero nagiging sariwa ang sugat ng nakaraan para sakin sa tuwing pinaguusapan ang tungkol don.
"I'm sorry it's all my fault." Napayuko na lang si papa. Nagtaka naman ako dahil sa sinabi nya.
"Paanong kayo po ang may kasalanan?, namatay po si mama dahil sa malubhang sakit kaya wala po kayong kasalanan." Maliban sa pagiwan samin ni mama. Alam kong wala akong karapatan na husgahan si papa dahil hindi ko naman talaga alam ang nangyare pero yun kasi ang alam kong dahilan at ang malaking kasalanan nya sa pamilya namin.
"My Mom put that curse to her at wala akong nagawa para alisin yon dahil dinala nila si Elvira sa mundo ng mga tao kung saan walang lunas sa sumpang yon.." Kaya ba... walang doctor na makagamot kay mama dahil ang lola ko ang nagbigay ng sakit sa mama ko?. Pero paano nila nagawa yon kay mama?, may ginawa bang masama si mama sa kanila?. Paulit ulit ang tanong sa utak ko. Napakuyom na lang din ang mga kamay ko dahil sa poot na nararamdaman.
"Hindi nila alam na buntis si Elvira ng mga panahon na yon pero lalo akong nagalala sa magiging anak namin dahil sa kalagayan nya." Tumayo si papa at pumunta sa likudan ko. Isinuot nya sakin ang kwintas na kinuha nya sakin kanina.
"Ibinigay ko ang kwintas na to' sa kanya bago mangyare ang lahat, ang ilayo sya sakin ng mga magulang ko." Ramdam na ramdam ko ang lungkot sa boses ni papa.
"E pa, kagaya nyo rin po ba ako?." Yun kase ang kanina ko pang gustong itanong sa kanya. Bumalik na sa pagkakaupo si papa.
"Elvira is a witch, a high ranking witch. Noon, hindi pwedeng magsama ang isang bampira na kagaya ko at ang mangkukulam na kagaya nya dahil sa maaaring kalabasan ng pagmamahalan namin, ang kagaya mo na may natatanging kapangyarihan." Ako?, may kapangyarihan?. Nagsisimula na akong malito sa mga sinasabi sakin ni papa. Wala namang kakaiba sakin at wala akong napapanasin na kahit anong magical sa sarili ko.
"Ano naman po ang kaya kong gawin kung makapangyarihan nga po ako?, kaya ko po bang bumuhay ng patay?." Baka sakaling maibalik ko ang buhay ng mama ko para magkasama na kaming tatlo nila papa. Napailing naman si papa. Nalungkot naman ako dahil sa naging sagot nya.
"Ikaw ang nakatakdang magbibigay buhay sa demon lord, ang pupuksa sa lahat ng may buhay..." natigilan naman ako sa sinabi ni papa. A-Ako?, ang bubuhay sa demon lord? Pero paano mangyayare yon?.
"Sigurado akong alam na ng lahat na dumating ka na at magtatangka na silang paslangin ka pero hindi ako makakapayag na mangyari yon, poprotektahan kita dahil anak kita."
"Pano na lang po kung umaga nila ako pagtangkaan?, hindi po kayo makakalabas." Paalala ko kay papa.
"Wag kang magalala, nandyan naman si Felix pero hindi sapat ang lakas nya para protektahan ka kaya bukas na bukas din ay magtutungo kayo ni Felix sa bundok Haleria, sasanayin ka doon ng aking kaibigan na si Mitis sa pagkontrol ng kapangyarihan mo."
Mitis?, ngayon ko lang narinig ang pangalan na yon."Pero papa sinong kasama mo dito?" Nagaalalang tanong ko. Baka si papa ang pagtangkaan nila habang wala kami ni Felix dito sa mansion.
"Mukha lang akong bata pero matanda na ako kaya wala ka dapat problemahin dahil kaya ko na ang sarili ko." Lalabas na sana ng silid si papa pero pinigilan ko sya para itanong kung ilang taon na sya.
"Ilang taon ng po ba kayo?." Tanong ko.
"Mas matanda pa ako sa matanda, hindi mo na dapat malaman." Naiwan na lang ako sa loob ng silid. Naagaw ng isang litrato ang aking pansin kaya nilapitan at tiningnan ko iyon. Litrato nila mama at papa sa ilalim ng maliwanag na buwan. Namiss ko tuloy bigla si mama.
Nagulat na lang ako ng biglang may kumalabog sa cabinet na katabi ko lang. Bubuksan ko na sana pero biglang bumalik si papa.
"Kumain muna kayo baka nagugutom na kayo dulot ng mahabang byahe papunta rito." Tiningnan ko muna ang cabinet, mamaya ko na lang siguro aalamin kung anong meron. Sumama na ako kay papa papunta sa dining area at ang dami na agad nakahandang pagkain, si Felix ba ang naghanda nito o ginamitan lang nya ng mahika?. Who knows?.
"Pa, nasabi nyo na po ba kay Felix yung tungkol bukas?." Tanong ko pagkaupo na pagkaupo ko.
"Oo naman. Kanina pa." Tahimik lang kaming kumakaing tatlo. Hindi ko na nagawang magsalita pa dahil subo ako ng subo ng pagkain, gutom na gutom kasi ako. Wala ng diet diet hindi naman ako tumataba e. Maybe I'm born to be sexy.
Nang matapos kami sa pagkain ay nagpaalam muna ako na maglilibot sa labas ng mansion. Kanina, nung pagkadating namin napakakalat pero ngayon napakalinis na at nagkameron na rin ng fountain pati na rin garden na puro red rose ang tanim. Rose lang siguro ang alam ni Felix na type ng bulaklak?.
"Ang ganda naman..." pipitasin ko na ang bulaklak ng makaramdam ako na tumusok sakin at nagdugo ang kamay ko, tumulo sa bulaklak ang dugo ko.
Naging kulay itim ang pulang rosas, parang pamilyar sakin ang itsura nito dahil ganito rin ang nasa balikat ko. Ang weird talaga ng mga bagay dito.
Pumunta ako sa fountain at tumingin sa palagid, baka may nakakakita sakin. Inilublob ko ang kamay ko at hinugasan pero biglang natuyo ang tubig, tumutulo na ulit yung dugo sa kamay ko.
"Hala. Patay ako nito, wala bang gripo dito?." Naghanap ako sa paligid pero wala akong nakitang pwede kong paghugasan, kapag pumunta naman ako sa loob baka makita nila papa pati na rin ni Felix kaya lumayo muna ako at naghanap pwedeng paghugasan. At kung siniswerte nga naman, nakakita ako ng ilog di kalayuan sa mansion.
Agad akong pumunta doon at naghugas ng kamay pero biglang lumutang ang mga patay na isda, agad kong inalis ang kamay ko sa tubig.
"Sinong gumawa nito?!" May bigla na lang lumabas na isang magandang serena sa tubig at mukhang galit na galit sya. Nabaling naman ang tingin nya sakin.
"Ang may kasalanan ay dapat parusahan!" Sa loob ng ilang segundo ay nilamon na lang ako ng tubig papunta sa ilalim ng ilog hanggang sa nagiba ang buong paligid, nasa dagat na ba ako?, sa kailaliman na dagat?!. Pinilit kong lumangoy pataas pero hindi ko magawa nauubusan na rin ako ng hininga at kalaunan ay nawalan na ako ng malay.
BINABASA MO ANG
The Vampire's Daughter
Fantasy"It was an accident, i didn't mean it and now i'll pay the prize."