Hestia's POV
Habang nasa ilalim kami ng karagatan, may napansin kami ni Felix na isang hole. Sinubukan naming iwasan yon pero hinigop kami ng tubig papasok doon. Hindi ko binitawan si Felix dahil baka mapahiwalay sya sakin.
Matapos naming magpaikot ikot sa loob ng butas ay bigla rin kaming nawalan ng malay.
Nagising na lang ako dahil sa matinding sikat ng araw. Agad akong bumangon at hinanap ang kasama kong si Felix. Nasa tabi ko lang pala sya at wala pa ring malay kaya ginising ko na sya para tanungin kung nasaang lugar na ba kami.
"Felix...Felix.." gising ko sa kanya. Dahan dahan naman syang nagmulat ng mata. Napahawak pa sya sa ulo nya.
"Ang sakit ng ulo ko, ano bang nangyare?." Tanong nya at naupo.
"Basta napasok tayo sa hole tapos boom!, napunta tayo rito." Paliwanag ko sa kanya. Lumipad sya at nagmasid sa buong paligid.
"Halika rito Hestia!." Sigaw nya sakin kaya sumunod ako sa itaas. Napakaganda ng lugar at sobrang tahimik, para kang nasa isang paraiso.
"Nasa anong lugar na ba tayo?." Tanong ko sa kanya.
"Yan ang kailangan nating alamin." Sagot naman nya at nauna na sa paglilibot. Habang nasa himpapawid ako kasama si Felix, may nakita akong isang maliit na hayop, agad naman akong nakaramdam ng uhaw. I want some blood right now.
Bumaba ako sandali at kinarga ang munting hayop. Para syang bear, ngayon lang ako nakakita ng ganito!. Dati kasi nakakulong lang ako sa bahay kaya hindi ako nakakakita ng ibang hayop sa personal. Kakagatin ko na sana ang munting hayop ng bigla akong narinig mula sa kweba na katabi ko lang.
Lumabas mula roon ang sobrang laking oso at meron itong napakalaking sungay. Napanganga na lang ako at nabitawan ang hawak ko, aktong susugudin ako ng siguro ay ina ng bibiktimahin ko mabuti na lang at kaagad akong tumakbo ng mabilis palayo doon pero nakasunod ito sakin at konti na lang maaabutan na nya ako.
"WAHHHH FELIX TULONG!!!!." sigaw ko na syang maririnig mo siguro sa buong kagubatan. Halos maiyak na ako habang tumtakbo ng biglang dumating si Felix, niyakap nya ako at lumipad kami sa himapapawid.
"Ano bang ginawa mo at bakit ka nya hinahabol?." Tanong ni Felix habang nakayakap pa rin sakin. Ako naman parang timang tulalang tulala sa kanya at ng matauhan agad akong kumalas at lumipad mag-isa.
"Kasi nauhaw ako kaya ayun, napagdiskitahan ko siguro yung anak nya kaya hinabol nya ko." Nakangusong saad ko.
"Sa susunod kasi piliin mo ang bibiktimahin mo hindi yung basta susugod ka agad. Oh ito, inumin mo." Inabot naman nya sakin ang isang maliit na bote na may lamang dugo.
"San mo 'to nakuha?." Tanong ko habang binubuksan ang bote.
"Inumin mo na lang at wag ka ng magtanong." Sabi nya. "Okay." Ininom ko naman ang dugong binigay nya sakin, kakaiba 'to kumpara sa mga dugo na nainom ko dati. Agad kong naubos iyon at ibinalik kay Felix ang bote.
"Better?." Tanong nya at tumango lang ako. Nagpatuloy na kami sa paglilibot sa buong lugar. Nakakaagaw pansin ang isang malaking puno sa hilaga, sinabihan ko si Felix na doon kami mag tungo. Ilang metro pa ang layo namin sa puno pero nakita ko agad si papa na nandoon at may kasama sya, sino yon?, si mama?. kinusot kusot ko pa ang mga mata ko dahil baka nagkakamali lang ako. Tiningnan ko ulit sa pangangalawang pagkakataon at si mama talaga ang nakikita ko.
"Felix bilisan natin!." Excited na sabi ko kay Felix. Masyado syang mabagal kaya hinawakan ko na ang kamay nya at binilisan ko ang paglipad. Wala pang ilang minuto ng makarating kami sa malaking puno na may tree house.
BINABASA MO ANG
The Vampire's Daughter
Fantasy"It was an accident, i didn't mean it and now i'll pay the prize."