Confused.
Gulat pa rin ako kasi bakit s'ya nandito? Diba dapat nasa library siya?
"Nakaupo," pilosopong sambit ni Cael.
Umirap ako sa kawalan.
"Are you stalking me?"
Bigla itong tumawa "Bakit naman kita s-stalk? You are not my type. Hindi ka nga napasok sa standard ko."
Ang kapal ng mukha nito?
Lumapit ako sa kanya at hinampas hampas ko ng polo
"How dare you to insult me." Patuloy ko siyang hinahampas pero tumatawa lang s'ya at kinuha sakin ang polo.
"Pag nasira 'tong polo ko--"
"Oh ano?"
"Edi nasira," tumawa na naman siya. So annoying.
"What are you doin' here?" Umupo ako sa tapat niya at pagkatapos ay tinaasan siya ng kilay.
"Binabantayan ka," mahinang sambit niya habang nakatitig sakin.
"What?" Taka ko siyang tinignan.
"Iyon ba gusto mong marinig? Sorry ka hindi yon ang sasabihin ko." Tumawa siya nang tumawa habang hawak pa ang kanyang tiyan. Kumuha ako ng maliit na bato at binato sa kanya.
"Bilib na ako sa kakapalan ng mukha mo!"
Tumigil siya sa pagtawa at pinasadahan niya ng kanyang mga daliri ang buhok.
"Napadaan lang ako rito at nakita kitang natutulog dito. Dito ka pa talaga natulog? Paano kung nahulugan ka ng mangga? Paano kung humangin ng malakas at tumaas yang palda mo?" Kita ko ang irita sa kanyang mga mata, umigting ang kanyang panga at nagsalubong ang kanyang kilay.
Taka ko siyang tinignan. Bakit ganito umasta 'to? Samantalang ang taray kanina sa sasakyan.
Tumawa ako ng mahina at umiwas ng tingin "Stop acting like you care--"
"I care," mariin niyang sambit at tinignan ko na naman siya, nasa akin pa rin ang mga mata niya.
"What?" Taka kong tanong. Nasapian ba 'to?
He cleared his throat. Tumayo na siya at hindi ako matignan "Late na tayo sa klase, tara na."
Kinuha ko ang bag ko at tinignan siya habang nakangiti. Napatingin naman siya sa'kin na salubong ang kilay
"What?" Iritang tanong niya
"Crush mo 'ko noh?" Abot tainga ang ngiti ko. Flexing my dimples. Maasar ka please.
Biglang nagbago ang expression ng mukha niya. Lalong kumunot ang kanyang noo "Saan ka kumukuha ng self confidence para sabihin 'yan?" Tinalikuran niya ako at nagsimula na siyang maglakad.
Nawala ang ngiti sa aking labi. Irita kong tinignan ang likod niya, nagsimula na rin akong maglakad.
"Saan ka kumukuha ng self confidence para sabihin 'yan." Ginaya ko ang boses niya at may pa galaw pa ng ulo. Bigla naman itong tumigil sa paglalakad kaya napatigil din ako. Taka itong tumingin sa'kin.
Narinig niya siguro yung pang gagaya ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad, bahala ka riyan. "Bata," rinig kong bulong niya.
Yabang. Isang taon lang naman ang agwat namin.
"Why are you late?" Malamig na sambit ng English Teacher namin.
Sasagot na sana ako ng biglang nagsalita si Cael kaya napatingin ako sa kanya "Sinamahan ko po si Ashrielle sa clinic." Good liar huh?
BINABASA MO ANG
Te amo pero cuanto tiempo?(on-going)
Fiksi RemajaAshrielle Fallorez, she's not that kind but she's not that bad. Some students call her a trashtalker--not until he met Cael... in a bad situation. Maraming nagbago. Marami siyang naramdaman na hindi dapat. Marami siyang naranasan: pagiging secured;...