Chapter 3

149 95 50
                                    

Ikaw?

Nandito kami ngayon sa library.
T'wing wala kasi kaming teacher, dito kami pinapapunta. Tutunganga lang kami buong oras.

Kanina pa ako nakatingin sa orasan, ang tagal ng uwian. Twenty minutes pa bago ang uwian.

Gusto ko ng humiga sa kama.

"Hoy, ash. Gala raw tayo mamaya, G ka?" Tanong sa'kin ni Cyan.

"Pass na muna," walang ganang sambit ko. Gusto ko na kasi talagang humiga.

"Weh?" sabay sabay na tanong nilang tatlo na para bang hindi makapaniwala.

Pagod ko silang tinignan, grabeng reaksyon 'yan.

Bigla namang tumawa si Zaphire ng mahina. "Nakakapanibago lang."

Tumango si Aika "Oo nga, anong nangyari?"

"Sabi kasi ni mommy kanina, maaga raw akong umuwi." binalik ko ang tingin sa orasan.

15 minutes nalang!

"Wow himala, sumunod!" Sabay na sambit ni Zaphire at Aika habang tumatawa. I just gaved them a middle finger.

"Ayos ka lang ba, Ashrielle?" Tanong sa'kin ni Cyan kaya napalingon ako sa kanya.

Ngumiti ako "Oo naman, bakit hindi?"

Tumango ito bago magsalita, "Wala lang, akala ko kasi apektado ka pa rin doon sa nangyari kanina."

"Ay oo nga, pabayaan mo na yung Aicea na 'yon. Wala siyang ambag sa iyong life," aniya Aika.

"Of course not. Wala na akong pake sa kanila, okay? Basta ayoko lang na makita sila kasi parang hindi ko sila trip? Ayoko ng presence nila." paga-amin ko sa kanila.

"Same! Lalo na do'n sa Aicea na 'yon, parang may ganap s'ya sa buhay natin in the future. Parang hindi maganda ang ihip ng hangin kapag na riyan s'ya," kaibigan ko talaga itong si Aika, parehas kami.

"Bakit ba kasi hindi kayo nag aya kanina?" Naka ngusong sambit ni Zaphire. Hindi naman siya mahilig makipag away, mahilig lang siyang manood ng away.

"Haler, girl? Anong gusto mo pupuntahan kita sa classroom habang nakikipag bangayan ako? Tawagin pa akong frontrow no'n," natatawang sambit naman ni Aika. Pati kami ay natawa. May point naman kasi s'ya.

"Hay nako, mga kupal kayo! Magmo-moving up na tayo tapos hilig niyo pa ring makipag away."

Sabay sabay kaming napalingon kay Cyan dahil sa sinabi niya. Katapat ko siya at katabi niya si Zaphire.

"Hiyang hiya kami sa'yo," sabay sabay na sigaw namin sa kanya, bigla naman kaming sinuway ng librarian kaya napatigil kami, pinigilan nalang ang pagtawa.

"Dapat talaga kayong mahiya," taas noong saad niya sa'min.

Natawa nalang kami sa asta niya. Parang mas lalaki pa kami kay Cyan. Tinitigan ko s'ya ng nakikipag asaran ito kila Zap at Aika.

Cyan is very kind. Maganda ang hugis ng kanyang mukha, matangos din ang kanyang ilong. Hindi ganoon kapinkish ang labi pero maganda pa ring tignan. May nunal siyang maliit sa gilid ng mata niya. Hindi ganoon ka kapal ang pilik mata niya pero bawing bawi naman sa kilay. Mestizo siya at medyo mapanga.

Kaya maraming nagkakagusto sa kanya. We are lucky 'coz we have a friend like him. Kahit ang pilosopo kausap, nandyan siya through ups and down.

Tumingin ulit ako sa orasan, tatlong minuto nalang.

"Sigurado ka bang ayaw mong sumama sa'min, Ash?" Tanong ni Zaphire kaya lumingon ako sa kanya.

"Yes, maybe next time," wika ko sa kanya.

Te amo pero cuanto tiempo?(on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon