Meet
Nagising ako dahil may bigla akong naramdaman na dumila sa aking kamay. Minulat ko ang aking mga mata at tumingin ng saglit sa kisame. Sana pagbaba ko, nakalimutan na ni mommy ang lahat. Hindi kasi talaga ako friendly, okay lang sana kung babae. jusmiyo.
Umupo ako sa kama at nakita kong nakatingin sa'kin si moo, sumilay ang ngiti sa aking labi. Kinuha ko siya at hinaplos ang ulo.
"Goodmorning moo, ikaw na talaga ang alarm ko tuwing umaga," sambit ko habang tumatawa. Tumingin ako sa orasan, tabi ng aking kama. 6:15 am na pala? Binaba ko na si moo at nagsimula ng pumunta sa Cr para maligo.
Sampong minuto lang ako naligo dahil pag tinagalan ko, baka mahuli ako sa klase. Naglagay ako ng kaunting belo tinted sunscreen sa aking mukha, naglagay na rin ng vaseline lip therapy para sa aking labi, pag katapos ay naglagay ako ng bb holic. Hindi na ako nagpopolbo kasi hindi hiyang ng mukha ko. I brushed my eyebrow. Hindi na ako nagkikilay kasi makapal na yung kilay ko. Hindi na rin ako nagma-mascara kasi mahaba na ang pilikmata ko. Naglagay lang ako ng kaunting cheek tint sa aking pisngi and i put liptint on my lips. Sinuklay ko ang wavy kong buhok na lagpas sa aking balikat.
Nang matapos na ako, tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. I smiled, lumabas ang malalim kong dimples. Isa sa kaliwa at isa sa kanan.
6:30 ako natapos, bumaba na ako at nakita kong kumakain sila Mommy.
"Anak, kumain kana muna," sambit ni Daddy kaya pumunta ako roon. Umupo lang ako pero hindi ako kakain, i don't eat breakfast talaga.
"Anak maaga kang umuwi mamaya, ha?" Bilin sa akin ni Mommy.
Tumango ako bilang sagot, baka kasi pag nagsalita ako ay mabuksan na naman yung topic tungkol doon sa lalaki.
"Tsaka makipagkaibigan ka roon, ha?" Biglang bumaba ang aking mga balikat at malungkot na tumingin kay Mommy.
"Mommy naman, hindi ko nga alam pangala--"
"Malalaman mo rin 'yon, anak. Para rin naman sayo 'yon, para tumino ka na kahit papaano," ngiting sambit ni Mommy.
"Tumino," sabat ni Ashton at tumawa. Tinignan ko lang siya ng masama.
Badtrip talaga.
"Blisan mo ngang kumain, sasabay ako sa'yo," Inis na sambit ko kay Ashton. May sasakyan kasi siya at p'wede na rin siyang magdrive. Ewan ko ba kung anong ginawa ni Daddy, tapos dapat ako rin meron kaso ayaw ni mommy. Hmp.
"Pasok na po kami." paalam ni Ashton at naunang umalis dahil s-start niya pa raw yung sasakyan.
"Punta na po kami," sambit ko nang hindi sila tinitignan.
"Ingat kayo, anak," ani Daddy at hinalikan ang aking ulo.
Tumango lang ako at tumayo na.
Tinalikuran ko na sila pero si Mommy, may sinabi pa kaya huminto ako pero nakatalikod pa rin."Anak, makipag close ka pag nagkakilala kayo, ha?"Natatawang sambit ni Mommy na animo'y inaasar ako.
Tumingin ako sa kanya habang nakanguso. "MOMMY NAMAN!" Ngunit tinawanan lang nila ako, nagsimula na ulit akong maglakad papunta sa sasakyan ni Ashton.
Naabutan ko siya sa loob ng sasakyan, nalabas niya na rin ito mula sa garahe. Nakasimangot akong sumakay sa front seat.
"Ang aga aga, busangot 'yang mukha mo," sambit niya at tumawa ng malakas.
Nilingon ko ito ng walang emosyon, nang mapansin niyang hindi ako natutuwa ay huminto siya.
"O-kay?" Weird itong nakatingin sa'kin, humarap na siya sa daan at nagsimula ng paandarin ang sasakyan.
BINABASA MO ANG
Te amo pero cuanto tiempo?(on-going)
Novela JuvenilAshrielle Fallorez, she's not that kind but she's not that bad. Some students call her a trashtalker--not until he met Cael... in a bad situation. Maraming nagbago. Marami siyang naramdaman na hindi dapat. Marami siyang naranasan: pagiging secured;...