Classmate
Late ako nagising kinaumagahan. Wala man lang gumising sa'kin. Dali dali akong bumangon at pumunta sa banyo. After that, nagbihis din ako kaagad and do my routine.
Nang matapos na ako, tumingin ako saglit sa salamin. I smiled.
Bumaba na ako at naabutan ko sila Mommy na kausap si--Cael? Oo nga pala! I forgot! Susunduin n'ya na pala ako!
"A--ah Goodmorning," sambit ko kila Mommy and Daddy, then i smiled.
"Ang tagal mo anak, kanina ka pa hinihintay ni Cael."
"Hindi po kasi ako ginising ni moo." Dati rati kasi s'ya yung gumigising sa'kin.
"O'sya sige na, baka mahuli kayo sa klase." Lumapit ako kay Daddy para humalik sa pisngi, gano'n din kay Mommy.
"Hindi ka kakain ng breakfast?" Tanong ni Cael sa'kin.
"Nope. I don't eat breakfast," ani ko.
"Ingat sa pagmamaneho, Cael." Paalala ni Daddy
"Opo Tito." Tumango ito.
"Mauna na po kami." paalam ni Cael at hinawakan bigla ang siko ko.
"Ingat kayo Anak!" Pahabol ni Mommy habang nakangiti.
"Bakit mo ba ako kailangang hawakan?" Ani ko nang nasa tapat na kami ng sasakyan niya.
"Magpasalamat ka nalang at hinawakan kita, maraming nanghahangad na hawakan 'tong kamay ko," taas noong sambit nito at ngumiti ng malapad habang kagat ang labi.
Hindi na ako nagsalita at nauna nang sumakay sa backseat, siya naman sa driver seat, syempre.
Binuhay n'ya na ang makina pero hindi n'ya pa rin pinapaandar. Hinihintay yata ang pasko.
Tumingin nalang ako sa bintana. Bahala ka riyan.
"Bakit nga pala ang tagal mo? Hindi ka ba marunong gumising ng maaga na mag isa lang? Thirty minutes akong naghintay," iritang sambit niya. Kaya pala hindi niya pa pinapaandar, sesermonan nya muna ako.
Inikot ko ang aking mata "Maaga ka lang dumating."
"Wala akong pake."
Bakit ka nagtanong kung wala kang pake? tanong ko sa aking isipan.
"I don't care to your care," wala sa sarili kong sambit at bigla nalang napahalakhak. Para kasing bigla kong narinig yung boses ni Aika na sinabi niya kay Aicea.
Napatigil lang ako sa pagtawa ng mapansing may nakatitig sa'kin. Tumingin ako sa salamin at nagtama ang mata namin. Madilim ang kanyang mga mata at hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip n'ya. Umiwas na ako ng tingin at binalik ang mga mata sa bintana.
"Hindi ka pa ba aandar?
"Diyan ka ba talaga uupo sa likod?" Tanong naman nito na nagpataas ng aking kilay.
Tumingin ako sa kanya "Gusto mo 'kong katabi?" Ngumiti pa ako. Flexing my dimples, maasar ka please. Pero umirap lang ito at may binulong pa yata pero hindi ko narinig.
"Nagmumukha akong driver mo, hilo ka ba?"
Binalik ko ang tingin sa bintana bago magsalita "Ayos lang 'yan, mukha ka naman talagang driver." Suminghap ito at pinaandar ang sasakyan, napatawa naman ako ng mahina.
Pikonterist ka boi?
Tahimik lang kami hanggang makarating sa school. Marami pang tao sa labas kaya sakto lang ang pagdating namin.
BINABASA MO ANG
Te amo pero cuanto tiempo?(on-going)
Teen FictionAshrielle Fallorez, she's not that kind but she's not that bad. Some students call her a trashtalker--not until he met Cael... in a bad situation. Maraming nagbago. Marami siyang naramdaman na hindi dapat. Marami siyang naranasan: pagiging secured;...