Hiya.
"Mommy, Dad, punta na po ako. Nandiyan na si Cael sa labas," sambit ko pagkatapos marinig na bumisina ito mula sa labas. Tumayo na ako at humalik sa pisngi nila.
"Hindi mo ba muna papapasukin, anak?" Sambit ni Mommy sabay ngiti.
"Hindi na po--"
"Magandang umaga po," rinig kong sambit ni Cael mula sa likod ko. Agad akong lumingon sa kanya, ngiti ang bungad niya sa 'kin. Bigla akong humarap, nahihiya ako sa kanya!
Naramdaman ko namang tumabi siya sa 'kin, hindi ko siya nilingon.
"Punta na po kami Mom, Dad," ngiting sambit ko at nauna nang lumabas. Rinig kong nagtawanan pa sila.
Hindi pa ako sumakay sa sasakyan niya dahil naka lock ito.
"Tara na," rinig kong sambit ni Cael sa likod ko. Tinignan ko siya, naka ngiti ito sa 'kin habang kagat kagat ang labi. Biglang kumalabog ang dibdib ko. Umiwas ako ng tingin para hindi niya mapansin. Nauna na itong sumakay sumunod naman ako sa front seat.
"Ang tahimik mo yata ngayon, huh?"
Pinasadahan ko siya ng tingin at bumaling din agad sa harapan. "Wala lang."
"Ngayon tayo pupunta sa mga kanya kanyang sasalihan. Ano, sasali ka sa pageant?" Tanong nito. Bigla naman akong napaisip. Since gusto naman nila Mommy at ng mga kaibigan ko. Why not diba? Kaso hindi ako marunong but i want to try.
Bumuntong hininga ako bago magsalita "Sa tingin mo, kaya ko kaya yung pageant?" Tanong ko kay Cael.
"Hindi." Naningkit ang mata ko at tumingin sa kanya. Tumawa naman siya ng mahina.
"Ang pangit ng ugali mo, huh."
"Biro lang. Kaya mo 'yon. Kung kaya ng iba, kaya mo rin." Ngumiti ito at pinasadahan niya ako ng tingin bago bumaling uli sa daan.
Napasandal nalang ako sa kinauupuan ko.
"Si Aicea, sasali ba siya?" Bigla kong tanong. Ang sabi kasi sa'kin ni Zaphire at Cyan, lagi siyang sumasali at wala pa itong talo. Bigla akong kinabahan pero nawala rin, bakit nga ba ako kakabahan sa impokritang 'yon?
"Uh yeah, mahilig 'yon sumali sa mga ganyan eh." Bigla akong napairap.
"Hindi ba siya nau-umay?" Hindi ko pinahalatang naiinis ako pero nabigo yata ako.
"Inis ka teh?" Natatawang sambit nito. Nilingon ko siya at pabirong sinundot ang tagiliran.
"Inis ako sainyo, mukha kayong kamoteng dalawa." Pinagkrus ko ang aking balikat at tumingin sa harapan.
Niliko niya na ang sasakyan at pinarada sa harap ng school.
"Pogi kong kamote," rinig kong bulong niya sakto sa paghinto ng kanyang sasakyan.
"So disgusting." Bulong ko bago bumaba ng sasakyan.
Nagsimula na akong maglakad papunta sa classroom. Hindi pa rin ako sure kung sasali ba ako sa pageant. Aah~!
"Hintayin mo nga ako, magkaklase na tayo, remember?" Napahinto ako sa paglalakad, gano'n din siya. Tinignan ko naman ito at dahil hanggang bibig niya lang ako, medyo nakatingala ako sa kanya. Galing siya sa pagtakbo dahil mabilis ang paghinga niya. Bakit kasi kailangan niyang tumakbo?
Nakatingin siya sa mga taong dumadaan at bigla nalang siyang napabaling sa 'kin. Tumaas ang kilay niya at ngumiti kasabay ng pagkagat ng labi niya. Sinamaan ko siya ng tingin at nagsimula nalang uli maglakad. Naramdaman ko namang sumunod siya.
"Tumititig na naman. Namimigla talaga eh," rinig kong sambit niya.
Ramdam ko ang pagpula ng mukha ko dahil sa sinabi niya. Kinagat ko ang labi ko dahil sa kahihiyan.
BINABASA MO ANG
Te amo pero cuanto tiempo?(on-going)
Fiksi RemajaAshrielle Fallorez, she's not that kind but she's not that bad. Some students call her a trashtalker--not until he met Cael... in a bad situation. Maraming nagbago. Marami siyang naramdaman na hindi dapat. Marami siyang naranasan: pagiging secured;...