Hestia's POV
Nagpaalam lang sakin si Felix na aalis upang magpatuloy sa kanyang pagsasanay dahil madalas na nauudlot ito. Niyakap ko sya bago sya tuluyang lumisan.
"Mag-simula na tayo Hestia." Dumating din kaagad si mitèra kaya nagpalit ako ng kasuotan. Yung iniregalo ni papa sakin na black cloak naging nag-aapoy na kapa ko na bumagay sa outfit ko. Inilabas ko rin ang aking espada.
"Ilang epidexiótita lang ang alam mo pagdating sa fire element?." Tanong ni mitèra sa akin. "Nasa dalawa lamang ang nalalaman ko." Kailangan ko na naman bang magbasa ng libro?.
Isang espada rin ang gagamitin ni mitèra sa aming laban. Hindi pa ako masyadong magaling sa close combat pero alam kong kakayanin ko. Agad akong nagteleport papunta sa kanyang harapan at sunod sunod na pagataki ang ginawa ko na nagagawa nyang sanggahin gamit ang hawak na espada na sa tingin ko ay normal lamang kumpara sa ginagamit ko.
Lumayo ako sa kanya at itinaas ang espada ko. "FLAME PHONIX!" lumabas mula sa aking likuran ang phoenix at nagbuga iyon ng apoy sa paligid pati na rin saaking kalaban. Alam ko namang maiiwasan yon ni mitèra kaya wala akong dapat ipag-alala.
Kulay asul na apoy ang inilaban ni mitèra sa apoy na ginagamit ko. Nagamit ko na iyon nung gumawa ako ng fire tornado. Sunod sunod na fireball ang ibinato ko sa kanya pero inaasahan ko na maiiwasan nya lahat yon. Pano ko ba sya matatamaan?.
Bumulong naman sya sa hangin at biglang nabalutan ng kulay asul na apoy ang kanyang espada. Sya naman ang umataki sakin, wala na akong ibang ginawa kundi ang iwasan iyon. Matapos ang ilang minutong pagataki lumayo sya sa akin at naging dalawa ang espada nya, paano nya nagawa iyon?.
"Mapapag-aralan mo rin ito kung gugustuhin mo." Saad nya bago nya ako muling atakihin. Walang wala ang bilis ko sa sobrang bilis ni mitèra. Kung titingnan parang isa lang akong pagong na nakikipag-unahan sa kuneho.
Dahil dalawa ang kanyang armas at alam nya itong gamitin, natalo ako sa aming pagsasanay ngayong araw. May mga natutunan rin naman ako ngayon tungkol sa double blade na pag-aaralan ko pa ng mabuti para makuha ko.
Naupo kami sandali sa damuhan. May araw pa naman at mukhang madali lamang ang aming naging pagsasanay. Hingal na hingal ako dahil sa pagod samantalang si mitèra mukhang walang naramdaman na pagod kahit konti.
"Wala po ba kayong librong ibibigay saakin upang aking mapag-aralan?." Tanong ko ng makaipon ng sapat na hininga upang makapagsalita.
"Sa kanlurang bahagi ng Haleria makikita ang kweba kung saan nandon ang libro tungkol sa epidexiótita ng apoy. Dito ito itinago ni Fiery dahil alam nyang ligtas ito dito ngunit naglagay pa rin sya ng bantay rito-- ang bagang leon."
Bagang leon?, as in nagbabaga yung leon?, ganon ba?."Maaari po ba tayong magtungo roon?." Tanong ko habang nakakunot ang noo. Ngayon ko lamang kasi naririnig ang mga bagay na ito tsaka may ganon ba talaga?, napaka magical naman talaga ng lugar na ito.
"Kung nais mong magtungo roon isama mo si Felix dahil hindi ako maaaring umalis."
"Pero bakit naman po?." Malungkot na tanong ko. Ayoko din namang abalahin si Felix sa kanyang pag-sasanay dahil kagaya ko ay may responsibilidad rin sya, kailangan nyang magpalakas at tumuklas ng bagong kaalaman upang mapanatili nya ang kanyang mataas na rango.
"Hindi mo na kailangan pang malaman. Babalik na muna ako sa loob at maghahanda ng pagkain. Kung nais mo, gagawan ko ng pagkain si Felix at ihatid mo ito sa kanya." Kaagad naman akong tumango sa inalok ni mitèra. Nginitian nya lang ako bago bumalik sa loob.
Habang naghihintay ako sa baba ay nilapitan ko ang aking munting kaibigan. Nakakalungkot naman at mag-isa lamang sya at walang kausap kapag nagsasanay ako.
BINABASA MO ANG
The Vampire's Daughter
Fantasy"It was an accident, i didn't mean it and now i'll pay the prize."