Chapter 16

1.8K 71 30
                                    

Vanessa's PoV

It's been 5 month's nung nilibing si Yna pero bat ganto? Bat ansakit,  bakit ang sakit sakit?

Alam mo yun, yung bestfriend mo na kasama mo sa kalokohan, na dumadamay sayo pag malungkot ka, na andyan sayo sa lahat ng panahon bigla nalang mawawala,  alam mo yun?

That feeling na nag promise pa kami sa isa't isa na magiging made of honor yung isa samin kapag ikakasal kami,  na kami yung magiging ninang ng future babies namin, na bestfriends kami hanggang dulo,  na kapag nag away kami ng asawa ko dahil sa attitude ko makiki bahay muna ko kila Yna,  yung plano na yon....

Yung plano nating dalawa Yna, Wala na.

Si Xander simula nung ilibing si Yna di mya ko iniwan,  alam kong nag usap sila ni Yna na kung mawawala sya, alagaan ako ni Xander

Pero ayokong dumating sa point na ma attach ako sa kanya,  tho alam kong gusto yon ni Yna for us pero ayaw kong ako yung pumalit sa puso ni Xander,  nirereapeto ko si Yna at alam kong mas ok kung hindi ako mahuhulog kay Xander.

Update lang im not studying anymore,  yeah gusto kong maging nurse pero mas nahanap ko yung sarili ko nung nawala si Yna sakin,  samin.

Si Xander tuloy lang sa course nya,  masaya sya g-graduate na tapos ng college

Ako naman busy ako sa pag susulat, nahanap ko yung sarili ko sa pag susulat ng tula, tula na inalay ko kay Yna pagkatapos nyang mawala tapos ayun gusto ko nalang gumawa ng tula, mag spoken poetry,  at mag sulat ng stories yung tula ko kay Yna ito....

Kapatid kita
Ikaw ang nag pinta sa buhay kong maputla, ikaw ang naging sauce ng siopau ko dahil wala pa kong boyfriend, itong tula ko wlang tugma parang buhay ko ngayon nang bigla kang nawala,  puso ko ay nabigla, pero kahit wala kana kapatid kita di man sa dugo pero sa puso KAPATID KITA na corny man pakinggan pero pagbaliktarin man ang araw at buwan Kapatid kita.

Yna!!!! Bat gantooooo ansakit mo sa hart ansakit mo!

Gusto kong kalimutan nalang eh,  na kunwari buhay ka pa na namamasyal ka lang sa malayo, na pag sgising ko sa umaga may makikita akong chat galing sayo, gusto kong kalimutan lahat, gusto kong kumawala sa sarili ko ngayon.

"shing, are you ok?  Umiiyak ka na naman ba?" boses ni dad na nasa likod pala, "no dad im fine po, namiss si Yna" akala ko may sasabihin sakin si dad pero niyakap nya lang ako ng mahigpit tsaka bumulong "ipahinga mo muna yung puso mo baby girl" bago sya lumabas.

Maya maya inayos ko na yung sarili ko para mamaya sa dinner muka akong tao, si Lucas ok na naka move on na sya aa mga nangyari sa ate Yna nya,  alam nyo yung tawag don?  Sanaol.

Pag baba ko sa kusina naka upo na si dad and Lucas nakangiti sakin si daddy na parang baliw, nag bless the food muna kami bago kumain

"ok lets eat Shing i have a gift for you pag katapos natin kumain" wait what? May lagnat ba si dad HAHAHAHAHHA

after kumain may kinuhang folder si dad at inabot sakin.

"Shing ibibigay ko na sayo ang gusto mo pede ka ng tumira sa palawan para don maging payapa yung utak mo sa pag susulat" ow mayyy gulayyy!!!  Finally this is it.

Sabi ko kasi kay daddy nung libing ni Yna gusto kong sa palawan na ko tumira kasi don may dagat, mahangin at magiging payapa ako

Some of my friends are asking bakit di ko nalang tinuloy yung pagiging nurse ko, my answer is "bakit hindi?  Masaya ko sa desisyon ko,  Oo sayang pero hindi na yan yung gustong gawin ng puso ko,  nung mawala si Yna dumami yung realization ko kaya from no where nag bago yung ihip ng mundo and yes magiging author ako."

Sabi nila that's impossible pero nginitian ko lang sila at bumulong sa hangin na "magiging sikat at mahusay akong manunulat, babalik ako sa inyo para sabihin na isa nakong matagumpay sa larangan ng pag susulat."

That feeling na im going to start over again,  na ako lang mag isa, ako lang talaga.

"hey! miss me?" nakakagulat na boses galing sa likod ko, lumabas kasi ako ng bahay after kumain.

"aishh siraulo ka talaga xander kala ko kung sino"

"so tuloy ka sa palawan?"

"alam mo??  Alam mo yung plano ni daddy?"

"obvious ba? Grrrr"

"uhmm oo tuloy ako, im so excited na xander!!!"

"ako din."

"huh?  Excited ka para sakin?"

"nope, excited na din akong mag spend ng weekend ko lagi sa palawan"

Nagulat ako kaya tinitigan ko sya...

"Yes shing sasamahan kita don tuwing weekend, hindi ka mag iisa"

I dont know why,  pero bakit habang tumatagal mas bumabait at nagiging sweet si xander

Everytime na nalulungkot ako sa pag kawala ng bestfriend ko andyan sya, andito lagi sya.

Di ko alam ah,  pero pag nandyan sya i feel safe,  i feel damn safe.

Pero kasi,  mali to eh hindi ako dapat mahulog kay Xander, alam kong si Yna padin ang mahal nya at nirereapeto ko love story nila

Ah basta ako, focus muna sa dream ko

PANGARAP
PANGARAP
PANGARAP!

The Bad Girl's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon