\CHAPTER 8/

142 7 0
                                    

Hestia’s POV

Kanina pa kaming naglalakad sa kagubatan. Hindi kami makalipad dahil nasa lugar pa rin kami ni Malcom kaya kailangan na naming makaalis dito. Inabot na kami ng umaga sa paglalakad at sumasakit na rin ang mga paa ko, kumakalam na rin ang sikmura ko. Ubos na kasi yung cookies na baon ko.

“Matagal pa ba bago tayo makaalis dito?.” Tanong ko kay Felix na nauuna sa paglalakad. “Tingin ko nasa kalagitnaan palang tayo, at aabutin pa tayo ng takip silim.” Sagot nya.

Bumusangot naman ang mukha ko dahil don, malayo pa pala kami at aabutin pa kami ng takip silim sa paglalakad. Habang naglalakad hindi ko napansin na may patulis na kahoy pala akong matatapakan, bumaon yon sa suot kong sabaton at nasugatan ako.

“Bakit kasi hindi ka nag-iingat.” Nang makita ako ni Felix ay kaagad nya akong inalalayan maupo sa isang malaking tipak ng bato. Nakabaon pa rin ang kahoy sa paa ko at patuloy rin ang pagkirot.

“Kailangan nating tanggalin ang kahoy na nasa paa mo.” Sabi ni Felix pagkatapos suriin ang paa ko. Nakita ko pa ang pagkagulat sa kanyang mukha.

“Bakit ano pang mer-“ Hindi pa ako natatapos magsalita ng hugutin nya kaagad ang kahoy na nakatusok sa paa ko. “AAAAHHHHH!!!!” Napasigaw na lang ako dahil sa sobrang sakit.

Tumulo rin ang dugo mula sa paa ko. Halos maiyak iyak na ako dahil sa sakit. Agad namang tinalian ni Felix ng putting tela ang paa ko at isinuot muli ang sabaton ko. Masyadong maraming dugo ang lumalabas doon kaya bumakat pa ito sa tela.

“B-Bakit mo naman ginawa yon Felix?, galit ka ba sakin?. Huhu.” Reklamo ko sa kanya pero seryoso lang sya at may kung anong iniisip.

“Wag ka munang malikot Hestia. May lason ang kahoy na yon kaya maaaring may lason ng humahalo sa dugo mo.” Natakot naman ako sa sinabi ni Felix. Kung bakit ba naman kasi napaka careless ko.

“Hindi mo ba pwedeng gamutin gamit ang healing spell mo?.” Tarantang tanong ko. Hala, pano na yan. Nasa dugo ko na raw baka mamaya magcolapse na lang ako tapos bumula ang bibig dahil nalason na ang buong katawan ko. Napaka delikado naman pala dito sa mundong ‘to. Di ko keri!

“Hindi uubra ang kapangyarihan ko lalo na at hindi masyadong malakas ang kapangyarihan kong makagamot dahil battle wizard ako.”Saad ni Felix habang nakatingin sakin.

“Pano na yan.. mamamatay na ba ko?.” Maiyak iyak na tanong ko kay Felix. Umiling naman sya kaagad.

“Hindi ko hahayaang mangyari yon sayo. Kaya mo bang maglakad?.” Tinary kong tumayo pero tutumba ako buti na lang at naalalayan ako kaagad ni Felix.

“Sumakay ka na lang sa likod ko.” yumukod naman ng konti si Felix pero hindi ako kaagad sumakay.

“Baka mabigatan ka sakin.” Paalala ko sa kanya. “Dalian mo na lamang at ng makahanap tayo ng lunas.” Wala na kong ibang nagawa kundi ang sumakay sa likod nya. Feeling ko matutumba kami dalawa pero mabuti na lang at hindi. Habang naglalakad si Felix karga karga ako tinanong ko sa kanya kung san kami pwedeng makahanap ng lunas.

“May konti akong nabasa tungkol sa lugar na ‘to dati. Ang alam ko may isa pang dyosa ang naninirahan dito, kaya nyang gamutin lahat ng karamdaman pero hindi sya gaanong nagpapakita dahil mahiyain sya. Iilan lang ang nakakakita sa kanya.” ani Felix.

“Pero pano natin sya makikita?.” Humina ang boses ko sa panghuling salita. Bigla akong nakaramdam ng panghihina at antok. Bumibigat na rin ang talukap ng mga mata ko pero pilit ko iyong nilalabanan.

“Mahilig sya sa mga bulaklak kaya kailangan mong mag-alay ng magagandang bulaklak at ipatong ito sa ibabaw ng tubig na nasa ilalim ng pinakamalaking puno dito sa gubat. Kapag lumubog yon hindi nya tinatanggap ang iyong alay, at hindi ka rin nya tutulungan. Pero kapag lumutang ang bulaklak na inalay mo, iilaw ang tubig at kailangang inumin yon ng may karamdaman.” mahabang lintanya ni Felix. Napansin nya rin siguro na lumuluwag ang pagkakahawak ko sa kanya. Naging manhid na ang mga binti ko hanggang sa may tyan. Nanghihina na rin ako at wala ng kakayanan  makapagsalita.

The Vampire's DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon